Kung tayo maghihikayat sa iba na mag invest sa crypto, i-co-convince pa rin ba natin yung mga nakikita nating medyo nag-struggle financially? Like yung mga employees na maliit lang ang sahod, minsan kulang pa para sa pamilya.
Alam naman natin na magandang investment ang crypto. Pero paano kung hindi mag succeed? Kaya ba nating tanggapin na baka mas lalo silang mahirapan, instead na makatulong sana tayo sa situation nila?
Para sakin kung sapat lang talaga yung kita nila para masustain yung daily needs nila ay hindi na talaga advisable ang high risk investment since ilalagay nila sa risk yung pera na dapat ay macover yung personal necessities nila.
Pero may mga tao din kasi na kaya mag extra effort para kumita ng extra kahit pa nasa minimum wage ang sahod nila kaya sa tingin ko ay case to case basis pa dn.
Malaking bagay dn ang Bitcoin investment para makawala sila sa kahirapan. May mga kaibigan ako dati na kapareho ko na mahirap lang dn na sabay ko nirecruit maginvest sa Bitcoin. Pero walang nag take ng advice ko kaya ako lang yung nakaangat sa amin na tipong yung kita ko sa Bitcoin ay hindi ko kikitain sa trabaho ko lng kahit pa matagal na taon.
Medyo nakaluwag talaga ako financially dahil sa kita ko sa Bitcoin dahil naka invest ako sa sobrang baba na halaga tapos bounty dito sa forum.