Sa totoo lang matagal na ko active sa altcoin airdrops and habang tumatagal nagiging iba iba ang style paano maging eligible sa airdrop. Siguro karamihan sa atin dito ay naalala pa yung mga simpleng way like fillup ng form sa google then paldo talaga. Pero since then laki na ng pinagbago.
Based on my experiences these past few years meron talagang mga jackpotan na airdrops minsan nakakatsamba yung iba naman ay olats. For now ito yung mga ginagawa ko na tingin ko relevant pa naman kahit papano.
Sample of my airdrops last 2025

1.
Social contributions - Ito yung mga pagsupport sa project gamit yung mga socials account ninyo like X, discord and telegram. Karamihan ng iba kong goods airdrop galing dito lalo yung discord roles which is effective until now. Iba iba yung way ng mga projects pagkuha ng role, minsan through activity sa discord or based sa contributions mo sa X oh di kaya sa level up system nila or paggamit ng products.
2.
Retro/Deposit - For sure familiar kayo dito, since ganyan yung mga past airdrops, yung magswap ka to make volume or mag provide ng LP(Liquidity protocol) at lately nauso na rin yung deposits to earn. For me, ito yung pinaka madali kaso needed lang ng funds. Though masasabi ko na risky ito since yung mga platform ay new or nasa introduction phase. Dito mo makita safe ba yung kanila kasi talamak sa altcoin defi projects ang macompromise. Diyan na papasok yung skills mo to pick a good one.
3.
Staking/Nft - Im not sure if malakas pa din ba ito pero isa ito sa pinaka common like if you hold a certain nft sometimes nabibigyan ng partners proje
ct nila or kasali sa allocation. Yung staking naman eh ganun din, bukod sa kita mo na APY% from staking minsan nabibigyan din ng mga partner project. Katulad ng skaito tokens or kaito na may mga allocation sa projects na gumagamit ng kanilang services. Pero madami pa iba.
4.
Ambassador/Infofi - Lately ay nagsunset na ang Yaps or info sa mga projects na ganito ang narrative due to X new policy pero so far meron pa din mga buhay or nag try to build ng own nila. Parang di talaga mawawala ang part na to sa Crypto dahil sanay na ang mga projects sa environment ng X
(Dating Twitter)5.
Perpetual Trading - Ito naman yung mga dexes na new project na nagrereward sa mga users nila or mga traders. Ito pabor to sa mga teaders instead na Cex ang gamitin sa perpetual trading or future trading dito mo siya gawin for sure magkakaroon k ng chance to earn part of share if ever magkaroon sila ng tokens. Good example neto ay yung HYPE, ASTER at iba pa.
6.
P2A ( Play to Airdrop) - Ito alam ko mayroon pa din pero dahil hindi ako gamer or mahilig sa ganito bukod sa Axie dati, ay di ko sure if goods pa ba siya. Pero siguro sa mga talagang gamers ito ay napakaeasy sa kanila or prefer yung games at bonus na lang if kumita from airdrops or not.
So far ito yung mga familiar ako kabayan. Mayroon pa ba kayo madadagdag? Sobrang nagiiba na talaga ang ways at lalong humihirap so we need to adopt paano makakatake advantage sa mga new narrative na potential for airdrops.