Bitcoin Forum
March 29, 2026, 06:55:26 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ang pagkakaiba-iba sa iba't ibang coins ay talaga bang maganda payo sa Baguhan?  (Read 54 times)
fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 185


You Attract What You Are


View Profile
March 28, 2026, 04:08:09 AM
Merited by cryptoaddictchie (1), Porfirii (1), GazetaBitcoin (1), Peanutswar (1)
 #1

May Akda: 1miau
Orihinal na Akda sa English: Is diversification into different coins really a good advice for Newbies?



Karamihan sa mga bagong artikulo ay nag rerekomenda anito: "Mag-iba iba! Huwag ilagay ang lahat ng itlog sa isang basket! Bumili ng iba't ibang coins para mabawasan ang panganib!".

Sa ngayon, magandang pakinggan to sa unang tingin, ngunit may katotohanan ba ito sa realidad? Tara tingnan natin:


Ang pagkakaiba-iba ba para sa cryptocurrencies ay naaangkop?

At dahil ang payong ito ay tila nanggaling sa merkado ng tradisyunal na pamumuhunan tulad ng stocks, mamahaling metal at iba pa, ang isa ay dapat maintindihan na ang estratehiya ito ay mas maganda sa tradisyunal na merkado. Sa likod ng stocks ay karaniwang mga malalaking kumpanya na pinakita na subok at matatag sa merkado at ang panganib na malaking pagkalugi ay mababa, lalo na kung aasa ka sa nangungunang stock. Kahit ang mga mahahalagang metals na katulad ng ginto at pilak ay hindi nawawalan ng halaga ngayon at bukas, kaya ang pagkakatalo ng malaki ay malabo.

Kung kukunin mo ang Coinmarketcap 100 para ikumpara sa S&P 100, mabilis mong malalaman na ang daming mga shitcoins na walang konsepto, kahit sila ay nasa TOP 100 sa mahigit na 10,000 Altcoins. Kahit na sila ay nasa TOP 10, halos 50% ay pwede mong tawaging shitcoins, kung hindi man karamihan ay matatawag mong mapanglinlang.
Karamihan sa mga proyekto na to ay nasa una pa lang yugto at kahit ang Etheruem ay hindi parin siguro kung ang ideya ng PoS ay gagana (kasama pa ang iba't ibang problema). Ang Ethereum ay kasalukuyang nasa pangalawang posisyon, na nagsasalaysay ng spekulatibo ng mga mababang coins. Ang pagkalugi ng mahigit 90%, nitong nakaraang 2 taon ay pinapakita, na ito ay hindi bihira. Itong mga bagay na to ay hindi makatotohanan sa karamihan ng stocks at sa mga mahahalagang metal o sa real state.

Ang cryptocurrencies ay hindi pwedeng ihambing sa kanilang estrukturang pagdating sa estratehiya nag pagkakaiba ng matagumpay sa ngayon, dahil ang estruktura ng crypto ay talagang iba. Nagbibigay sila ng mataas na balik ng kita ngunit may kaakibat na malaking panganib.


Ano ang tama nung nakaraan - mag-iba iba ba o hindi?

Para sa cryptocurrencies nitong nagdaang dalawang taon, kitang kita na ang paghawak ng mataas na porsiyento ng Bitcoin ay ang tamang desisyon. Kung babalikan natin, pwede nating sabihin na ang Coin xy ay tinalo ang Bitcoin, pero kung inanalisa mo karamihan sa mga kilalalang altcoins noong 2017 / 2018, na nawalan na sa pagitan ng 80-95% mula noong kanilang pinakamataas na presyo, habang ang Bitcoin ay nawalan lamang ng 50% hanggang sa ngayon. Kaya, sa Fiat, ang ibig sabihin nito ay naka tipid ka ng mas maraming pera kung namuhunan ka lamang sa Bitcoin, katumbas naman sa 250% sa Altcoin ng 80% na pagkalugi o kahit 1,000% sa Altcoin ng 95% na pagkalugi. Sa mga sumusunod na talahanayan:

CoinPuhunan malapit sa ATHPagkalugi hanggang ngayonNatitirang Halaga
________________________________________________________________________________________________________________________________
Bitcoin1000$50%500$
Shitcoin A (sabihin na nating Litecoin, kaagahan noon 2018 Rank 7)1000$80%200$
Shitcoin B (sabihin na nating NEM, kaagahan noon 2018 Rank 6)1000$95%50$

Kaya, mabilis mong maintindihan na ang pagkakaiba ng mga ilang nangungunang 10 coins ay hindi epektibo kung ikukumpara natin kung namuhunan tayo ng lahat sa Bitcoin. Bagaman meron namang cryptocurrencies, na tinalo ang Bitcoin, hindi naman ito masyadong nakaapekto sa mga mataas na pagkaka-iba ng portfolio. Talagang mahirap at imposible na makita ang mga Altcoins sa simula at talagang spekulatibo ang magpunta lamang sa isang Altcoin. Maidagdag din, ito ang kaibahan ng pagkaka-iba iba.
Ang pagkahawak ng maraming coins at "pagkakaiba", ay mag reresulta ng mas malaking pagkalugi laban sa paghawak lamang ng Bitcoin.

Hindi ko mahulaan ang may estatistika ay may kaugnayan sa hinaharap, malalaman din natin. Ngunit kung ikukumpara, maraming Altcoins ay nangunguna sa Bitcoin nitong huling bull run sa merkado. Ngunit mababa ang posibilidad nito, lalo na sa dami ng hindi pa luto Altcoins na nag-aalok ng parehas na paggamit.


Karagdagang pang problema sa pagiba-iba: mas ma trabaho, aksidenteng pagkawala ng mga coins at ang panganib sa pagda-download ng mga malware

Ang portfolio na mataas na antas ng pagkaiba iba ay may ilan pang kahinaaan:

Ang bawat isa ay kailangang maglaan ng maraming oras sa pag trabaho:
  • Ang bawat Altcoin ay kailangan suriin para makita kung ito ay matatag at maganda puhunanan. Pwede ka rin magtapon ng pera sa bawat coins na nasa Unang sampu pero hindi ito tamang desisyon.
  • Sa pang kalahatan, lahat ng pagmamay-ari mo na Altcoins ay dapat madalas mong tinitingnan para mabenta mo sa oras kung may lalabas na problema sa Altcoin. Ang ibig sabihin nito ay kailangan mong maglaan ng maraming oras, lalo na kung marami kang coins sa iba't ibang proyekto.
  • Kailangan mong aralin at matutunan ang teknolohiya sa bawat Altcoin, kung paano ang proyekto gumagana at paano gumawa ng sarili mong pitaka para maitago mo ang iyong Altcoin. Maari itong maging mahirap depende sa Altcoin, lalo na sa mga baguhan, at idagdag na rin natin na ilalagay natin sila sa panganib ng mawala ang coins dahil sa maling pag gamit. Kapag nag-install tayo ng iba't ibang wallets, mayroon panganib na makapag download ng malware at ito ay may kaakibat na maling kahhiihitnan.

Kung meron ka lamang na kaunting coins, ang mga dahilan na to ay mababawasan.


Sa pagtatapos, malaking bahagi ng Bitcoin sa iyong portfolio ay mallit ang spekulatibo, hindit ito mapanganib at bawas trabaho. Mas maraming Altcoins na iyong binibili ay binabawasan ang Bitcoin na iyong hahawakan, mas malaki ang spekulatibo, mas mapanganib at mas ma trabaho sa iyong puhunan para meron kang matanggap.


GreatArkansas
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2996
Merit: 1472


Bitcoin Fixes It


View Profile WWW
March 28, 2026, 10:57:04 AM
Merited by fullfitlarry (1)
 #2

Well, siguro naka base ito sa mga personal standards natin.

Pero sa akin, pass na talaga ako sa altcoins, isa sa malaki ko talagang natutunan yan since na introduced ako sa Bitcoin, ilang taon na din ako nag try na mag invest sa ibang altcoins maliban sa Bitcoin dahil nga nag aasam din ako malaking return, pero kabaliktaran nangyayari. Kung tutuosin, kung Bitcoin lang lahat binili ko dati, mas malaki pa sana ang returns ko sa mga investment ko.

▄▄███████████████████▄▄
▄███████████████████████▄
████████████████████████
█████████████████████████
████████████████████████
████████████▀██████▀████
████████████████████████
█████████▄▄▄▄███████████
██████████▄▄▄████████████
████████████████████████
████████████████▀▀███████
▀███████████████████████▀
▀▀███████████████████▀▀
 
 EARNBET 
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
███████▄▄███████████
████▄██████████████████
██▀▀███████████████▀▀███
▄████████████████████████
▄▄████████▀▀▀▀▀████████▄▄██
███████████████████████████
█████████▌██▀████████████
███████████████████████████
▀▀███████▄▄▄▄▄█████████▀▀██
▀█████████████████████▀██
██▄▄███████████████▄▄███
████▀██████████████████
███████▀▀███████████
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██


▄▄▄
▄▄▄███████▐███▌███████▄▄▄
█████████████████████████
▀████▄▄▄███████▄▄▄████▀
█████████████████████
▐███████████████████▌
███████████████████
███████████████████
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

 King of The Castle 
 $200,000 in prizes
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██

 62.5% 

 
RAKEBACK
BONUS
cryptoaddictchie
Legendary
*
Online Online

Activity: 2758
Merit: 1533



View Profile
March 28, 2026, 02:16:16 PM
Merited by fullfitlarry (1)
 #3

Quality ones talaga when it come to projects or coins.

Syempre number 1 na diyan ng bitcoin, sa altcoins naman napaka lawak niyan pero if talagang nakahanap ka ng sobrang good find sobrang taas din ng chance mo mag earn ng mas malaki pero syempre napakataas din ng chance na maluge ka. Katulad ng sabi ni kabayan eh yung jbang altcoins are sobrang lala.

Ako ang diskarte ko eh more on altcoin tapos convert them sa btc pero tinatiming ko din yung golden peak as possible para maibenta yun ng mas mataas.

fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 185


You Attract What You Are


View Profile
March 28, 2026, 11:47:12 PM
 #4

Well, siguro naka base ito sa mga personal standards natin.

Pero sa akin, pass na talaga ako sa altcoins, isa sa malaki ko talagang natutunan yan since na introduced ako sa Bitcoin, ilang taon na din ako nag try na mag invest sa ibang altcoins maliban sa Bitcoin dahil nga nag aasam din ako malaking return, pero kabaliktaran nangyayari. Kung tutuosin, kung Bitcoin lang lahat binili ko dati, mas malaki pa sana ang returns ko sa mga investment ko.

Salamat sa pag-share at a talagang validated na Bitcoin dapat lang tayo mag-invest. Naintindihan ko na iba iba tayo talaga, pero sa pagpapatunay mo, baguman man o may experienced katulad nyo, talagand malaki ang risk mag invest sa Bitcoin.

Quality ones talaga when it come to projects or coins.

Syempre number 1 na diyan ng bitcoin, sa altcoins naman napaka lawak niyan pero if talagang nakahanap ka ng sobrang good find sobrang taas din ng chance mo mag earn ng mas malaki pero syempre napakataas din ng chance na maluge ka. Katulad ng sabi ni kabayan eh yung jbang altcoins are sobrang lala.

Ako ang diskarte ko eh more on altcoin tapos convert them sa btc pero tinatiming ko din yung golden peak as possible para maibenta yun ng mas mataas.

Baka kayo yung tinatawag na 1 precenter, may diskarte pero ang hirap talaga i-timing ang altcoin. Parang pag-tulog mo ok pa ang presyo, tapos pag gising mo ng umage natin eh bagsak na pala. At sa dami ng altcoins sa ngayon, mahirap makahanap ng magandang proyekto na mag bibigay sa yo ng isang malaking kita.

Furball808
Member
**
Offline Offline

Activity: 168
Merit: 19


View Profile
Today at 12:45:56 AM
 #5

Tricky nga talaga lalo na sa mga baguhan at hindi pa nila gamay paano sumuri ng mga altcoins. Iba-iba naman tayo ng pagkakaintindi. Para sa aking kasi ang diversification o ang pagkakaiba-iba ay hindi lamang nakatuon sa crypto. Halimbawa, kung meron akong bitcoin dapat meron rin akong gold. Hindi lang sa iisang merkado dapat ang assets na hinahawakan mo.
cryptoaddictchie
Legendary
*
Online Online

Activity: 2758
Merit: 1533



View Profile
Today at 05:45:02 AM
 #6

Baka kayo yung tinatawag na 1 precenter, may diskarte pero ang hirap talaga i-timing ang altcoin. Parang pag-tulog mo ok pa ang presyo, tapos pag gising mo ng umage natin eh bagsak na pala. At sa dami ng altcoins sa ngayon, mahirap makahanap ng magandang proyekto na mag bibigay sa yo ng isang malaking kita.
Oo totoo yan kabayan, mahirap talaga magtiming sa altcoin pero syempre di natin masabi kelan ka makajackpot. Sometime it takes years or minsan mabilis lang.

Hindi naman kabayan lagi panalo pero minsan pag nanalo ka talaga eh msabi mong solid. I had some good trade early days na ofcourse di ko din inaasahan pero tiwala kasi sa project. Katulad neto $200 ko turn into good money wayback. Meron din yung mga iba nalusaw na. Kumbaga find your gold ika nga.





Pero nagbabago agad ang sistema sa altcoins. Ngayon napakabihira ma humanap ng pag nagbuy ka ng ganito pagdating ng ilang panahon eh halos wala ng value. Yun yung mga nakakatamad. Pero kung solid ka maghahanap ng tingin mo quality eh mananalo ka talaga.  Also yung timing ng pagsell halimbawa bear market ngayon hanap ka ng good buy tapos hintay ka mag bull ulit pero syempre risky yun kasi nagiiba na phasing ng mga cycle eh.

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!