Gumagamit ka ba ng Exchange Wallet? Kung ikaw ay gumagamit, mahalagang basahin mo ito.
Kapag gumagamit ka halimbawa ng Coinbase, Binance at iba pang exchange wallet, hindi ikaw ay may-ari ng crypto o Bitcoin kasi nga wala sa iyo ang private key. Ang iyong hinahawakan at yung tinawag na account balance lamang. Ang kasabihan nga,
“Not your keys, not your coins.”Kung ikaw ay nag deposit ng crypto o Bitcoin sa exchange:
- napupunta sa wallet ng exchange ang crypto mo
- bibigyan ka lamang ng isang record sa kanilang database
- ang exchange ang may control ng private keys
- pwede nilang i-freeze ang account mo kahit kailan
Meron din yung risk ng hacking. Marami nang exchange na mga nagdaang taon na na hack na. Siguro ang pinaka sikat ay ang Mt. Gox. At kung ma-freeze naman ang account mo, hihingan ka ng mga dokumento. At kailangan pagka tiwalaan mo sila, na hindi sira mag sasara o mag rug pull o mang scam. Ngunit may kaso na rin na ganito, katulad ng pagbagsak ng FTX.
Aaminin ko na guilty ako dahil sa umpisa at sa coins.ph ako nag-iipon at ngayon naman sa PDAX. Pero natutunan ko na rin na ilipat muna kahit sa Electrum wallet dahil sa thread na ito,
Electrum wallet for long term hold.Hindi ko naman sinasabi na hindi pwedeng gumamit ng exchange wallet. Kung trader ka obvious na ito ang gagamitin mo. Basta tandaan na nandiyan parin ang mas mataas na risk kumpara sa pag gamit ng wallet na ikaw ang may control.