May Akda:
fillipponeOrihinal na Akda sa English:
Everything you wanted to know about Bitcoin Strategic Reserve
Kamakailan, ang ideya ng Estratehikong Reserba ng Bitcoin (BSR) ay lumutang sa maraming ulat na balita. Ang ideya na ang US ay gagamit ng Bitcoin bilang estratehikong reserba ay pinatunayan upang itaas pa ang presyo ng bitcoin patungo sa hadlang na 100k.
Sa thread na to, ipapaliwanag ko kung ano ang Estratehikong Reserba at paano ang Bitcoin ay Estratehikong makabuluhan.
1. Kahulugan ng Estratehikong Reserba2. Kasalukuyang panukala: B.I.T.C.O.I.N. Act3. Detalye ng implementasyon: kung paano ito magagawa4. Inaasahang presyo mula sa paglulunsad ng BSR5. Iba pang implementasyon sa buong mundo6. Opinyon at saloobin mula sa iba pang mga stakeholder7. Inaasahan sa merkado8. Mga Links at dokumento
1. Kahulugan ng Estratehikong ReserbaAng estratehikong reserba ay isang imbakan ng mahahalagang yaman na itinabi ng gobyerno, malalaking institusyon, o ibang katauhan para gamitin sa pambihirang kalagayan - katulad ng kagipitan, malalang pagkagambala sa suplay, giyera, o panahon ng matinding pagbabago-bago ng merkado.
Hindi katulad ng regular na imbentaryo na umiikot sa pang araw araw na gamit, ang estratehikong reserba ay sadyang pinanatili bilang isang salag laban sa walang katiyakan, na tiniyak ang katatagan at seguridad sa oras ng krisis.
Ang estratehikong reserba ay mayroon ilang katangian na kakaiba kaya ito ay hindi pareho sa karaniwang imbakan:
- Mahabaang Pag-iimbak: ang estratehikong reserba ay karaniwang nakatago ng matagal na panahon at ilalabas lamang kung mayroon na malalang pagka gambala.
- Kritikal na kalikasan ng mga Yaman: Ang kalakal o ari-arian na kasali are mahalaga sa seguridad ng bansa, matatag na ekonomiya, o kapakanan ng lipunan.
- Pag kontrol ng Access: ang gobyerno o ang mga pinakamataas na namamahalang katawan ang kadalasan na tumitngin sa papapanatili, paglabas at pagpuno ng mga reserba, na ginagabayan ng malinaw na protokol.
Halimbawa, ang Estados Unidos sa kasalukuyan ay mga dalawang pangunahing estratehikong reserba.
- Estratehikong Reserba ng Petrolyo (SPR): pagkatapos ng krisis sa petrolyo noong 70's, And gobyerno ng Estados Unidos ay nagpasya na gumawa ng imbakan ng langis na pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Enerhiya para parehong gawin ang pagprotekta sa ekonomiya ng Estados Unidos laban sa matinding pagbabago-bago ng presyo sa merkado o bilang reserba para makapag bigay ng kuryente sa lokal na aktibidad pang-industriya sakaling magkaroon ng problema sa supply chain o giyera. Sa kasalukuyan, ang SPR ay mayroong 390 na bariles ng langis (and pinakamataas na pwedeng kapasidad ng mga reserba ay mahigi sa 700 milyon bariles) nakatago sa 4 na kweba ng asin sa kahabaan ng Gulpo ng Mexico na may halagang mahigit 27 bilyong USD, kung saan ang WTI ay ipinagpapalit sa humigit-kumulang 75 dolyar bawat bariles.
- Reserba ng Ginto : Ang Estados Unidos ang may pinakamalaking reserba ng ginto sa buong mundo, na may kabuuang 8,133.5 metriko tonelada, na may kabuuang halos 700 bilyon USD sa halaga. Halos 65% ng mga reserba na to ay nakatago United States Bullion Depository sa Fort Knox.
Ang Federal na pamahalaan ay may-ari ng ginto. Ang pamahalaan ang nag issue ng "Gold Certificates" para sa Federal na Reserba ng Bangko na nagkakahalaga ng $11 bilyon.
Ang mga sertipiko ay nagsisilbi sa Federal na Reserba ng Bangko bilang maliit na bahagi ng kolateral para sa Federal na Reserba Notes. Hindi pag mamay ari ng Federal Reserba ang ginto.
Ang pamahalaan ng Estados Unidos ay marami pang Estratehikong Reserba, kabilang na ang natural gas, mga butil, pagkain, at keso (dati itong may reserba ng pasas hanggang 2015).
2. Kasalukuyang panukala: B.I.T.C.O.I.N. ActSi Cynthia Lummis, isang Republican senadora sa Wyoming, ay ipinakilala ang ideya ng isang Estratehikong Reserba ng Bitcoin noong Hulyo. Ipinanukala niya sa pamahalaan ng Estados Unidos na i-konsidera ang Bitcoin bilang bahagi ng pangmatagalang estratehikong reserba. Sa Senado ng US, tinawag niya ang bill na ito na B.I.T.C.O.I.N. (Boosting Innovation, Technology and Competitiveness through Optimized Investment Nationwide) Act.
July 31, 2024
WASHINGTON, D.C. – Following her announcement of a historic proposal to supercharge the US dollar and pay down the national debt by establishing a strategic Bitcoin reserve, today US Senator Cynthia Lummis (R-WY) officially introduced the Boosting Innovation, Technology and Competitiveness through Optimized Investment Nationwide (B.I.T.C.O.I.N.) Act in the US Senate.
"As families across Wyoming struggle to keep up with soaring inflation rates and our national debt reaches new and unprecedented heights, it is time for us to take bold steps to create a brighter future for generations to come by creating a strategic Bitcoin reserve," said Lummis. "Bitcoin is transforming not only our country but the world and becoming the first developed nation to use Bitcoin as a savings technology secures our position as a global leader in financial innovation. This is our Louisiana Purchase moment that will help us reach the next financial frontier."
The B.I.T.C.O.I.N. Act establishes a strategic Bitcoin reserve to serve as an additional store of value to bolster America's balance sheet and ensure the transparent management of Bitcoin holdings of the Federal Government. Specifically, the legislation would:
- Establish a decentralized network of secure Bitcoin vaults operated by the United States Department of Treasury with statutory requirements ensuring the highest level of physical and cybersecurity for the nation's Bitcoin holdings.
- Implement a 1-million-unit Bitcoin purchase program over a set period of time to acquire a total stake of approximately 5% of the total Bitcoin supply, mirroring the size and scope of gold reserves held by the United States.
- Be paid for by diversifying existing funds within the Federal Reserve System and Treasury Department.
- Affirm self-custody rights of private Bitcoin holders and emphasize that the strategic Bitcoin reserve shall not infringe upon individual financial freedoms.
SourceAng kanyang mga panukala at pahayag sa publiko ay naglalahad ng isang pangitain na ang Estados Unidos ay tinuturing ang Bitcoin katulad ng ibang estratehikong ari-arian — katulad ng ginto — sa kanilang ingat yaman na hawak, na magkakaroon ng pantay pantay na hawak ng reserba sa mundo ng Bitcoin at ginto sa ilalim ng kontrol ng pamahalaan ng US.
Pagkatapos ng mahalal si Trump, ang ideya ay nakakuha ng suporta:

Ang Estratehikong Reserba ng Bitcoin ay ipatutupad sa pamamagitan sa operasyong pantay sa mga mamamayang nagbabayad ng buwis, na magdudulot sa pamahalaan na makakuha ng 1 milyong bitcoins, at hahawakan ito nang hindi bababa sa 20 taon:
- Ang reserba ay pupuhunanan sa pamamagitan ng sertipiko ng ginto ng Fed's na ang halaga ay ayon sa merkado at ibebenta nila ito.
- Ang pamahalaan ay gagamitin ang sobra sa pagbili ng bitcoin na hindi gagamit ng pera galing sa mga nagbabayad ng buwis.
- Ang Kagawaran ng Katarungan ay maglilipat ng 208,000 bitcoins galing sa kaso ng Silk Road papunta sa SBR.
- Ang pamahalaan ay bibili ng 200,000 bitcoins taun-taon sa magkasunod na apat na taon.
- Ang pinakamababang panahon ng paghawak ay 20 taon.
Ang "bagong" ideya tungkol sa pag takda ng presyo ng Federal na Reserba ng mga Sertipiko at merkado-sa-merkado na halaga: ang mg sertipiko na itinatakda at sa presyo ng ginto na $42.22/oz at maaari na ang halaga ngayon ay higit sa $2,600/oz.

Ang makukuhang kita galing sa pagsasaayos ay magbibigay daan sa paggastos na hindi gagawa ng bagong utang, na mag resulta sa neutral na galaw kaugnay ng pera sa mga nagbayad ng buwis.
3. Detalye ng implementasyon: kung paano ito magagawaMay ilang paraan para ilipat ang bitcoin sa Estratehikong Reserba:
- Paglipat ng bitcoins na kinumpiska papunta sa Kagawaran ng Pananalapi. Ang Kagawaran ng Katarungan ay nagmamay-ari ng 208,000 bitcoins na nakumpiska galing sa palilitis sa Silk Road. Ang karamihan ng SBR ay pwedeng ibalik sa paglipat ng mga coins sa FED.
- Bukas na Merkado sa Pagbili: ang pamahalaan ay bibili ng bitcoin sa merkado, marahil sa pakikipag tulungan sa Coinbase. Ito ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng bitcoins, ngunit hindi gaanong epektibo. Sigurado, na may (i.e. ang paggalaw ng presyo sa merkado na dulot ng pressure sa pagbili) at ito ang pinakamataaas.
- Estratehikong Pakikipagsosyo sa mga nag Mimina sa US: ito ay isang matapat na paggawa. And pamahalaan ay pwedeng bumili ng bitcoins sa nagminina sa US sa karaniwang presyo. Makikinabang ang mga nagmimina sa matatag na presyo at ang pamahalaan na binabawasan ang epekto sa merkado. Ang pamahalaan ay pwede rin mangulekta ng buwis sa mga kumpanya na nagmimina ng diretso sa BTC at maaaring mag-alok sa mga ito ng grants para ma balanse ang paggamit nila ng kuryente tungo sa carbon neutrality sa pamamagitan ng nababagong mapagkukunan ng enerhiya o kahit na mapadali ang kasunduan na ERCOT-style sa lokal na grids (ERCOT: "Electric Reliability Council of Texas") na kasuduan sa pagitan ng mga kumpanya ng enerhiya at mga minero na patayin muna ang pag mimina sa kataasan ng pangagailangan ng enerhiya galing sa grids. Ito ay tumutugma sa bisyon ni Donald Trump para sa industriya.
:
Ang paggawa ng ganitong klaseng pakikipag trabaho sa pribadong sektor ay pakikinabangan ng parehong partido na kasangkot sa industriya sa kabuuan.
4. Inaasahang presyo mula sa paglulunsad ng BSRAng paglulunsad ng Estratehikong Reserba ng Bitcoin ay magkakaroon ng napakalaking epekto sa presyo sa merkado.
Mangyayari ito sa pamamagitan ng iba't ibang mekanismo:
- Direktang epekto sa merkado: ang pagbili ay may epekto sa merkado, na direktang may epekto sa mga nagbebenta. Pwede tong maibsan sa mga sopistikadong estratehiya sa pagbili, na nakita na natin, ngunit may malaking pagbabago sa mikrostrukturang pangmerkado.
- Hindi Direktang Epekto sa Merkado: ang panglunsad ng unang BSR ay may malakas na signal patungo sa ibang soberanong awtoridad, na nagbubukas para sa karera ng pangalawang anunsyo sa SBR. Magkakaroon ng pag-ikot, hihikayatin ang ibang Bangko Sentral patungo sa pagbili ng bitcoin, katulad ngayon, meron karera sa pagbili ng ginto.
- Model-induced Buying: ang pagbukas ng BSR na paghimok sa pagbili ay kinakailangan para itulak ang Bitcoin sa susundo na yugto sa paglaki, isang bagay na kailangan para sa lahat ng modelo na bullish sa paikot nito (maging Stock to Flow, Power Law o S-Curve approach) para makita ang prediksyon kung magkakatotoo. Hangga't hindi "napapawalang bisa" ang mga modelo, ang mga balangkas ay bullish.
Katulad ng nasabi, ang tahasin ang eksaktong epekto ng BSR ay mahirap, ngunit, nakapalaki nito.
Mga ilang prediksyon:
|  |  |
| Novogratz: 500K | Adam Back: Millions |
Bilang ballpark pwede natin maaari nating tantiyahin ang epekto ng pagbili ng US batay sa paglunsad ang ETF. Kung ang ETF ay itinaas galing sa 40k noong Enero 2024 hanggang 100k noong Disyembre 2024 na mayroon 30 Billion na pumasok, at 1 million bitcoins, o 100B na pumasok galing sa paglunsad ng US SBR, pwedeng itaas ang merkado mula 100k hanggang 300k. At ito lamang ay ibinilang ang unang dahilan, iniwan pa ang 2 dahilan (Hindi Direktang Pagbili) at 3 (Modelo ng paghimok sa Pagbili).
5. Iba pang implementasyon sa buong mundoIlang bansa ay nagtatag na o pinag-iisipan pa ang paglikha ng estratehikong reserba ng Bitcoin.
Mga ilang nagtatag na ng estratehikong reserba ng Bitcoin:
- El Salvador: Noong Setyembre 2021, Ang El Salvador ang naging unang bansa na nag adopt ng Bitcoin bilang legal na tender. Mula noon, ang gobyerno nila ay nakapag ipon ng humigit kumulang na 5,940 bitcoins, na ng kakahalaga na tinatayang $582 million noong Nobyembrer 2024. Gumagamit sila ng parehong bukas na pagbili sa merkado (they are buying one bitcoin per day since) at mining operations.
- Bhutan: Ang Kaharian ng Bhutan ay nag mimina ng Bitcoin gamit ang kanilang hydroelectric na yaman mula pa 2019. Mas maraming impormasyon ang mababasa dito: Bhutan Built A Bitcoin Mine On The Site Of Its Failed 'Education City'.
Nitong Nobyembre 2024, Ang Bhutan ay may hawak na 12,211 bitcoins na nagkakahalaga ng mahigit $1 billion.
Kabaligtaran sa iba pang mga bansa, Ang Bhutan ay aktibo sa merkado, madalas na nagbebenta ng bitcoin na kanilang minina.
Mga ibang bansa na nagmukahi sa kanilang estado na magtatag ng lokal na SBR:
- Brazil: Nitong Nobyembre 2024, si Eros Biondini, isang Brazilian na Kongresista, ay nag mungkahi ng isang panukalang batas na gumawa ng Sovereign Strategic Reserve of Bitcoins (RESBit). Ang panukalang ito ay ang pagbili ng bitcoin hanggang 5% ng internasyonal na reserba ng Brazil. Ang inisyatiba na to ay para mabawasan at ibaba ang pabago bagong real state sa Brazil upang maprotektahan ang ekonomiya at paunlarin ang katatagan.
- Poland: Ang kandidato sa Pagka pangulo na si Sławomir Mentzen ay sinusulong and pagtatag ng isang estratehikong reserba ng Bitcoin, kasama ang pagpapatupad ng regulasyon na magiliw sa crypto upang makaakit ng mamumuhunan at iangat ang kalayaan sa pananalapi.
- Russia: Si Anton Tkachev ay nag mungkahi na mag-imbak ng cryptocurrencies sa pambansang kaban, at tinitingnan ang digital assets bilang isang potensyal na alternatibo sa US dollar sa pangdaigdigan na transaksyon at harapin ang mga parusa. Ang Russia ay naging matindi sa pagbili ng ginto sa mga nagdaang panahon.
Russian Lawmaker Proposes Creating Strategic Bitcoin Reserve: Report - Republika ng Czech: Ang Banko Sentral ng Czeck ay tinitingnan na ilipat ang 5% ng kanilang reserba sa FX papuntang bitcoin.
- Estados Unidos
Ipinakita na malinaw na ang ideya ng isang SBR ay hindi lang puro sa US naka sentro na imbensyon ngunit isang makatuwirang panukala na magbibigay ng ibang hugis sa hinaharap ng iba't ibang bansa.
Tila, marami pang darating, at hindi mahirap na maniwala sa sinabi nila Prince Filip of Serbia, Jan3 Chief Strategy Officer, na sinabi:

Ang ibang estado, ayon sa
bitcointreasuries.net, ay mayroon itinatagong bitcoin. Ngunit, Hindi ibig sabihin nito ay Estratehikong Reserba ng Bitcoin, dahil ito lamang ay mga nakumpiskang bitcoins, madalas binebenta ng pamahalaan o pansamantalang hawak ng pamahalaan, at inaantay lamang na ibenta sa merkado.
6. Opinyon at saloobin mula sa iba pang mga stakeholder
7. Inaasahan sa merkadoGaano kalaki ang posibilidad na malikha ang SBR?
Mayroong isang pool sa Polymarket na naglagay ng posibilidad na itutuloy ba ni Trump ang panukala sa unang 100 araw sa 29%.

Ang posibilidad ng sukatan na ito ay nasa unang 100 araw, at ang Pangulo ay maaring gamitin itong Usapin ng Pambansang Seguridad. Na ang ibig sabihin ay maaari siyang maglabas ng Executive Order upang agaran na ipatupad ang SBR bilang alternatibo sa karaniwang proseso ng pag-apruba sa Kongreso.
8. Mga Links at dokumentoStrategic Petroleum ReserveGold HoldingsUnited States Bullion Depository Bitcoin Treasuries