Kung mas maalam lang sana ang mga Pilipino sa crypto, lalo na mga OFW natin, baka mas malaki pa ang nakukuha ng pamilya nila
Nag research ako tungkol dito, at base sa website na ito:
https://remittanceprices.worldbank.org/Globally, sending remittances costs an average of 6.49 percent of the amount sent. This figure is used to monitor the progress of the global effort for reduction of remittance prices. Please check our March 2025 report for further details.
So kung iisipin mo, halos nasa 6.5% din ang average cost ng remittance globally. Ibig sabihin kung may OFW na magpapadala ng $1000, puwedeng nasa around $65 agad ang bawas sa fees. Minsan nga baka mas mataas pa depende sa service na gamit at sa conversion rate.
Dito ko naiisip na baka mas may lamang talaga ang crypto kung remittance ang pag uusapan, lalo na kung stablecoins ang gagamitin at hindi mga volatile coins. Halimbawa USDT sa TRON, mababa lang ang network fee kumpara sa usual remittance channels. Siyempre hindi naman libre lahat, kasi may gastos pa rin sa pagbili ng USDT, possible trading fees, tapos conversion ulit pagdating dito sa Pinas. Pero feeling ko kahit pagsamahin mo pa yun, kaya pa rin mas mababa kumpara sa traditional remittance fee.
Pagdating naman sa receiver dito sa Pilipinas, puwede naman nila i-convert yung USDT through platforms like Coins.ph tapos cash out nalang into GCash or bank. So kung marunong lang talaga yung sender at yung tatanggap, parang mas efficient siya at mas malaking amount ang actual na mapupunta sa pamilya.
Ang masakit kasi, yung maliliit na fee na yan parang bale wala lang tingnan sa isang transaction, pero kung iipunin mo over time, sobrang laking pera rin ang nawawala. At kung iisipin mo pa na milyon milyon ang remittance na pumapasok sa bansa galing sa mga OFW, ang laki rin ng natitipid sana kung mas mababang system ang gamit.
Ang problema lang siyempre, hindi pa ganun kaalam karamihan sa crypto, at marami pa ring takot gumamit dahil sa scams, maling send, at overall complexity. Kaya hindi lang ito tungkol sa mas murang fee, tungkol din ito sa education at kung paano magiging simple ang paggamit para sa ordinaryong tao.
Sa tingin ninyo, kung mas natuto lang ang mga OFW at pamilya nila tungkol sa stablecoins, posible kayang mas malaking pera ang maiuuwi nila sa halip na mapunta sa remittance fees?