Age check lang tayo guys para magbalik tanaw kung gaano na tayo katagal sa Bitcoin kahit pa ilang beses na ntin nasaksihan ang maraming brutal dump ni Bitcoin.
Nagsimula ako sa Bitcoin involvement around college days during 2014-2015 bago ko pa madiscover itong forum noong 2016 kasama mga kaibigan ko sa Bitcoin group sa facebook na naghikayat sakin gumawa ng account oara sa extra earnings sa campaigns.
Through ponzi investment napunta sa Bitcoin doubler scam at mga iba’t ibang faucet/ptc site para lang maka earn ng Bitcoin. Sobrang saya balikan yung mga dating ginawa natin bago natin maabot yung kung ano mayroon tayo ngayon dahil nagtiwala tayo sa Bitcoin na magsusuccess in the future which is nangyari nga!
Big congratulations para sa lahat ng nandito pa at sa mga bagong pasok pa lng dahil lahat tayo ay panalo sa pagiging believer!
Exactly 20 kasi age ko nung nagsimula ako sa Bitcoin while ngayon trentahin na. Curios lang ako kung meron ba dito na nasa 40s and above na. Soon mga senior citizen na tayo. Haha
PS: Naisip ko lng itong thread na ito since nakita ko ang RIP thread na ito
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5576714.0 at yung mga iba na kasama natin sa forum na nauna na.