Paghahambing ng Trading sa HoldingTiyak meron dito sa atin na nag tra-trade talaga dahil may kanya kanya tayong estratehiya sa merkado. Ang dalawang ito ay Trading at Holding. Ang trading ay isang paraan para kumita sa pababago bago ng presyo ng Bitcoin sa merkado. Ngunit ito ay nangangailangan ng maraming oras kasi nga nakaupo ka at pinag-aaralan mo ang galawan sa pamamagitan ng tinatawag na technical analysis.
Meron naman dito sa atin na hindi nag trade pero nag hold ng Bitcoin. Ito ay para sa mga tao na namumuhunan ng pang matagalan at naniniwala na ang presyo ng Bitcoin ay tataas sa mga susunod na cycle (tuwing ika 4 na taon). Narito ang kanilang paghahambing.
| Kategorya | Trading (Aktibong Pangangalakal) | HODLing (Pangmatagalang Paghawak) |
| Layunin | Kumita ng mabilisan sa paggalaw ng presyo (pagtaas at pagbaba). | Naniniwala sa pangmatagalang pagtaas ng presyo ng Bitcoin sa loob ng ilang taon. |
| Tagal | Maikli (segundo, oras, araw, o linggo) depende kung ito ay Day Trading o Swing Trading. | Mahaba (karaniwang 1 taon, 4 taon, o dekada). |
| Stress | Mataas. Kailangan ng palaging pagtingin sa merkado; emosyonal at mentally demanding. | Mababa. Hindi gaanong apektado ng araw-araw na pagbabago ng presyo. |
| Panganib | Gumagamit ng pabago bago ng halaga para kumita. | Tinitiis ang pagbagsak ng merkado (bearish) na may pag-asa na tataas ito sa hinaharap (bull run). |
| Oras | Napakarami. Kailangan ng technical analysis, pagbabasa ng news, at oras para sa charts. | Hindi kailangan ng araw-araw na pagtingin ng presyo. |
Meron din naman tayo sigurong hybrid dito? baka ito ang karamamihan sa atin. Yung walang pinipili ni isa man lang. At sa halip ay pinag-sasama ito. Ang nakikita ko na kombinasyon at 70% ay nasa long term holding. At 30% naman ng pera ay nasa trading. Maganda rin naman ito, mababa ang stress mo kumpara sa pure trading, at sa araw araw o sa isang linggo at pwede ka rin pumaldo kahit paano at pwede mo ilagay ang kita sa long term holding o paikutin to sa trading.
Basta lagi lang tatandaan na mag-invest lamang ng pera na handa kang mawala.
https://www.investopedia.com/hold-or-flip-how-to-determine-your-best-approach-to-crypto-investing-11831947https://www.ainvest.com/aime/share/key-differences-long-term-bitcoin-holders-short-term-traders-74146b/https://materialbitcoin.com/en/blog/trading-vs-holding-cryptohttps://cryptorandgroup.com/trading-vs-holding-which-strategy-actually-wins-in-crypto/ Ang masasabi ko dito holding man or trading meron tayong goal or target price na once maachieve mo na iyon irerelease mo na ito, before kasi masyado mababa ang value ng mga tokens nuong hindi pa masyadong sikat ito sa mundo, so habang dumadami ang nagtretrade medyo ung pagkakaroon ng profit medyo mahirap din meron kasi sumasakay lang saglit tapos once okay na rerelease na nila, mostly ganun na ngayon ang labanan, lalo na sa financial na estado ngayon ng mundo, may gyera importante ang pera, pero kung kaya mo naman maghold ng matagal for example separate investment mo ung hold lang talaga siya na kahit anung mangyare hindi mo magagalaw okay sya, ung iba kasi now ipapasok ung pera sa crypto kumita ng 5k out na sila lipat ulit, although gusto nila long term pero ung situation kasi ngiiba.
Pero sakin may hawak ako or nakahold, dati around 50k siya now wala na atang 10k pero okay lang kasi ROI naman nako, hinayaan ko nalang.