May Akda:
1miauOrihinal na Akda sa English:
Is diversification into different coins really a good advice for Newbies?
Karamihan sa mga bagong artikulo ay nag rerekomenda anito: "Mag-iba iba! Huwag ilagay ang lahat ng itlog sa isang basket! Bumili ng iba't ibang coins para mabawasan ang panganib!".
Sa ngayon, magandang pakinggan to sa unang tingin, ngunit may katotohanan ba ito sa realidad? Tara tingnan natin:
Ang pagkakaiba-iba ba para sa cryptocurrencies ay naaangkop?At dahil ang payong ito ay tila nanggaling sa merkado ng tradisyunal na pamumuhunan tulad ng stocks, mamahaling metal at iba pa, ang isa ay dapat maintindihan na ang estratehiya ito ay mas maganda sa tradisyunal na merkado. Sa likod ng stocks ay karaniwang mga malalaking kumpanya na pinakita na subok at matatag sa merkado at ang panganib na malaking pagkalugi ay mababa, lalo na kung aasa ka sa nangungunang stock. Kahit ang mga mahahalagang metals na katulad ng ginto at pilak ay hindi nawawalan ng halaga ngayon at bukas, kaya ang pagkakatalo ng malaki ay malabo.
Kung kukunin mo ang Coinmarketcap 100 para ikumpara sa S&P 100, mabilis mong malalaman na ang daming mga shitcoins na walang konsepto, kahit sila ay nasa TOP 100 sa mahigit na 10,000 Altcoins. Kahit na sila ay nasa TOP 10, halos 50% ay pwede mong tawaging shitcoins, kung hindi man karamihan ay matatawag mong mapanglinlang.
Karamihan sa mga proyekto na to ay nasa una pa lang yugto at kahit ang Etheruem ay hindi parin siguro kung ang ideya ng PoS ay gagana (kasama pa ang iba't ibang problema). Ang Ethereum ay kasalukuyang nasa pangalawang posisyon, na nagsasalaysay ng spekulatibo ng mga mababang coins. Ang pagkalugi ng mahigit 90%, nitong nakaraang 2 taon ay pinapakita, na ito ay hindi bihira. Itong mga bagay na to ay hindi makatotohanan sa karamihan ng stocks at sa mga mahahalagang metal o sa real state.
Ang cryptocurrencies ay hindi pwedeng ihambing sa kanilang estrukturang pagdating sa estratehiya nag pagkakaiba ng matagumpay sa ngayon, dahil ang estruktura ng crypto ay talagang iba. Nagbibigay sila ng mataas na balik ng kita ngunit may kaakibat na malaking panganib.
Ano ang tama nung nakaraan - mag-iba iba ba o hindi?Para sa cryptocurrencies nitong nagdaang dalawang taon, kitang kita na ang paghawak ng mataas na porsiyento ng Bitcoin ay ang tamang desisyon. Kung babalikan natin, pwede nating sabihin na ang Coin xy ay tinalo ang Bitcoin, pero kung inanalisa mo karamihan sa mga kilalalang altcoins noong 2017 / 2018, na nawalan na sa pagitan ng 80-95% mula noong kanilang pinakamataas na presyo, habang ang Bitcoin ay nawalan lamang ng 50% hanggang sa ngayon. Kaya, sa Fiat, ang ibig sabihin nito ay naka tipid ka ng mas maraming pera kung namuhunan ka lamang sa Bitcoin, katumbas naman sa 250% sa Altcoin ng 80% na pagkalugi o kahit 1,000% sa Altcoin ng 95% na pagkalugi. Sa mga sumusunod na talahanayan:
| Coin | Puhunan malapit sa ATH | Pagkalugi hanggang ngayon | Natitirang Halaga |
| _________________________________________________________ | ________________________ | _________________________ | ______________________ |
| Bitcoin | 1000$ | 50% | 500$ |
| Shitcoin A (sabihin na nating Litecoin, kaagahan noon 2018 Rank 7) | 1000$ | 80% | 200$ |
| Shitcoin B (sabihin na nating NEM, kaagahan noon 2018 Rank 6) | 1000$ | 95% | 50$ |
Kaya, mabilis mong maintindihan na ang pagkakaiba ng mga ilang nangungunang 10 coins ay hindi epektibo kung ikukumpara natin kung namuhunan tayo ng lahat sa Bitcoin. Bagaman meron namang cryptocurrencies, na tinalo ang Bitcoin, hindi naman ito masyadong nakaapekto sa mga mataas na pagkaka-iba ng portfolio. Talagang mahirap at imposible na makita ang mga Altcoins sa simula at talagang spekulatibo ang magpunta lamang sa isang Altcoin. Maidagdag din, ito ang kaibahan ng pagkaka-iba iba.
Ang pagkahawak ng maraming coins at "pagkakaiba", ay mag reresulta ng mas malaking pagkalugi laban sa paghawak lamang ng Bitcoin.
Hindi ko mahulaan ang may estatistika ay may kaugnayan sa hinaharap, malalaman din natin. Ngunit kung ikukumpara, maraming Altcoins ay nangunguna sa Bitcoin nitong huling bull run sa merkado. Ngunit mababa ang posibilidad nito, lalo na sa dami ng hindi pa luto Altcoins na nag-aalok ng parehas na paggamit.
Karagdagang pang problema sa pagiba-iba: mas ma trabaho, aksidenteng pagkawala ng mga coins at ang panganib sa pagda-download ng mga malwareAng portfolio na mataas na antas ng pagkaiba iba ay may ilan pang kahinaaan:
Ang bawat isa ay kailangang maglaan ng
maraming oras sa pag trabaho:
- Ang bawat Altcoin ay kailangan suriin para makita kung ito ay matatag at maganda puhunanan. Pwede ka rin magtapon ng pera sa bawat coins na nasa Unang sampu pero hindi ito tamang desisyon.
- Sa pang kalahatan, lahat ng pagmamay-ari mo na Altcoins ay dapat madalas mong tinitingnan para mabenta mo sa oras kung may lalabas na problema sa Altcoin. Ang ibig sabihin nito ay kailangan mong maglaan ng maraming oras, lalo na kung marami kang coins sa iba't ibang proyekto.
- Kailangan mong aralin at matutunan ang teknolohiya sa bawat Altcoin, kung paano ang proyekto gumagana at paano gumawa ng sarili mong pitaka para maitago mo ang iyong Altcoin. Maari itong maging mahirap depende sa Altcoin, lalo na sa mga baguhan, at idagdag na rin natin na ilalagay natin sila sa panganib ng mawala ang coins dahil sa maling pag gamit. Kapag nag-install tayo ng iba't ibang wallets, mayroon panganib na makapag download ng malware at ito ay may kaakibat na maling kahhiihitnan.
Kung meron ka lamang na kaunting coins, ang mga dahilan na to ay mababawasan.
Sa pagtatapos, malaking bahagi ng Bitcoin sa iyong portfolio ay mallit ang spekulatibo, hindit ito mapanganib at bawas trabaho. Mas maraming Altcoins na iyong binibili ay binabawasan ang Bitcoin na iyong hahawakan, mas malaki ang spekulatibo, mas mapanganib at mas ma trabaho sa iyong puhunan para meron kang matanggap.