May Akda:
1miauOrihinal na Akda sa English:
MLM – a dangerous marketing strategy
Paunawa: Pakiusap huwag mamuhunan sa Sistema ng MLM, hindi mo na makukuha ang iyong ipinuhunang pera. Sa susunod na paksa ay ipapaliwanag ko kung bakit:
Paano matukoy ang mga Sistema ng MLMKapag ikaw ay naghahanap ng magandang oportunidad sa pamumuhunan, maaring nakita mo na ang isang modelo sa negosyo na tinatawag na MLM. Ang ibig sabihin ng MLM ay Multi-Level-Marketing at kadalasang ginagamit para makapag hikayat ng bagong kustomer. Sa bawat na recruit mong kustomer, ang kasalukuyang kustomer ay makakatanggap ng komisyon base sa nakatakdang porsyento ng deposito ng kanyang ni-refer.
Madalas, may iba't ibang antas, kung saan ang komisyon ay binabayaran:
Kapag ang ni-refer mo ay nag-advertise ay nakakuha ng bagong miyembro, makakakuha ka rin ng maliit na porsyentong bonus mula sa kanyang diniposito.
Magandang pakinggan sa una, na makakakuha ka ng bonus dahil sa pag recruit ng bagong kustomer, ngunit kung titingnan mo ito, hindi ito kapaki-pakinabang at ang tamang desisyon ay lumayo at wag mamuhunan sa sistemang Multi-Level-Marketing.
Istruktura ng MLM ng BitConnect Ponzi-scam. Ang pagre-recruit ng mga bagong user ay ginantimpalaan ng maliit na bonus depende sa kung magkano ang diniposito ng iyong referral.
Isang pangako ng kaduda dudang proyekto na pagpaparami ng iyong puhunan sa maikling panahon. Ilang MLM na proyekto ay may isang espesyal na bonus na kapag nakapag deposito ka ng mas malaking pera, mag aalok ito ng mabilis at malaking balik:
Ang MLM ay napakasikat sa crypto space dahil ang crypto ay nagbibigay ng mataas na kita at ang mga walang karanasan "when moon" na mga tao ay ang pangunahing grupo na target ng MLM. Noong panahon ng hype ng huling bahagi ng 2017, maraming Ponzi MLMs ay ginamit ang "when moon" na atmospera para mangalap ng pera, at kahit ano pang modelo ng pag nenegosyo pagpapahiram o pag mina, kadalasan ito at isa lamang pangako para makapag hikayat ng mga tao para pumasok.
Bukod pa dito, ang Bitcoin at cryptocurrencies ay kumplikado para sa mga baguhan, at napakadali para sa mga manloloko na lokohin ang ganitong klaseng tao para makapag benta ng pekeng modelo ng negosyo bilang makatotohanan.
Ang MLM ay makikilala bilang isang estrukturang parang pyramid, kapag meron kang ilang antas ng referral bonus at malaking kita bawat araw o bawat buwan. Ang mga sikat na MLM na sistema ay BitConnect at BitClub, halimbawa.
Matapos bumagsak ang BitConnect, ang kanilang coin ay halos nawala ang buong halaga.
Sa kabuuan, narito ang mga pangkahalatang kawalan ng sistema ng MLM at bakit dapat itong iwasan sa pamumuhunan:
1. Ang MLM at Panlilinlang ay magkasamaAng MLM ay hindi ibig sabihin na ang isang proyekto ay panlilinlang, ngunit sa halos lahat ng kaso, ay ganoon nga. Dahil ang pangunahing nga sa MLM ay angkop sa mga operator na kumuha ng mga bagong kustomer sa pag recruit ng mga dating miyembro nito kapag sila ay nag anunsiyo para sa serbisyo. Malaking pakinabang ito sa may-ari ng plataporma, dahil ang pang anunsiyo ay gawa ng kustomer at sila ang nag pondo nito galing sa deposito ng bagong miyembro. Kaya, ang may-ari ng sistema ng MLM ay walang panganib at walang gastos para sa marketing.
Kapag nakalikom na ng sapat na pondo, isasarado na to ng may-ari at walang kustomer ang pwedeng makapag withdraw ng kanyang pera - ito ay tinatawag na "Exit-Scam".
Ang Ponzi ay darating sa ganitong punto, kapag walang sapat na bagong kustomer ang gumagawa ng bagong deposito dahil ang kasalukuyang gumagamit ay binabayaran galing sa deposito ng bagong kustomer. Pinapaikot lang ang pera dahil walang kita na pumapasok.
Ngunit kahit na may pumapasok na kita, may ilang bagay parin na dapat isaisip.
2. Ang MLM ay nagdudulot ng malaking pagka gastosKung meron nagawang kita, ang isang negosyo na naka base sa MLM ay kailangan gastusin ang nakapa laking halaga na bahagi ng kanilang kita sa komisyon na kailangan bayaran na gastusin sa MLM. Depende sa bilang ng antas at sa halaga ng bawat komisyon, pwede itong bumuo ng malaking bahagi ng kita.
Bukod pa dito, ang kita ay kailangang gastusin ay hindi magagamit para sa normal na pamumuhunan, at magdudulot ng negatibong epekto sa kita para sa kustomer. Ang mga kustomer ang nagbabayad para sa marketing nito.
Kaya, ang lehitimong modelo ng negosyo ay hindi gumagamit ng MLM sa maraming kaso dahil nga hindi ito pwedeng magkakitaan na para sa pag unlad ng kompanya.
3. Ang mga taong namuhunan nang maaga at nakahikayat ng maraming tao na sumali ang makikinabang sa MLMAng resulta ng istrukturang affiliate, ang mga taong namuhunan ng maaga (kadalasan ang mga nagtatag) at iyong naghikayat ng maraming tao ay makikinabang ng husto. Ang mga referral na komisyon ay direktang pinondohan ng mga kustomers na nasa ilalim nila sa kanilang downline.
At siyempre pa, ang may-ari ay laging kikita sa sistema ng MLM, dahil kung hindi ay hindi nila ito patatakbuhin.
Isa pang mahalagang punto ay ang taong nag advertise ng kanilang proyekto ay may kinikilingan kapag pinakita nila ang modelo ng negosyo. I advertise nila ang kanilang proyekto sa paraan ma marami silang makuhang referrals (at mas malaking bonus) dahil sa istrukturang affiliate. And resulta ay nakapaka delikado dahil ito ay nagbibigay ng isang labis na may kinikilingang impresyon ng produkto na madalas nating tinatawag na "shilled project".
4. Walang transparency sa MLMsAng mga lehitimong mga proyekto ay laging interesado na gawing tranparent ang modelo ng kanilang negosyo dahilan para ang mga tao ay mamuhunan, katulad ng kung paano kikita, kung sinong team ang sana likod ng proyekto at paano hatiin ang kita (team / gastos / kita ng mga namuhunan). Ngunit, sa karamihan ng mga kaso ng mga proyektong walang sistema ng multi-level marketing.
Madalas walang malinaw na istruktura ang kompanyang may proyekto na MLM, na ang mga operators ay hindi kilala o bahagya lamang at ang marketing ay gawa ng mismo ng kustomer. Isang perpektong estratehiya ng mga may-ari na itago ang kanilang mga sarili pero makakakuha ng malaking marketing.
Lalo na ang mga walang karanasan na tao ang target nitong istruktura ng marketing sa pamamagitan ng pangakong sa kanila na "isang bagong Bitcoin", "Lambo o Moon" o ibang hindi kapani paniwalang kita.
Kung maganda ang modelo ng negosyo, ang MLM na may malinaw na komisyon ay pwedeng maging isang mabisang sukatan, ngunit ipinakita ng nakaraan na ito ay kabaligtaran.
Sa huli, ang sistema ng multi-level marketing ay hindi hinikikayat dahil na rin sa malaking panganib na pang lilinlang at kahit hindi, ang estruktura ay hindi pabor sa mga kustomers at pinapayaman lamang ang nagtatag nito.