 |
Today at 04:07:56 AM |
|
Alam ko madami ng nakapagbigay ng warning dito sa forum na ito tungkol sa mga gawain ng scammers, dahil sa panahon na ito ay more than triple x sila kung magtrabaho para lang makahanap ng bibiktimahin nila, at hayaan niyo po na magbahagi ako sa inyo ng aking karanasan nung isang araw lang.
Nagring ang cellphone ko at sinagot ko na,
Ako: Hello
Scammer: magandang araw po eto po ba si......??
Ako: bakit nyo po hinahanap ang taong yan?
Scammer: kayo po ba ito?(binanggit yung tunay kung name) ako po pala si Benedict sa banko po, napatawag po kasi ako dahil sa mga oras na ito ay meron pong nagpurchase at chinecheck lang po namin kung kayo poba talaga yung bumibili ng item na binili sa ganitong botique.
Ako: ganun po sir, naku hindi po ako yan dahil hindi naman po ako umaalis ng bahay itong araw na ito( nagtataka na ako pano nya nalaman ang buong name ko pati number ko?) Scammer: naku mabuti nalang po pala vinerify muna namin kung kayo po talaga yung bumili, alam nyo naman sa panahon na ito na madaming mapagsamantalang tao para makapangloko ng kapwa.
Ako: ay opo madami pong scammers sa panahon ito kaya dapat dobleng ingat ang gawin.
Scammer: Tama po kayo dyan at yan nga po palagi naming sinasabi sa aming mga kliyente dito sa banko, ngayon po bago nalang po matapos itong pag-uusap natin since na nakumfirm po namin na hindi talaga kayo yung bumili sa isang mall botique ay kung maari po para maverify lang namin po na kayo nga po talaga ito ay magpapadala kami ng otp sayo sa cellphone number mo na ito at paki banggit lang po kung ano yng number para makumpirma namin na nasa mabuting kalagayan na yung account nyo dito sa banko namin.
Ako: Hindi po ako tanga sir.
Scammer: ah okay, sige salamat po magandang araw, sabay off ng scammer yung line nya.
Yung mga ganitong sitwasyon na pambibiktima ng mga scammers ay sadyang nakakabahala sa mga taong walang alam at hindi aware sa modus na ganito, kaya kapag unknown number po ay mas maganda na wag nyo nalang sagutin unless kung magtx muna at magpakilala sa inyo at dun niyo nalang sagutin kapag nakapagpakilala na. Magandang araw sa inyong lahat.
|