Ramdam na natin sa Pilipinas ang epekto ng mataas na presyo ng langis mula sa pamasahe, kuryente, hanggang sa presyo ng bilihin. Sa tingin niyo, maaari bang makatulong ang Bitcoin sa ganitong sitwasyon, o baka mas lalo lang tayong maapektuhan? Ano ang opinyon niyo tungkol dito at paano ninyo nakikita ang papel ng crypto sa ekonomiya ng bansa?
Pwedeng makatulong ang Bitcoin depende sa situation mo. Kung may extra pera ka sa bank na naka steady lang ay pwede mo itong ilagay sa Bitcoin para makapag hedge ka sa inflation since siguradong bababa ang buying power ng peso dahil sa pagbagsak ng economy natin.
Halos 60php na ulit ang 1$ na ibig sabihin lang na humihina ang peso kontra dolyar kaya magiging advantage sayo kung naka Bitcoin ka habang tumaas ang bilihan at bumababa ang peso natin.
Pero kung ang pera mo ay sapat lang sa pang araw2 ay hindi advisable since need mo na galawin agad yung Bitcoin investment mo which is hindi profitable sa short term holding lang.