Hindi ko akalain na ganito na pala kalaki ang trading volume ng Coins.ph, kaya parang mas may sense tuloy kung bakit ayaw nilang papasukin ang Binance.
As reported last February 2026, nasa around $500 million na raw ang trading volume nila, which is around 4x increase. Napapaisip lang din ako kung ano kaya talaga ang dahilan bakit biglang lumaki nang ganyan. Dahil kaya mas maraming tao ang nag-iinvest sa crypto para ma-protect ang pera nila laban sa inflation?
Pag tiningnan mo rin dito:
https://coinmarketcap.com/rankings/exchanges/mas malaki pa ang Coins.ph kaysa Bitfinex. So ibig sabihin, malaki talaga ang market ng Coins.ph at hindi na siya maliit na player lang gaya ng iniisip ng iba. Mukhang mas malakas na talaga ang local crypto demand kaysa sa inaakala ng karamihan.