Yan ang isa sa posibleng maging problema kasi oras na pasukin or mapansin na yan ng gobyerno magkakaroon na ng mga rules patungkol dito, which kung gagamitin naman din talaga ng maayos eh talagang mas makakabuti para sa mga users, kaya lang alam naman natin ang gobyernong meron tayo, additional tax or kung ano ano pang additional mangyayari dyan tapos hindi mo naman alam kung saan mapupunta, masarap din sanang masubukan kaya lang medyo mahirap ang buhay ngayon walang spare sapat lang para makasurvive.
Sinabi mo pa kabayan, may punto naman kung bakit sila mag interfere at mainam rin na may regulations ukol rito pero minsan hindi talaga maiiwasan na meron ding mga hindi magandang adhikain yung ibang nasa pwesto.
Kung experimental lang at afford na amount ng capital, baka pwede kong i-try sa mga susunod na panahon kung mapatunayan ko na working sa iba at base na din sa naresearch ko. Pero sa ngayon, hindi ko pa lubos na alam kung okay ba yang mga ganyan at ipagkakatiwala ko yung buong portfolio ko. Siguro sa mga maliliit na amounts, pwedeng mag take risk. Kung sa mismong whole portfolio ko naman, mas pipiliin ko pang iwan nalang at ihold lang hanggang sa pumaldo at maghintay nalang sa susunod na bull run, mas maigi pa yung ganun.
Working ito dahil umabot na ata ng billions of dollars ang mga hinawakan ng mga agents na ito in terms of trading as per my research din. Same here, kasi hindi naman ito plug and play meron paring risks rito kung sakali, dahil kahit isang code lang na hindi maunawaan ng agent baka mas lalo kapang malugi sa paggamit rito. Yeah, magsimula sa maliit at experimental.
Totoo marami akong nakikitang AI na related sa trading, personally hindi ko ipagkakatiwala yung pinaghirapan kong pera sa mga AI na hindi ko naman alam kung ano yung algorithm or structure behind the scene. Pero mas okay saking yung mga AI agents or general AI na nagbibigay ng information about sa strategy ko about sa trading, mga suggestions para maimprove yung strategy ko, etc. dahil hindi lang meron ako natututunan kundi nakikita ko din yung mga flaws sa strategy na ginawa ko. Pero kung personal AI ko or bot yung gagamitin possible na hayaan ko sya magtrade to magisa pero dahil alam ko yung logic behind that bot, pero syempre meron at meron paring imperfection dito kaya hindi ako mag aall kung sakaling hahayaan ko yung bot ko ang mag trade para saakin.
Well, meron tayong iba't ibang pananaw ukol diyan pero sa nakikita ko mainam rin na gamitin ito dahil nababawasan nito ang humane decisions na minsan unprofitable kasi may emotion na kasama wherein itong mga agents gumagawa sila base lang sa instructions na pinagawa sa kanila. Kaya nga, mainam na ikaw ang gumawa kasi pagtutuunan mo ito ng pansin at gagawan mo ng paraan o tools na makabubuti sa trades mo.