Payo lang sa mga content creators, kapag pwede na yung ganitong option mas maganda pa rin huwag irekta sa mga exchanges kapag galing kay meta o anomang platforms. Padaanin niyo pa rin sa mga personal wallets niyo bago i-exchange. Hindi sa may iniiwasan o anoman, parang naging norm nalang naman na din yan dahil nga sa mga flagging na nangyayari lalong lalo na sa mga local exchanges natin. Legit company at source naman yan kaya kung crypto ang magiging choice, ganun lang ang style diyan. Pero nasa Pinas tayo kaya ang gagawin ng marami rekta nalang sa bank accounts nila o e-wallets tulad ni gcash.
Tama. Nangyari na sakin yung ganito, nanalo ako sa isang pa contest ng isang mixer tapos ang ginamit ko na btc address is from exchange, after ko ma received yung price na flag yun ng exchange. Hinihingan lang naman ako ng details kung saan galing yun at pinorovide ko naman kung saan talaga galing so far after ko mag pasa nung hinihingi nila naging okay naman na lahat. Pero basta hanggang hindi pinapasa yung hinihingi nila nakahold pa rin funds mo..
Possible mangyare ito sa mga pinoy content creator maflag iyong payment, lalo na kung local exchange ang gagamitin ninyo, sigurado mainit agad kayo niyan lalo kung malaking halaga, wagnyo nadin siguro idaan sa bank kasi may tax nadin naman sigurado na kukunin diyan, doble doble kasi magiging kaltas diyan for sure.
Dati nangyare nadin ito sakin nung unang cash-out ko sa coinsph andami hinihingi, although napasa naman pero hassle pera mo na andami pang itatanung sayo, minsan ang tanung pa nila medyo di rin okay lalo sa bank, din magcacash-out ka ng pera mo san mo gagamitin gusto ko sabihin hindi mo na problema iyon pera ko yan, ginagamit mo na nga pangutang pera ko di naman kita tinanung hindi ba nakakainis din.