This will be posted in Others (Pilipinas) kasi gusto ko lang ishare ang experience ko at pakingan insights niyo tungkol dito.
Morethan a year of inactivity dito sa forum at almost isang taong inactivity sa buong cryptospace, ganyang kahabang panahon ako nag pahinga dahil sa sunod sunod na kamalasan at wrong moves ko sa crypto.
2023 was the time na sobrang lakas ng airdrop campaigns ng altcoins at expected talaga na lilipad ang bitcoin, aaminin ko na kumita din ako ng medyo malaki laki dahil sa airdrop season pero isa sa maling nagawa ko ay ang hindi pag benta sa lahat ng mga airdrop tokens na narerecieve ko. Dahil nag eexpect ako na mag aappreciate ang value nila in the long term since I'm highly expecting an alt season. Majority sa mga tokens ko na nareceive ay down ng 50%-60% before at sobrang laki ng panghihinayang ko.
Dami ko ding naging mali sa mga trades ko because of being too optimistic. Sobrang bullish ako ng time na yun at nag fail ako na tangapin na bearish market na. Which is the reason na nakakapag revenge trade na ako (which is very wrong). Akala ko that time malakas na ang trading psychology ko dahil matagal tagal na din ako nag tatrade pero hindi pala.
Isa pa sa reason kung bakit ako nag pause gumamit o maging active sa crypto space ay dahil sa aking mental health.
Ako ay nabiktima ng hacking, almost lahat ng laman ng wallet ko naubos, ito ay naganap during nung medyo laylow na ako sa crypto kaya hindi ko napansin na nahack na pala ako. Tangay lahat ng assets ko including altcoins, airdrop tokens, and pinaka masakit pati emergency funds ko hindi nakalampas. Bitcoin ko lang na nasa loob ng hardware wallet ko yung hindi nanakaw.
Sobrang sakit pero marami akong natutunan. Ngayon ay almost tangap ko na loses ko at alam ko na ang gagawin ko going forward.
Lesson learned and realizations ko.
- Never marry your bags. Sell it if satisfied and don't be greedy.
- Take time securing your assets. Hindi enough na non-custodial wallet lang hawak mo, hardware wallet should be a bare minimum sa mga inaalagaan na assets.
- Never put your emergency funds along with your moving assets. I learned this the hard way, 1 year worth of emergency funds nawala sakin dahil nakampante ako na hindi ako ma hahack.
- Alagaan ang sarili at ang mental health. If sa tingin mo nakakaaffect na yung kalagayan mo sayo, pause and rest until makabalik ka. Don't be scared to do a cut loss sa mga losing assets mo or trades.
- Accept reality, kahit hindi ka pabor sa mga nangyayari. Don't be too optimistic sa mga desisyon mo especially if kabaliktaran nito ang nangyayari.
Sorry guys at dito ko to nilabas mga saloobin ko pero I want to hear your opinions and suggestions as I plan on move forward sa crypto journey ko.