Philippine Merchants to Accept Crypto Payments Via New Maya and Lydian DealMaari na magbayad gamit ang cryptocurrency na matatawag natin na nasa stable coin gamit ang standard QR CODE. Matatanggap ng seller ang kabayaran nito sa PHP upang maiwasan ang volatility.
Nakipagpartner ang MAYA sa LYDIAN para maintegrate o maisama ang crypto sa pang araw-araw gaya ng iba pang digital asset/wallet. Target ng Maya ang ng kolaborasyon na ito na maging pang araw-araw ng gamit ang crypto.
Sa ngayon, tinatayang 15% ng populasyon ng Pilipinas ang holder ng cryptocurrency, at sana ay mapataas ito sa 70% sa loob ng isang taon. Isang malaking misyon ito, Pero sana wag nilang kalimutan na mahalaga ang kaalaman bago ang pagpapatupad. Nawa'y maipakalat nila at maipaliwanag ng maayos ang kabutihan at kapahamakan na nakapaloob sa cryptocurrency at hindi lamang ang paggamit ng app nila.
Payments Via New Maya and Lydian DealIsang magandang proyekto ito para sa mga Pilipino upang mamulat sa kagandahan ng cryptocurrency. pero sana gaya ng nasabi ko sa taas, Huwag nilang pabayaan at baliwalain ang panganib nito sa mamamayang pilipino lalo na sa mga hindi pa mulat sa mundo ng crypto, bagong app bagong scam, tulad sa dinanas sa Gcash at maya noon. Sana ay maging matgumpay ito. At sana huwag samantalahin ng kumpanya at maging malaking lugi sa users ang palitan.
From stable coin gagawing PHP ang amount , kaya sana ay makatarungan ang katumbas na halaga at hindi parang coins.ph or gcash crypto.