Ramdam na natin sa Pilipinas ang epekto ng mataas na presyo ng langis mula sa pamasahe, kuryente, hanggang sa presyo ng bilihin. Sa tingin niyo, maaari bang makatulong ang Bitcoin sa ganitong sitwasyon, o baka mas lalo lang tayong maapektuhan? Ano ang opinyon niyo tungkol dito at paano ninyo nakikita ang papel ng crypto sa ekonomiya ng bansa?
At next week mukhang mas lalo pang aangat at base sa nalaman ko sa may-ari ng isang gasoline station dito sa amin walang dumarating na suplay kaya mas lalomg tumataas ang deman kaya lunalaki ang presyo. Kung gagawin lang na mode of payment ang bitcoin wala namang magiging tulong para maibsan ang ganitong sitwasyon, walang magagawa ang bitcoin diyan. I think for government mas mainam na mag stack neto or gold as national reserves yan ang magiging malaking papel sa bansa.
May supply naman kaso lang ang explanation kung bakit tumataas kahit merong nkaimbak ay dahil daw mahal ang magreflenish or restock, iyon ang dahilan according sa DOE kung saan tinalakay nga ang reklamo ng marami na madami naman pa ang imbak natin, ngayon wala tayong magawa duon, so paldo nanaman ang mga business ngayon kung saan sa kanila nanggagaling ang energy, i think its about time we go solar, or hybrid setup, mahal sa start dahil sa pagcapital pero in the long run maganda.
Pero drlay o hindi nakakarating kaya nagkakaroon ng mababang suplay kaya tumataas ang demand at lumalaki ang presyo. Willing yung karamihan kasi necessity din kasi ang langis at hindi talaga maiiwasan na kahit nagmamahal bibili at bibili parin ang tao. Sana lang nagkaroon ng price freeze yung gobyerno kasi meron talagang mapagsamantala kahit na yung old stock nila ay pinatungan din ng presyo sa hike. Pero hindi ko talaga masilip ang tulong na maidudulot ng Bitcoin ukol rito. Mode of payment maraming instant ang pwedeng pagpilian diyan na mas mabilis pa.