Pero itinama niya ito makaraan ng ilang oras, makaraang lumabas ito sa mainstream. Ito ay hindi pa confirmed, kundi isang work in progress na puwedeng mangyari o puwede rin naman, depende sa mga pag-uusap ng mga stakeholders at authorities.
Mas maganda na ganyang statement lang na puwedeng mangyari o hindi. Kasi kahit na may insider siya o kaya kakilala sa loob mismo ng Binance. Baka nga hindi nila nileleak yan dahil may mga proseso pa sila at hindi nila inaannounce yan basta basta. Pero kung sa lagay niya na pinayagan naman siya ilabas yan ay okay na din para at least nagkaroon tayo ng kaalaman na may pag-asa.
Ano sa tingin ninyo, magbubunga ba nang maganda ito at makakabalik ba ang Binance behind sa isang company, at sino kaya ang popular na Filipino company na ito?
Lahat tayo umaasa na magkakaroon ng magandang bunga yan. Antayin nalang natin ng isang buwan pa dahil mag June naman na din at sana magkaroon na ulit ng come back si Binance dito kahit sa isang subsidiary exchange nila.