Kay tingin nyo mag adapt kaya ang goberyno natin? o tutunganga lang sila at puro lang press con na may ginagawa kuno sila para sulosyonan ang crisis sa bansa natin?
Possible na mag-adapt sila para mag-comply sa gusto ng Iran, since medyo friendly naman sa crypto ang bansa natin. may nakita rin akong balita na nakipag usap daw yung government natin sa Iran na e trato daw yung bansa natin na non-hostile, hopefully maganda yung response ng Iran.
As for whether tutunganga lang sila, to be fair naman, it seems na may ginagawa naman sila, I mean, nabalitaan ko last week na may dumating na supply ng oil sa bansa, and then may ineexpect pa daw na dadating na supply ng oil in coming weeks.
Sana ganun nga dahil wala naman silang ibang option na pwedeng gamitin, kilala ang government natin sa ngayon na anti China kaya di magiging option ng gobyerno natin na gumamit ng Yuan.
Kaya sa crypto or Bitcoin talaga sila babagsak dyan.
Yung ginawang hakbang ng Iran ay masasabi ko talagang napakagandang desisyon, ito ay pagpapakita lamang na malaki ang tiwala at paniniwala nila sa bitcoin at stablecoins para magamit sa transaction sa pamamagitan nito. Iba talaga nagagawa kapag yung mismong lider ng bansa ay merong bukas na pagtanggap at pagkaunawa sa blockchain technology at bitcoin o cryptocurrency na pwedeng maitulong nito sa bawat bansa.
Big move nga ito dahil hanggang hawak pa nila ang Strait of Hormuz ay makakapag demand talaga sila. At sobrang apektado talaga di lang ng US at marami pang bansa.
Ngayon isa itong magandang pagkakataon para sa bansa natin na gumamit rekta ng Bitcoin dahil ito ay nuetral currency para makapag angkat ng langis sa middle east. Hopefully nakita to ng government natin na magandang currency na gamitin si Bitcoin sa panahong ito at tuluyang mag adopt dito.
Although crypto ang binanggit dito pero lots of sources shows na Bitcoin ang sinasabi nila
https://www.interactivecrypto.com/iran-ships-moving-in-strait-of-hormuz-must-pay-in-crypto-yuan-1775088238738Kay tingin nyo mag adapt kaya ang goberyno natin? o tutunganga lang sila at puro lang press con na may ginagawa kuno sila para sulosyonan ang crisis sa bansa natin?
May magandang balita na ni-release ngayon sa mga mainstream media at ang sabi pinayagan na daw makalusot mga vessels ng Pinas pati mga seafarers. Pero hindi naman malinaw kung magbabayad tayo o hindi. Kasi sa tingin ko magbabayad pa rin tayo basta lang maka-pass through yung mga langis na papunta dito sa bansa natin. At kung singilin man, baka yuan ang ipambabayad kaso sampal yan sa administration natin dahil maka-US sila.
Skeptical ako dyan sa nilabas nila dahil sila ang pinaka unang manipulator sa bansa natin, bayad ang media at pwede nilang sabihin yun para kunwari may ginagawa daw ang gobyerno natin. Tsaka nalang siguro tayo maniniwala kung talagang naka lagpas talaga sila as Strait of Hormuz ng safe at may dumating ng oil galing sa gulf countries sa bansa natin. Dun makikita natin talaga na totoo ang balita at may ginawa naman pala sila.
Fresh news update!
Nakita ko tong post sa page ni Raffy Tulfo. According sa post nya, Philippine flagged vessels ay pinayagan nang dumaan ng Iran sa strait of hormuz. Pero proseso daw na dapat gawon bago dumaan lalo na yung mga vessels na may kargang oil. Quoted below yung proseso na binigay nila.
Di ko sure if kailangan pa nila mag bayad or hindi na since walang mention ng fee dun sa post. Pero if kailangan magbayad, I wonder if Bitcoin or yuan ang gagamiting pambayad ng government natin.
Ayon sa kanya, magsusumite muna ang isang vessel ng request for passage sa kaukulang ahensya gaya ng DOE at Maritime Industry Authority (MARINA), lalo na kung may kargang langis ang sasakyang-dagat, na ipapadala naman ng nasabing ahensya sa DFA.
Ang DFA naman ang magpapasa ng kahilingan sa Embahada ng Iran sa Maynila at ang Iranian Foreign Minister, na counterpart ni Sec. Lazaro, ang maghahain ng kahilingan sa Iranian military.
At kapag naaprubahan, maglalabas ng “go signal” ang Iranian military upang pahintulutan ang barko na makadaan sa Strait of Hormuz.
Good development to kabayan, Kaso lang tataas na naman ang diesel tingnan mo to binalita ng Inquirer.

Kaya parang lokohan lang talaga ang binalita nila. Pero tingnan natin talaga kung makakal tagos sila ng safe sa Strait of Hormuz at kaya na nilang mapa baba ang presyo ng gas pag nangyari na yan.
Since the article was posted nung April fools and I know naman na bitcoin magazine yung nag post pero parang part ap rin ng April fools joke. Or something siguro mayroon lang gustong tumaas ang presyo ng bitcoin. lol
Kung totoo man edi ayos. Consider as good na naman sa ecosystem ng bitcoin ito, ang magiging problema lang siguro is kapag may mga ganitong implementation or talaga allowed or totoo ito is magbubukas na naman ito sa mga usapin kung pano dapat iregulate ang bitcoin..
Nabasa ko din sa ibang article to kabayan at tingin ko hindi to joke ang balitang nilabas nila. Kaya tingnan lang natin ang effect kung talaga bang may magandang mangyayari kay Bitcoin dahil sa exposure na nakuha nito.
Ang nangyari dito ay ginaya nila yung ginawa ng Malaysia na kausapin ang Iran para payagan sila nakadaan ang 7 Malaysian own ships ng Petronas and Sapura Energy ng malaya at toll free dahil sa direct na pakikipag usapan nila sa Iran na payagan sila bilang isang bansa na di pumapanig sa mga conflict.
Dahil sa pakikipag usap ng Pilipinas sa Iran ay malaya at toll free na makakadaan ang tankers na papuntang Pilipinas, dapat tayong magpasalamat sa Malaysia dahil sa kanilang initiatives na ginaya natin, malaman natin soon kung makakadaan nga ng malaya at toll free ang mga tankers natin.
Yun lang walang EDCA sites ang Malaysia at non hostile sila sa bansang Iran kaya malamang talaga papayagan silang maglayag ng ligtas. Kaso ang bansa natin ay well known ally ng US at may EDCA marami tayong EDCA sites kaya dun medyo tagilid sila. Pero since may news naman na pinayagan ay maganda naman ito at sana totoo talaga di yun pa hype lang at manlinlang ng mga tao.
Curious ako bakit di parin nag pupump si Bitcoin dahil dito? Kasi diba parang good news ito sa Bitcoin. Pero ang nangyari recently ay nag dump si Bitcoin, kasi nakaraang araw lalo pag start ng April, nasa around $69,000+ na si Bitcoin eh. Then ngayon nag dump around $66,000.
Parang pansin ko nangyayari eh "buy the news, sell the rumors", kaya itong good news na to kabaliktaran nangyari.
Siguro di talaga to game changer news at di masyado kumagat ang mga tao kaya wala tayong big movements na nakikita kay Bitcoin ngayon. Tsaka hirap mag expect dahil iba na ang galaw ng market ngayon.
Sa balitang ito nagkaroon na naman ng magandang exposure si Bitcoin at balitang balita ito sa buong mundo.
May point ka kabayan, pero base sa kung paano natin tinitignan ang sitwasyon, it could also count as bad exposure dahil nangangahulugan din ito na ang isang terrorist group ang makakatanggap ng bitcoin
[I prefer not to give a detailed explanation for my own safety, pero it's worth noting na kinokontrol nila ang bawat galaw ng government dito at kaunti lang ang difference nila sa government mismo].
Tama ka kabayan, pwede talagang mag cause ito ng bad exposure lalo na pangit ang imahe na pinapakita ng US sa Iran. Pero so far wala namang masamang balita na lumalabas at tingin ko more of positives naman dahil marami ang natuwa sa development nato.
Tsaka sa side naman ng government 100% talaga wala akong tiwala sa kanila dahil iba talaga ang galaw sa sinasabi nila, dahil 100% taliwas yung mga aksyon na ginagawa nila.