Hindi rin naman talaga madali na ihold ang Bitcoin mo kung titignan dahil kahit naman siguro tayo kung nagka 32 Bitcoin tayo at nakita naten na 1000$ ang isa from sabihin na naten na 5$ sobrang taas na ng tinalon ng presyo kung titignan naten at mapapaisip ka na talaga na ibenta iyon, at para saken ang pinakamagandang gawin talaga is ibenta na ang Bitcoin mo, dahil alam mo na profit is profit, at 100x or something sa market hindi maganda na maghold ka ng matagal para lang irisk na magkaroon pa ng 200x kung mayroon ka ng 100x something like that, I mean para saken greedy kana kapag ganun so ang pinakamagandang gawin talaga is ibenta na kung ganun man.
Kaya yung mga naghold ng 10 to 15 years is talagang nagtake talaga sila ng risk kahit na sabihin na naten na maliit na halaga lang yun noong panahon nila, mahirap parin ihold kung alam mo napwede mo na siyang ibenta. Kaya madalas din ng nakapaghold is yung mga nakalimot na or kinalimutan nila na may Bitcoin sila dahil hindi nila nakita na mataas na pala ang value.
Siguro depende yan sa magiging mindset ng tao sa aking palagay, dahil kung ang pananaw mo talaga ay malayo at nakita mong magandang ang hinaharap at pinaninindigan mo ito ay paniguradong wala kang pakialam kung anuman ang mga negative na mababasa mo tungkol sa bitcoin ay hindi mo papansin dahil panghahawakan mo yung vision na nakita mo.
Saka hindi naman pare-parehas ang tao pagdating sa prinisipyo at paniniwala, may mga ibang tao parin na mas pinaniniwalaan nila yung karamihan na alam nyang hindi siya paniniwalaan sa paniniwalang meron ito, marahil maaring tama na na profit is profit talaga at ito yung mga tao na sabihin na nating mga sigurista, pero may mga tao rin na sadyang meron lang talaga silang nakita dito sa bitcoin nung mga panahon na mababa pa ang kanyang presyo sa crypto market.