Nag-aalala alng ako baka bull trap ito. Isang higher low para itrap ang mga bullish trader at iyong mga naka long position. Alam naman natin na kung sakaling magrepeat ng history ng market pattern ang Bitcoin ay malabong maging break out ito.
Baka nga pinapaasa lang iyong mga traders na may long position at eventually ay maliquidate ang position nila. Kadalasan kasing nangyayari ito kapag medyo tumagal ang sideway, marami ang nagkakamali at iniisip nila na break out na kapag medyo tumaas ng presyo ng BTC sa inaasahan. At napatunayan din naman ng history ng merkado na kapag ganitong sitwasyon marami ng natatalo sa trading lalo na iyong nag long position sa panahon ng bear market.
Para sa akin isa nga yang bull trap, dahil siguro iniisip nung ibang mga whale na madaming mga traders na nag-iisip siguro na magrarally na ulit si bitcoin sa merkado pero ang totoo hindi naman talaga, saka yung basa ko dyan hanggang 70k$ mahigit lang ang irarally nyan, sa ngayon nga yung trend direction ng price ni bitcoin pabalik na yan ng 65k$ ulit though for now nasa sideways ng 74k$ na resistance at support na 65k$.
Kung magkaroon man ng pag-angat yan ngayon ay hanggang 71k$ mahigit lang yan then rejection ulit ang makikita natin dyan paunti-unti in which is correction down to 65k$ sigurado ako dyan, kaya yung paglagay ng long-position para sa akin medyo risky na gawin yan, except nalang kung sa maiksing galaw lang sa long ang set-up mo ay ayos lang, ito yung opinyon ko lang naman.