Orihinal na akda ni:
d5000Orihinal na paksa:
What should you know before recommending Bitcoin to a friend?
Ang naging inspirasyon ng thread na ito ay
ito mismo, kung saan pinag uusapan sa forum ng isang user tungkol sa pagsisisi na hindi niya sinasabi sa kaibigan niya ang tungkol sa bitcoin dahil ang ilan ay nawala na nila ang kanilang coin o di kaya ay hindi naibigay ng bitcoin ang kanilang mga ekspektasyon
Ang ideya nito ay mangolekta ng mga bagay na
maaaring makatulong bago mo i-rekomenda ang Bitcoin sa iyong mga kaibigan at kamag-anak.
Maaari nitong maibigay ang kanilang “kailangan”, o mga simpleng tip para maging maganda ang landas mo sa Bitcoin.
At para lang klaro: hindi magandang ideya na ihikayat agad ang Bitcoin sa inyong mga kaibigan o makapag-anak. Mas maiging i-rekomenda lamang ang Bitcoin para sa mga taong interesado tungkol dito, o di kaya sa mga kaugnay na usapin tungkol dito, halimbawa, direktang tungkol sa kung ano ang iba pang maaaring pagkakitaan, at sila ay mulat sa maaaring panganib nito.
Sisimulan ko sa mga “kailangan” ng mga taong gustong i-rekomenda ang Bitcoin para sa mga taong gustong malaman o bago palang dito.
1)
Not your keys, not your coins! Ito ang isa sa pinaka gamit na pangungusap, dapat alam ng lahat ito bago sila pumasok sa Bitcoin. Ang mga coins na nasa exchange o kaya ay nasa custodial wallet ay hindi talaga sa iyo – kung ang kumpanya sa likod nito ay nalugi o di kaya ay na-hack, maaaring mawala sayo ang coins mo.
2)
i-Backup ang iyong keys at seeds. Kailangan mo ng maski isa o dalawang pisikal na bagay (tulad ng papel na mababang kalidad lang na maaari mong mawala, hindi ito ang pinaka-mainam na paraan, mas maganda ang mga metal-based na gamit) kung saan maaari mong isulat ang iyong seed o keys mula sa iyong Bitcoin wallet.
3)
Huwag mong isipin ang ang presyo ng Bitcoin ay laging paangat. Higit sa lahat, hindi laging paangat ang presyo kada taon, may taong mangyayari magkakaroon ng koreksiyon.
4)
DCA ang isa sa pinakamagandang paraan para bumili ng BTC at para maiwasan ang problema dahil sa sobrang paggalaw nito Ang pagbili ng Bitcoin ng isahan ay sadyang delikado, lalo na kung ang presyo ay sobrang taas. Bumili lamang ng tingi, palagi, halimbawa, isang beses kada buwan.
5)
Huwag gumamit ng parehas na address! Higit sa lahat lalo kung ikaw ay nag HODL. Ang paggamit ng address mo para sa pagtanggap at pagpapadala ng coins gamit ang parehong address. Maaaring maglantad ng iyong privacy lalo na sa quantum computers pag ito ay meron na.
6)
Bitcoin payments cannot be reversed (like credit card payments for example). Check all info, like addresses, and the trustworthiness of merchants and service providers, before you make a payment. It is your own responsibility to deal with the consequences. If something goes wrong and the payee doesn't cooperate, your only option is to go to the police.
6)
Ang pagbabayad ng Bitcoin ay hindi na maaaring maibalik (tulad ng pagbabayad ng credit card). Igihing tingnan lahat ng detalye, tulad ng address, at kung katiwa-tiwala ba ang tindahan o serbisyong nagbibigay, bago ka magbigay ng bayad. Dahil ito ay iyong responsibilidad na may kaakibat na maging resulta nito. Kung may mangyaring mali at ang binayaran ay hindi nais makipagtulungan, ang maaari mo na lamang gawin ay pumunta sa pulis.
7)
Gamitin lamang ang Bitcoin sa mga ligtas na device. Kung kayo ay may duda kahit kaunti sa inyong device na gagamitin na maaaring mayroong mga malware o di kaya ay ginagamit sa mga hindi ligtas na paggamit ng internet (at gumagamit ng Windows), igihing ilipat AGAD ito sa ligtas na lugar! Mas magandang mayroong hardware wallet o di kaya ay device para sa malalaking mga halaga.
Para sa ilang kontribusyon para sa usaping ito:
8 )
Mag simula lamang sa maliit na halaga.
9)
Sabihan mo ang mga kaibigan mo ng katotohanan, at huwag masyadong ma-excite.10)
Unahin ang seguridad at pag yamanin ang kaalaman patungkol sa Bitcoin bago mag invest
.
11)
Maging naiintindihan ang Bitcoin bago ito i-rekomenda. Mag-ingat sa mga scam.12)
Mag-invest lang sa perang kaya mong ipatalo, at naiintindihan ng lubos ang pinagkaiba ng galaw ng long-term at short-term.
13)
Hiwalayin ang inyong mga coins at huwag mangamba, gumamit ng mga mobile wallets para sa mga maliliit na halaga..
14)
Gumamit ng open source software.15)
Hiwasan ang mga pisikalpag atake16)
Huwag mong i-post ang iyong Bitcoin address sa publiko (hangga't maaari). (Ito ay nakapa importante! higit sa lahat ang iyong address na pang HODL ay hindi dapat malaman ng iba!)
17)
Maging malinaw sa pagkakaiba ng Bitcoin at altcoins. Mag-ingat sa mga centralized na exchange.18)
Matutunan kung paano gumagana ang UTXOs. Itago ang iyong keys sa iba't ibang lugar at gumamit ng passphrase sa iyong main device.19)
Mag-ingat sa mga ponzi schemes at malware sa mga hindi katiwa-tiwalang links.20)
Mag-ingat sa mga airdrops, huwag i-connect ang mga wallet na may malaking halaga sa hindi katiwa-tiwalang entidad.21)
Subukang maging kalmado bago gumawa ng desisyon. Ibayong maigi ang pagmasdan ang galaw ng market.22)
Alamin kung paano gumagawa ang transaction fees, para maiwasan ang mababang/sobrang pagbabayad.23)
Matuto mula sa mga may kaalaman na sa Bitcoin.24)
Itago lamang offline ang iyong seedphrase at keys, at huwag sa online.25)
Magplano ng estratehiya pati sa pangmatagalang plano.26)
Huwag gumamit ng mga wallet software sa mga hindi ligtas na pampublikong Wi‑Fi network.27)
Tanungin mo ang iyong sarili / ang iyong kaibigan kung ano nga ba ang hangarin nyo para sa Bitcoin.28)
Alamin ang legislasyon ng bansa ninyo patungkol sa crypto, halimbawa, patungkol sa taxes.29)
Ihanda ang sariling kaisipan at ang iyong mga kaibigan, e.g., mabilis na pagbabago ng presyo.30)
Kung ang kaibigan mo ay talaga interesado, ihikayat mo silang gumamit ng Testnet bago gumamit ng totoong software.31)
Subukang unawain ang pananaw ng nakararaming Bitcoin investor kung ito ba ay short o long ang nais nila., Dito ay para maiwasan ang maling ekspektasyon para sa hinaharap at pag-adapt nito sa presyo.
32)
Maging maingat sa paggamit ng iyong Bitcoin wallets dahil ito ay iyong responsibilidad. Walang taong maaaring tumulong sayo kung magkataong may nangyari.
33) [url=https://bitcointalk.org/index.php?topic=5565273.msg66360001#msg66360001]Alamin at ugaliing magkaroon ng praktis para sa pag-recover ng iyong keys mula sa backup.34)
Maging maingat sa tanggap ng mga teknikal na problema tulad ng backup at recovery. Kung saan kailangang i-post ito at kung ano ang dapat ay hindi. At mag-ingat sa mga chatbot tulad ng ChatGPT sa pangkalahatan.35)
Ipakilala lamang sa mga lubos na kilalang tao (kapamilya/kaibigan) ang mga pinakamadaling maunawaan sa Bitcoin, kung sakali may hindi inaasahan.
36)
Alamin ang ibang stratehiya para sa pag papamana (kaugnay nito ang 35)37)
Maging maingat sa pagsali sa mga komunidad online.38)
Matututo kung paano gumamit ng block explorer. (dagdag: pa dito
kung bakit maiging gumamit ng Tor or VPN para maiwasan ang paggamit ng kanilang personal na datos tulad ng IP address).
39)
Maging pasensiyoso. Huwag umasa sa anumang kasiguraduhan mula kanino (ikaw ang bahala sa sariili mo)
40)
Mag-ingat sa social pressure na maaaring mong makuha sa pagiging parte ng Bitcoin. Magpokus sa long term. Magingat dahil ang Bitcoin ay decentralized, lahat ay may kaakibat na kapalit (walang mga awtoridad na namamahala).41)
Isaalang-alang agad ang maaaring maging negatibong kahinatnan sa sumula pa palang.. Ang magandang gawin ay isipin
ang pinakamalang maaaring mangyari at ano ang iyong gagawin..
42)
Huwag mong itulad ang Bitcoin sa isang ponzi o di kaya ay maaari kang kumita kaagad. Ito ay isang investment43)
Ugaliing mayroon kang bukod na kita kung gusto mo mag invest sa Bitcoin. At hindi lamang Bitcoin trading. Maiging gumamit ng mga airgapped device (e.g. hardware wallet) para sa cold storage.