Hanggang ngayon meron parin talagang istilong ganyan sa panahon na ito, galawang scammer o networker yung ganyan, kaya basta may magpakita ng pera na ito raw yung kinita nila sa binabahagi nila sa Facebook ay red flag na agad ito sa akin, kahit pa sabihin nilang pineflex lang daw nila, naku po gasgas na yang ganyang reason promise.
Stupido nalang talaga ang maniwala dyan or ganid na tao ang mag-iinvest sa ganyan, halatang ponzi scheme na ponzi scheme ang datingan ng ganyang mga galawan ng mga scammers, ngayon kung madami parin ang nabibiktima yun ay dahil din kasi madaming sakim din na mga tao sa panahon na ito.
Pwede naman some of them ay hindi talaga alam na scam yung platform or yung project or hindi pa sila iniiscam ng platform.
Kaya the reason naman bakit madaming nagshishare is pwedeng malaki or maganda ang bigayan sa mga referral program, pwede rin na pina tikim ng magandang payout sa umpisa at hindi nila alam na later on bigla nalang mawawala itong project na ito or mag rugpull..
Ganun talaga siguro kapag walang alam, kadalasan mabibiktima talaga ng scam. Pulis at teacher pa nga minsan mga biktima ng ganyan. Mga nagbabakasakaling baka pumaldo. lol
Nasabi ko lang naman yan dahil ilang dekada ng ginagamit ng mga scammers ang pamamaraan na yan at hanggang ngayon ay yan parin yung ginagawa nila, at totoo naman na may iba na hindi nila talaga alam, pero sa kabila na ganun ang sitwasyon o kalagayan nila ay kahit na alangan na nga sila ay nag-iinvest parin sila, magaling sa mga promises at hype talaga ang ganyang mga scheme. Nanggaling na kasi ako sa ganyang mga scheme may mga iba talaga na pumoposisyon sa ganyan na mostly mga top earner sa MLM na hindi naman nagtatagal ang existence ng business na binabahagi nila.
Iisa kasi ang tactics nila, kung ano ang trend dun nila lalagyan ng scheme na ganyan, dahil alam nilang madaming mga community natiin ang mahilig sa pagexplore ng mga bago, nakakalungkot lang kasi kahit gasgas na gasgas na yung pamamaraan nila ay madami parin ang nalalasing sa paraan nila kaya kawawa yung mga inosente, ang worst pa nga nyan kadalasan yung iba kaya napapainvest dahil pinagkakatiwalaan nila yung nagbahagi nito sa kanila pero hindi nila alam niloloko narin sila dala ng kahirapan at palalabasin na biktima din sila, kaya nga ingat nalang sana sa ating ibang mga kababayan dyan.