ngayon ang tanung ko ay sising-sisi kaya yung mga tao na yan kung sakali man na nabenta na nilang lahat yung bitcoins na nahawakan nila? Kasi nung time na yun ay ang halaga lang ng bitcoins na binayad nya sa inupahan nyang tao ay nasa around 12$ lang ata nung mga panahon na yun.
Depende sa pag-iisip ng tao, hindi naman natin sila kilala to say iyong mga nararamdaman nila. What we can do ay magspeculate lang according sa ating imahinasyon kaya sa imahinasyon ko, ang mga tao na ito ay dinadaan na lang sa tawa ang mga naransan nila tungkol sa pagkakaroon nila ng BTC at pagbebenta ng market price noong panahon na iyon.
Kung iisipin natin, wala namang dapat pagsisihan during those time, iyon ang market price kaya iyon ang presyo ng pagbebenta nila. Kung lagi na lang nating iisipin ang mga nakaraan, hindi tayo magkakaroon ng katahimikan. Kaya sa mga nakahawak ng Bitcoin at nagbenta agad, let go na lang at unti-unting mag-ipon ng panibagong batch ng Bitcoin or whatever na cryptocurrency na may napakalaking potential sa hinaharap.
Hayaan natin ang mga naranasan natin dati ang maging aral para sa atin para gawin ang tama sa kasalukuyan at hinaharap.