I think open secret naman ata yan Kabayan. Halos lahat naman tayo yan ang nasa isip. Kung walang humaharang, baka hindi lang Binance ang gusto mag operate satin ng legal. Kung bakit nahaharang, syempre yan ay isa nanamang open secret. Eto ang isa sa mga sistema na mahirap buwagin satin. As long as the price is right, handa nilang ipagkait satin ang mas maganda at maayos na serbisyo. Mabuti na lamang at may mga paraan pa rin para ma-acces ang mga International CEX. Higit sa lahat hindi tayo binabawalan ng mga international cex.
Yun lang, kailangan talaga may lagay.
Kaso paano kung ayaw ng Binance, kasi once magbigay sila, posibleng hindi lang sa umpisa yan. At kahit naman illegal ang Binance sa Pinas, marami pa rin talagang gumagamit sa kanila.
Pero siyempre iba pa rin pag legal, kasi mas may confidence ang traders. Ang ending, mawawalan ng control ang Coins.ph, o kahit ibang exchanges din. Kasi as far as I know, nag-o-offer na rin yung mga wallet gaya ng GCash, Maya, at iba pa, hindi nga lang kasing complete ng Coins.ph.