Bitcoin Forum
July 14, 2026, 06:31:38 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: MLM – isang mapanganib na estratehiya sa marketing  (Read 110 times)
fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 420
Merit: 327

You Attract What You Are

View Profile
April 13, 2026, 08:37:20 AM
Merited by Porfirii (1), GazetaBitcoin (1), Peanutswar (1), PX-Z (1)
 #1

May Akda: 1miau
Orihinal na Akda sa English: MLM – a dangerous marketing strategy

Paunawa: Pakiusap huwag mamuhunan sa Sistema ng MLM, hindi mo na makukuha ang iyong ipinuhunang pera. Sa susunod na paksa ay ipapaliwanag ko kung bakit:

Paano matukoy ang mga Sistema ng MLM

Kapag ikaw ay naghahanap ng magandang oportunidad sa pamumuhunan, maaring nakita mo na ang isang modelo sa negosyo na tinatawag na MLM. Ang ibig sabihin ng MLM ay Multi-Level-Marketing at kadalasang ginagamit para makapag hikayat ng bagong kustomer. Sa bawat na recruit mong kustomer, ang kasalukuyang kustomer ay makakatanggap ng komisyon base sa nakatakdang porsyento ng deposito ng kanyang ni-refer.

Madalas, may iba't ibang antas, kung saan ang komisyon ay binabayaran:
Kapag ang ni-refer mo ay nag-advertise ay nakakuha ng bagong miyembro, makakakuha ka rin ng maliit na porsyentong bonus mula sa kanyang diniposito.
Magandang pakinggan sa una, na makakakuha ka ng bonus dahil sa pag recruit ng bagong kustomer, ngunit kung titingnan mo ito, hindi ito kapaki-pakinabang at ang tamang desisyon ay lumayo at wag mamuhunan sa sistemang Multi-Level-Marketing.

Istruktura ng MLM ng BitConnect Ponzi-scam. Ang pagre-recruit ng mga bagong user ay ginantimpalaan ng maliit na bonus depende sa kung magkano ang diniposito ng iyong referral.

Isang pangako ng kaduda dudang proyekto na pagpaparami ng iyong puhunan sa maikling panahon. Ilang MLM na proyekto ay may isang espesyal na bonus na kapag nakapag deposito ka ng mas malaking pera, mag aalok ito ng mabilis at malaking balik:

Ang MLM ay napakasikat sa crypto space dahil ang crypto ay nagbibigay ng mataas na kita at ang mga walang karanasan "when moon" na mga tao ay ang pangunahing grupo na target ng MLM. Noong panahon ng hype ng huling bahagi ng 2017, maraming Ponzi MLMs ay ginamit ang "when moon" na atmospera para mangalap ng pera, at kahit ano pang modelo ng pag nenegosyo pagpapahiram o pag mina, kadalasan ito at isa lamang pangako para makapag hikayat ng mga tao para pumasok.
Bukod pa dito, ang Bitcoin at cryptocurrencies ay kumplikado para sa mga baguhan, at napakadali para sa mga manloloko na lokohin ang ganitong klaseng tao para makapag benta ng pekeng modelo ng negosyo bilang makatotohanan.

Ang MLM ay makikilala bilang isang estrukturang parang pyramid, kapag meron kang ilang antas ng referral bonus at malaking kita bawat araw o bawat buwan. Ang mga sikat na MLM na sistema ay BitConnect at BitClub, halimbawa.

Matapos bumagsak ang BitConnect, ang kanilang coin ay halos nawala ang buong halaga.

Sa kabuuan, narito ang mga pangkahalatang kawalan ng sistema ng MLM at bakit dapat itong iwasan sa pamumuhunan:

1. Ang MLM at Panlilinlang ay magkasama

Ang MLM ay hindi ibig sabihin na ang isang proyekto ay panlilinlang, ngunit sa halos lahat ng kaso, ay ganoon nga. Dahil ang pangunahing nga sa MLM ay angkop sa mga operator na kumuha ng mga bagong kustomer sa pag recruit ng mga dating miyembro nito kapag sila ay nag anunsiyo para sa serbisyo. Malaking pakinabang ito sa may-ari ng plataporma, dahil ang pang anunsiyo ay gawa ng kustomer at sila ang nag pondo nito galing sa deposito ng bagong miyembro. Kaya, ang may-ari ng sistema ng MLM ay walang panganib at walang gastos para sa marketing.
Kapag nakalikom na ng sapat na pondo, isasarado na to ng may-ari at walang kustomer ang pwedeng makapag withdraw ng kanyang pera -  ito ay tinatawag na "Exit-Scam".

Ang Ponzi ay darating sa ganitong punto, kapag walang sapat na bagong kustomer ang gumagawa ng bagong deposito dahil ang kasalukuyang gumagamit ay binabayaran galing sa deposito ng bagong kustomer. Pinapaikot lang ang pera dahil walang kita na pumapasok.

Ngunit kahit na may pumapasok na kita, may ilang bagay parin na dapat isaisip.

2. Ang MLM ay nagdudulot ng malaking pagka gastos

Kung meron nagawang kita, ang isang negosyo na naka base sa MLM ay kailangan gastusin ang nakapa laking halaga na bahagi ng kanilang kita sa komisyon na kailangan bayaran na gastusin sa MLM. Depende sa bilang ng antas at sa halaga ng bawat komisyon, pwede itong bumuo ng malaking bahagi ng kita.
Bukod pa dito, ang kita ay kailangang gastusin ay hindi magagamit para sa normal na pamumuhunan, at magdudulot ng negatibong epekto sa kita para sa kustomer. Ang mga kustomer ang nagbabayad para sa marketing nito.

Kaya, ang lehitimong modelo ng negosyo ay hindi gumagamit ng MLM sa maraming kaso dahil nga hindi ito pwedeng magkakitaan na para sa pag unlad ng kompanya.

3. Ang mga taong namuhunan nang maaga at nakahikayat ng maraming tao na sumali ang makikinabang sa MLM

Ang resulta ng istrukturang affiliate, ang mga taong namuhunan ng maaga (kadalasan ang mga nagtatag) at iyong naghikayat ng maraming tao ay makikinabang ng husto. Ang mga referral na komisyon ay direktang pinondohan ng mga kustomers na nasa ilalim nila sa kanilang downline.
At siyempre pa, ang may-ari ay laging kikita sa sistema ng MLM, dahil kung hindi ay hindi nila ito patatakbuhin.

Isa pang mahalagang punto ay ang taong nag advertise ng kanilang proyekto ay may kinikilingan kapag pinakita nila ang modelo ng negosyo. I advertise nila ang kanilang proyekto sa paraan ma marami silang makuhang referrals (at mas malaking bonus) dahil sa istrukturang affiliate. And resulta ay nakapaka delikado dahil ito ay nagbibigay ng isang labis na may kinikilingang impresyon ng produkto na madalas nating tinatawag na "shilled project".

4. Walang transparency sa MLMs

Ang mga lehitimong mga proyekto ay laging interesado na gawing tranparent ang modelo ng kanilang negosyo dahilan para ang mga tao ay mamuhunan, katulad ng kung paano kikita, kung sinong team ang sana likod ng proyekto at paano hatiin ang kita (team / gastos / kita ng mga namuhunan). Ngunit, sa karamihan ng mga kaso ng mga proyektong walang sistema ng multi-level marketing.

Madalas walang malinaw na istruktura ang kompanyang may proyekto na MLM, na ang mga operators ay hindi kilala o bahagya lamang at ang marketing ay gawa ng mismo ng kustomer. Isang perpektong estratehiya ng mga may-ari na itago ang kanilang mga sarili pero makakakuha ng malaking marketing.

Lalo na ang mga walang karanasan na tao ang target nitong istruktura ng marketing sa pamamagitan ng pangakong sa kanila na "isang bagong Bitcoin", "Lambo o Moon" o ibang hindi kapani paniwalang kita.

Kung maganda ang modelo ng negosyo, ang MLM na may malinaw na komisyon ay pwedeng maging isang mabisang sukatan, ngunit ipinakita ng nakaraan na ito ay kabaligtaran.

Sa huli, ang sistema ng multi-level marketing ay hindi hinikikayat dahil na rin sa malaking panganib na pang lilinlang at kahit hindi, ang estruktura ay hindi pabor sa mga kustomers at pinapayaman lamang ang nagtatag nito.

blockman
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3710
Merit: 676

View Profile
April 13, 2026, 04:32:22 PM
Merited by fullfitlarry (1)
 #2

Hindi man related sa MLM dito sa bansa natin, usong uso yan kasi ang nasa isip ng tao ay easy money lang. Madami pa rin sa ating mga kapwa pinoy na mabibiktima ng mga ganitong sistema dahil sa kakulangan sa kaalaman kung ano ba talaga ang legit na investment at ano ang posibleng scam. Mas lalo ngayon na may crypto na, madaming mga ganitong MLM na gagamitin ang pagkita ng crypto para makapromote lang ng scheme nila at makapanghikayat pa ng marami nilang bibiktimahin. Masakit lang isipin na kahit anong paalala sa mga tao, mapa related man sa crypto o hindi, ayaw talaga nila ng mabagal pero siguradong paraan ng pagkita ng pera. Yung forsage din sumikat sa bansa natin at madami dami ding nabiktima.

fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 420
Merit: 327

You Attract What You Are

View Profile
April 14, 2026, 10:21:18 AM
 #3

Hindi man related sa MLM dito sa bansa natin, usong uso yan kasi ang nasa isip ng tao ay easy money lang. Madami pa rin sa ating mga kapwa pinoy na mabibiktima ng mga ganitong sistema dahil sa kakulangan sa kaalaman kung ano ba talaga ang legit na investment at ano ang posibleng scam. Mas lalo ngayon na may crypto na, madaming mga ganitong MLM na gagamitin ang pagkita ng crypto para makapromote lang ng scheme nila at makapanghikayat pa ng marami nilang bibiktimahin. Masakit lang isipin na kahit anong paalala sa mga tao, mapa related man sa crypto o hindi, ayaw talaga nila ng mabagal pero siguradong paraan ng pagkita ng pera. Yung forsage din sumikat sa bansa natin at madami dami ding nabiktima.

Related naman sa MLM naman ang sinabi mo kabayan, marami parin talagang grupo sa ating bansa ang nanghihikayat na mamuhunan pero kung titingnan mo ang modelo nito, MLM o Pyramid scam talaga. Matagal na to, maliit pa ako naririnig ko na to sa mga magulang ko, ang tungkol sa mga scam lalo na ang pyramiding dito. Marami nang history sa Pilipinas na lumalagat tong estilo and yet hindi parin tayo natuto.

Kaya tama ka, ang atraksyon talaga sa easy money ang nagdudulat sa sino man na mag muhunan dahil sa balik na malaki ng pangako nila. Una patatanggapin ka pa kaya akala mo legitimo talaga, pero sa susunod ay wala na at bigla na rin naglaho ang mga taong ito tangay ang milyon milyon na galing sa mga biktima.

blockman
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3710
Merit: 676

View Profile
April 14, 2026, 11:29:51 PM
 #4

Parehas tayo, kahit noong medyo bata bata pa ako naririnig ko na din yang pyramiding at mlm scheme na yan. Nabiktima pa niyan lola at nanay ko at wala akong kamuang kamuang kung saan kami dinala na yun pala ay seminar na 'power, power' ang pinagsasabi. Kakulangan sa financial management at iba pang mga bagay na related sa pera ang ugat talaga ng mga nabibiktima diyan. Kaya ang buong akala nila na puwedeng kumita ng malaki ng walang ginagawa sa maliit na halaga na iririsk nila, at kapag mas malaking halaga ang iririsk o invest pa ang tawag nila ay mas malaki ang kikitain nila. Mas maganda talaga masimulan yan sa mga schools na may subject sa finance.

Kaya tama ka, ang atraksyon talaga sa easy money ang nagdudulat sa sino man na mag muhunan dahil sa balik na malaki ng pangako nila. Una patatanggapin ka pa kaya akala mo legitimo talaga, pero sa susunod ay wala na at bigla na rin naglaho ang mga taong ito tangay ang milyon milyon na galing sa mga biktima.
Totoo yan, sa mga unang linggo o buwan papalduhin ka muna nila hanggang sa magkakaroon na ng delay at hindi na makakapay out kasi yung binabayad nila sa mga investors kuno nila ay galing din sa pay in ng ibang mga investors.

SatsPH
Member
**
Offline

Activity: 104
Merit: 61

For JM

View Profile
April 19, 2026, 03:28:21 AM
 #5

Hindi man related sa MLM dito sa bansa natin, usong uso yan kasi ang nasa isip ng tao ay easy money lang. Madami pa rin sa ating mga kapwa pinoy na mabibiktima ng mga ganitong sistema dahil sa kakulangan sa kaalaman kung ano ba talaga ang legit na investment at ano ang posibleng scam. Mas lalo ngayon na may crypto na, madaming mga ganitong MLM na gagamitin ang pagkita ng crypto para makapromote lang ng scheme nila at makapanghikayat pa ng marami nilang bibiktimahin. Masakit lang isipin na kahit anong paalala sa mga tao, mapa related man sa crypto o hindi, ayaw talaga nila ng mabagal pero siguradong paraan ng pagkita ng pera. Yung forsage din sumikat sa bansa natin at madami dami ding nabiktima.

Related naman sa MLM naman ang sinabi mo kabayan, marami parin talagang grupo sa ating bansa ang nanghihikayat na mamuhunan pero kung titingnan mo ang modelo nito, MLM o Pyramid scam talaga. Matagal na to, maliit pa ako naririnig ko na to sa mga magulang ko, ang tungkol sa mga scam lalo na ang pyramiding dito. Marami nang history sa Pilipinas na lumalagat tong estilo and yet hindi parin tayo natuto.

Kaya tama ka, ang atraksyon talaga sa easy money ang nagdudulat sa sino man na mag muhunan dahil sa balik na malaki ng pangako nila. Una patatanggapin ka pa kaya akala mo legitimo talaga, pero sa susunod ay wala na at bigla na rin naglaho ang mga taong ito tangay ang milyon milyon na galing sa mga biktima.

O kawalan ng edukasyon o kulang sa edukasyon ang mga taong bumabagsak sa ganitong scam. At sa tingin ko, may pinipiling isang demographic group tong mga scammers na to, kunwari sa mga probinsiya para madali silang makapang hikayat ng tao na sasali sa MLM o pyramiding nila.

Sa crypto naman, parehas din naman, edukasyon din sa mga nakakarami na pag may nag offer na malaking balik sa pumuhan mo, dapat mag dalawang isip ka na talaga dahil ang bangko na hindi kaya magbigay ng ganyang kalaking interest.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!