Akda ni:
fillipponeOrihinal na akda:
There are 2^256 private keys out there: how big is that number?
Noong nakaraan habang ako kay nag baba sa Bitcoin rabbit hole ako ay napatigil dahil sa isang kilalang website ito ay ang keys.lol
https://keys.lol(Babala: matagal nang taon ang lumipas!)
ito ay isang website kung saan ay gumagawa ng 128 na private keys sa bawat page, at tinitignan nito ang bawat mga address (compressed o uncompressed) sa chain at nag bibigay ito ng resulta sa positibong balanse at mga nakaraang transksiyon nito.
Wow!
Pag nakakita ka ng isang positibong balanse sa mga nagawang pages, ikaw na mismo ang mayari ng private keys, kundi ikaw na ang may-ari ng balanse, at walang makakapigil sayo na ilipat ito sa inyong sariling wallet.
I spent a few hours on that website, generating thousands of private keys, of course without finding anything, not a single used address, let alone one with a balance.
Halos gumugol ako ng ilang oras sa website nayan, nag generate ng libong mga private keys, at syempre hanggat hindi ako nakaka hanap ni isa, ni animoy kahit isang gamit na address, at kahit may isang laman.
Kaya, napaisip ako na maari kong pabilisin ang proseso dito, at sa pakikipag usap ko sa mga kapa user dito sa forum, akala ko makakagawa kami ng script na maaring gumawa ng private keys, na tatanungin lang ang aking bitcoin node, balanse ng address, at ililipat na ito sa aking sariling wallet. Pag gawa nito sa local ay maaring mapabilis ng kaunti ang proseso, ayun ang akala ko.
Alam ko naman sa umpisa pa lang ang mga posibilidad na mababa ang lang makakita, pero gusto ko pa din subukan para maktia ang mga balanse kahit mag hanap sa wala, at naisip sana wala ding gagawa nito sa bitcoin ko kaya itinago ko ito sa aking cold wallet.
Habang nag iintay ako kay @babo sabihin ang script, napaisip ako sa sarili ko “Si Filippone ay isa lang pawn sa laro ng buhay”...paanong walang nakaisip nito?
Balik sa rabbit hole, doon ko nalaman ang Large Bitcoin Collider.
https://lbc.cryptoguru.org/aboutWow at talagang seryoso ang proyektong ito.
Kung titignan libong magkakaibang server ang gumagana at tumitingin sa 26 Trillions (!!!) na private keys araw-araw.
Sa humigit kumulang unang tatlong taon, at sila ay nakahanap ng 7 private keys. At ito ay sobrang dami! Kung titignan ko lang ito ay mababa na, pero may posibilidad na ito ay dahil lang sa bug ng ilang mga wallet na hindi optimal sa pag gawa ng paiba-ibang numbero para sap ag gawa ng keys. (Kailangan pa ng mas malalim pa na kaalaman dito!)
Halina’t tignan natin maigi ang ilang mga numero:
Bilang ng private keys na maaring gawin: 2^256 o humigit kumulang 10^77
Bilang ng bitcoin address: 2^160
Bilang ng private key na maaring mahanap sa Bitcoin collider: 2^160
Bilang ng atoms sa universe: 10^78 hanggang 10^82
Bilang ng mga
gamit na Bitcoin address: 18,000,000
Sa bilang ng private keys TALAGANG posible, dahil ito ay maaring mas maliit pa sa 2^256,
tulad ng sinasabi dito
Mag bigay tayo ng ilang halimbawa.
- Sabihin natin mayroong halos bilyon na mga aktibong address, at lahat sila may may laman: siguro ito ay umaabot na hanggang 10^3 o mas malaki pang bilang.
Siguro ang dami ng atoms sa kalakawakan ay 10^3 na mas Malaki sa bilang ng mga address, madaling sabihin na ang pag hahanap ng private key na may laman ay parang pag hahanap ng atoms sa buong kalawakan.
Gaano kalaki ang bilying atoms?. Ayon sa Quora ang sagot ay mas maliit pa ito sa E.Coli Bacteria. So itong bacteria na ito ay maliit at kasing laki ng isang atomic level, na nakalat sa buong kalawakan at sisusubukan natin ito. Sobrang hirap hindi ba?
- Pangalawang halimbawa ay ang artikulong ito. Sabihin natin maari nating ma tignan ang lahat ng private keys at makita ang laman nito at sabihin nating lahat ng naninirahan sa mundo ay maaring ma-scan sa bilis na isang bilyong beses o mas higit pa dito sa ngayong computing power ng Bitcoin network, sumakatuwid:
* 10 bilyong katao;
* minultiply sa isang bilyon;
* minultiply sa dalawang beses ang computing power ng Bitcoin, at 100 terahash kada segundo;
Maaring makuha natin ito:: 1,000,000,000,000*1,000,000,000*100,000*100,0000,000,000 = 10^10*10^9*10^5*10^12 = 10^36
Sa madaling salita, nag rounded down tayo ‘115,792,089,237,316,195,423,570,985,008,687,907,852,837,564,279,074,904,382,605,163,141,518,161,494,336’ to 10^77, a,t nakuha natin ito kung titignan natin ang bawat private key, na may laman ito ay halos 10^77/10^36 = 10^41 kada Segundo, tingin nyo ilang taon ito?
Alam naman nating mayroong 31557600-ng Segundo sa isang taon at katumbas nito ang 10^41/31557600 = 31^33 taon, na humigit kumulang na 10^23 beses ang tanda ng ating kalawakan ( na may bilang na halos 13.82 bilying taon), sa madaling salita
100,000,000,000,000,000,000,000, i.e. halos 100 bilyong higit sa edad ng kalawakan natin.
- Ang bidyong ito ay naglalayon ipakita kung gaano ka seguridad ang SHA 256 algorithm.
https://youtu.be/S9JGmA5_unY
- Lahat ng halimbawa ay hindi binibilang ang dami ng enerhiya na kasama dito sa pag kalkula. Syempre ito ay isa sa mga pinaka malakas na makinarya na kailangan din ng malakas na enerhiya. Gaano nga ba kadaling enerhiya ang kailangan? Sa totoo lang, napaka rami, ayon sa larawang ito:

Link papunta sa Reddit
Iba pang mga halimbawa kung gaano katagal ang kailangan para mang hula ng isang private key
Para sa iba pang gabay:
Iba pang mga malalaking number:
Ito ay ilan lang sa mga halimbawa, kung mayroon pa kayong madadagdag na pagkukuhaan o kumento, wag kayo mag alinlangan na ilagaw ito sa ibaba at idagdag natin ito sa listahan!