|
tech30338 (OP)
|
 |
May 07, 2026, 12:03:24 AM |
|
Isang paalala mga kabayan iwasan nating maginvest sa mga company na ngpropromise ng too good to be true na returns, So naflagged nadin ito dati ng SEC, at mga target nito ay mga karaniwan OFW or nabibiktima at nagpapangako ng malaking returns, refferals, at trading signals Ang masakit dito hindi lang kasi isa ang mabibiktima, dahil sa una maayos ito, nkakakuha ka pero pagtagal biglang hindi kana makakawithdraw masakit pa dito dahil may refferal siguradong nagdownline, sideline na ang mga nabiktima, nakakaawa subalit matagal na itong nangyayare subalit dahil siguro sa hirap ng buhay kahit alam na nilang delikado, sumugal parin sila, at ito na nga naghalt na ang withdrawal at bago daw makawithdraw ay need pa nila magbayad ng 12% tax. Sa mga nabiktima nito huwag na kayong magdagdag pa or magbayad pa ng tax for withdrawal dahil malabo na iyan, wala kayo makukuha kahit singko. Sana matagil na ito at matoto na tayo sa ganitong pangyayare, para maiwasang mapunta sa wala ang ating pinaghirapan. Anung masasabi ninyo dito, bakit hindi parin mawala ang naloloko? Balita ukol dito: https://bitpinas.com/regulation/bg-wealth-collapses/
|
|
|
|
cryptoaddictchie
Legendary

Activity: 2814
Merit: 1568
|
 |
May 07, 2026, 08:00:01 AM |
|
Sana? Wishful thinking na lang yan bro kasi sa panahon ngayon di maiiwasan ang gumawa ng krimen dahil sa hirap ng buhay dito sa atin. Its really hard to accept na naging norm na ang pangsscam sa mga hyip investments dito. Mas nakakabahala eh yung hindi na sila nakokonsensya knowing yung iba na biktima nila alam nilang hard earned money yung ginagamit para sumali.
Wala na talagang mangyayari na maganda sa mga iyan. Hopefully if ever man makulong eh yung pangmatagalan na yung tipong madadala na sila sa mga gawain nila.
|
|
|
|
|
tech30338 (OP)
|
 |
May 07, 2026, 10:20:10 AM |
|
Sana? Wishful thinking na lang yan bro kasi sa panahon ngayon di maiiwasan ang gumawa ng krimen dahil sa hirap ng buhay dito sa atin. Its really hard to accept na naging norm na ang pangsscam sa mga hyip investments dito. Mas nakakabahala eh yung hindi na sila nakokonsensya knowing yung iba na biktima nila alam nilang hard earned money yung ginagamit para sumali.
Wala na talagang mangyayari na maganda sa mga iyan. Hopefully if ever man makulong eh yung pangmatagalan na yung tipong madadala na sila sa mga gawain nila. Ang problema kasi walang nakakasuhan hindi ko rin maintindihan hindi rin mahabol ng dito satin eh parang may special powers sige nasabi na ang company na ito ang scam, kilala ang mga tao, pero parang walang nakukulong bigla nalang naglalaho ang isyo, ang masakit pa neto sila din ulit gagawa ng same na company or scam company, mabibigyan ng license efflag nanaman na scam, cycle nalang ang weird bat ganun? Samantalang sa ibang bansa walang kawala talaga hindi ka makakatakas either makipagtulungan ka or makulong ka,ito iyong mga scams dito sa pinas ah, so anu ang problema ito ba ay sa batas maluwag sa kanila? kasi pagnagnakaw klang ng bigas kulong kana e, ung iba bilyon milyon nagkakaso pa sa nagsabi nagnakaw eh.
|
|
|
|
acroman08
Legendary

Activity: 3066
Merit: 1249
XMR.GG
|
 |
May 07, 2026, 10:36:07 AM |
|
Sana matagil na ito at matoto na tayo sa ganitong pangyayare, para maiwasang mapunta sa wala ang ating pinaghirapan.
Anung masasabi ninyo dito, bakit hindi parin mawala ang naloloko?]
Sadly, malabong mangyari to, masyadong maraming ignoranteng tao tungkol sa mga scam na ganto at marami din ang mga ang nang-uuto at uto-uto. Madami rin yung mga desperado na magkaroon ng "quick and easy" na side income kaya mas madali sila nabibiktima ng mga scam na ganto.
|
|
|
|
Fredomago
Legendary

Activity: 3710
Merit: 1057
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
|
 |
May 07, 2026, 10:52:53 AM |
|
Sana matagil na ito at matoto na tayo sa ganitong pangyayare, para maiwasang mapunta sa wala ang ating pinaghirapan.
Anung masasabi ninyo dito, bakit hindi parin mawala ang naloloko?]
Sadly, malabong mangyari to, masyadong maraming ignoranteng tao tungkol sa mga scam na ganto at marami din ang mga ang nang-uuto at uto-uto. Madami rin yung mga desperado na magkaroon ng "quick and easy" na side income kaya mas madali sila nabibiktima ng mga scam na ganto. Ang siste kasi may masscam tapos papalamigin lang saglit tapos babalik ulit mga scammers then bagong lugar or bagong sets nanaman ng mga lolokohin, un mga mauuna malamang makakakuha yun ng kita tapos magrerecruit tapos ayun na ulit tatakbuhan na ulit kaya malabong mawala kasi hanggat may naloloko may mangloloko ibat ibang offer ibat ibang pamamaraan ganun kalupit at ganun kahapit ang mga manloloko, kaya tulong na lang natin sa mga kakilala natin kung sakali na pwede pa silang maabisuhan subukin natin mapigilan, kung ayaw wala na tayong magagawa.
|
| ..Stake.com.. | | | ▄████████████████████████████████████▄ ██ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██ ▄████▄ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ██████ ██ ██████████ ██ ██ ██████████ ██ ▀██▀ ██ ██ ██ ██████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██████ ██ █████ ███ ██████ ██ ████▄ ██ ██ █████ ███ ████ ████ █████ ███ ████████ ██ ████ ████ ██████████ ████ ████ ████▀ ██ ██████████ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████ ██ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ▀█████████▀ ▄████████████▄ ▀█████████▀ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄███ ██ ██ ███▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████████████████████████████████████ | | | | | | ▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄ █ ▄▀▄ █▀▀█▀▄▄ █ █▀█ █ ▐ ▐▌ █ ▄██▄ █ ▌ █ █ ▄██████▄ █ ▌ ▐▌ █ ██████████ █ ▐ █ █ ▐██████████▌ █ ▐ ▐▌ █ ▀▀██████▀▀ █ ▌ █ █ ▄▄▄██▄▄▄ █ ▌▐▌ █ █▐ █ █ █▐▐▌ █ █▐█ ▀▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▀█ | | | | | | ▄▄█████████▄▄ ▄██▀▀▀▀█████▀▀▀▀██▄ ▄█▀ ▐█▌ ▀█▄ ██ ▐█▌ ██ ████▄ ▄█████▄ ▄████ ████████▄███████████▄████████ ███▀ █████████████ ▀███ ██ ███████████ ██ ▀█▄ █████████ ▄█▀ ▀█▄ ▄██▀▀▀▀▀▀▀██▄ ▄▄▄█▀ ▀███████ ███████▀ ▀█████▄ ▄█████▀ ▀▀▀███▄▄▄███▀▀▀ | | | ..PLAY NOW.. |
|
|
|
LogitechMouse
Legendary

Activity: 3178
Merit: 1148
AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING
|
 |
May 08, 2026, 01:11:11 AM |
|
MARAMING NALOLOKO DAHIL MARAMI ANG GUSTONG MAGPALOKO. Masakit pero yan ang katotohanan kaya gustong gusto ng mga dayuhan na mag-recruit ng mga kababayan natin dahil marami ang willing magpaloko at magpasilaw para lang sa pera. Kung mataas lang ang financial literacy ng mga tao sa bansa natin, wala or at least kaunti lang ang mga na-sscam ng ganito sa bansa natin pero wala eh, ganun talaga at gaya ng sinasabi ko noon, minsan need talaga nating ma-experience muna bago tayo matuto. Nagtanong ako sa Gemini patungkol sa "investment scam na ito" at ito ang nakita ko: The Promise: Participants are promised very high, often guaranteed, daily or monthly returns (e.g., doubling money in 55 days) through a linked cryptocurrency exchange called DSJ Exchange (DSJEX).
The Hook: It presents itself as a "collaborative" investment, encouraging members to join workshops and use social media to recruit new members, similar to a pyramid scheme.
The "Trading" Mechanics: The platform claims to offer "signals" and specific "trading windows" where participants can trade. They often falsely claim to have a 99% success rate with minimal risk. Yang tatlo or kahit yang una pa lang ay enough na para sa akin na hindi mag-invest dito. Para sa akin, pag ginamit na nila ang term na "guarantee" panigurado ay isa na itong scam attempt dahil alam naman natin na walang guarantee sa pag-iinvest, let alone sa trading na mina-market ng company na ito. Anong masasabi ko? Expect more in the future dahil ganun naman talaga ang nangyayari. Mayroon at mayroon pa rin tayong mga kababayan na masisilaw sa mga easy-money lalo na ngayon na nasa krisis tayo.
|
|
|
|
GreatArkansas
Legendary

Activity: 3052
Merit: 1476
Bitcoin Fixes It
|
 |
May 08, 2026, 12:33:51 PM |
|
Sana matuto na mga kababayan natin dahil dito. Curious din ako kasi pagkakalaam ko madaming ganitong na scheme nag kalat sa bansa natin, same ang concept at flow, parang iba iba lang yung pangalan ng platform.
Sana talaga imbestigahan to ng mga authority natin kasi milyon milyon or ang involved dito. Kawawa mga biktima.
|
| EARNBET | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | ███████▄▄███████████ ████▄██████████████████ ██▄▀▀███████████████▀▀███ █▄████████████████████████ ▄▄████████▀▀▀▀▀████████▄▄██ ███████████████████████████ █████████▌████▀████████████ ███████████████████████████ ▀▀███████▄▄▄▄▄█████████▀▀██ █▀█████████████████████▀██ ██▀▄▄███████████████▄▄███ ████▀██████████████████ ███████▀▀███████████ | | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ |
▄▄▄ ▄▄▄███████▐███▌███████▄▄▄ █████████████████████████ ▀████▄▄▄███████▄▄▄████▀ █████████████████████ ▐███████████████████▌ ███████████████████ ███████████████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
| King of The Castle $200,000 in prizes | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | 62.5% | RAKEBACK BONUS |
|
|
|
|
aioc
|
 |
May 08, 2026, 08:47:22 PM |
|
Anung masasabi ninyo dito, bakit hindi parin mawala ang naloloko?
Hindi na mawawala ang mga panloloko. Ang tao kasi ay greedy at madaling magtiwala; pakitaan ka lang ng payment proof, maiinggit ka na at iiral sa iyo ang FOMO. Siyempre, sa takot na rin na palampasin ang opportunity, kaya marami sa ating mga kababayan ang nahuulog sa ganito. Isa pa rin ang SEC ay hindi mabilis mag flag nag take off na marami na nag invest at nakapang scam na bago pa sila mag issue ng mga warning.
|
|
|
|
|
|
maxreish
|
 |
May 10, 2026, 02:57:53 AM |
|
Saklap, naalala ko lang ang experience namin last year. Napakasakit ng nangyari samen. Pag may time ay ikwento ko din ng buo pero to make the story short ganyan na ganyan nangyari sa amin. Kung tatanungin nyo bakit hindi ba namin naisip kung redflag kahit high returns? Naisip namin pero may malaking rason din kami kaya itinuloy namin. Kaso, lesson learned talaga. Na walang easy money sa lahat ng bagay. Ika nga, easy money--easy gone. Sa case namin, ang exit scam na ginawa ng ceo/founder na nasalihan namin related sa BG naman ay hindi lang puro pangako kundi nagpakulong nalang para wala ng habol ang mga investors. 
|
|
|
|
|
julerz12
Legendary

Activity: 3066
Merit: 1561
Looking for Campaign Manager? PM Me TG: @julerz12
|
 |
May 11, 2026, 05:13:02 AM |
|
MARAMING NALOLOKO DAHIL MARAMI ANG GUSTONG MAGPALOKO.
This. 'Eto na 'lang talaga ang pinaka rason kung bakit sa dinami dami ng signs, warnings na pinapalabas ng gobyerno natin against these scams ay may mga naloloko parin. Quite frankly, hindi na nakakabigla ang ganitong mga balita sa atin, madalas nga wala na akong pake kapag nakakarinig ng ganitong balita. Nakakasawa na pakinggan na paulit-ulit na 'lang nagpapaloko mga kababayan natin. At this point, 'yang mga naloko ng ganyang mga platform, deserve na nila 'yan. Hindi nagkulang ang gobyerno natin on warning them. 
|
| EARNBET | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | ███████▄▄███████████ ████▄██████████████████ ██▄▀▀███████████████▀▀███ █▄████████████████████████ ▄▄████████▀▀▀▀▀████████▄▄██ ███████████████████████████ █████████▌████▀████████████ ███████████████████████████ ▀▀███████▄▄▄▄▄█████████▀▀██ █▀█████████████████████▀██ ██▀▄▄███████████████▄▄███ ████▀██████████████████ ███████▀▀███████████ | | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ |
▄▄▄ ▄▄▄███████▐███▌███████▄▄▄ █████████████████████████ ▀████▄▄▄███████▄▄▄████▀ █████████████████████ ▐███████████████████▌ ███████████████████ ███████████████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
| King of The Castle $200,000 in prizes | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | 62.5% | RAKEBACK BONUS |
|
|
|
|
bhadz
|
 |
May 11, 2026, 11:51:37 AM |
|
Anung masasabi ninyo dito, bakit hindi parin mawala ang naloloko?
Siguro kabayan pagiging desperado ng mga kababayan natin na kumita kaya kahit kapit sa patalim at may ideya sila na posibleng scam ay uunahan nalang daw siguro nila makawithdraw bago pa man magcollapse. Parang yan yung madalas na naririnig kong rasunan sa mga mahilig mag invest sa mga ganyang scam. Ayaw nila ng normal risk at volatility kaya sa mga ganyang investment schemes sila mas nabibighani at patuloy na sumusubok. Kulang din sa financial knowledge ang karamihan sa atin kaya patuloy lang din nababagsak sa mga ganyang investment. Ang buong akala nila yan ang tinatawag na investment. Lahat may pagkukulang tungkol diyan pero pag isang beses ng naloko, dapat hindi na mahulog pa sa ganyang scam kasi pag pangalawang beses na, kasalanan na mismo ng mga kababayan natin kung maloko ulit sila.
|
|
|
|
|
tech30338 (OP)
|
 |
May 11, 2026, 02:19:13 PM |
|
Parang ang sakit lang na makita iyong mga taong naghihirap para kumita pagkatapos isang iglap lang magiinvest sila kasi akala nila goods na iyong investment nila, minsan buong pamilya mahahakot nila pagkatapos ayun biglang malalaman nalang nila na wala na pala ang pera na pinasok nila. Tapos minsan nagkakagulo ang pamilya dahil sa nangyare worse eh magkawatak watak pa sila, ito sana ang tutukan ng ating gobyerno sa ibang bansa nagagawan ng paraan e, at may naibabalik pa satin nagpapakulong tapos wala na makita, sa gobyerno natin nagaaway para lang sa pwesto habang inaasahan naman ng taong bayan ang serbisyo nila, pero wala eh umupo sa pwesto tapos nagaaway away sila dun habang may mga taong naargabyado naman ng mga scammers, at mga investment scheme
|
|
|
|
|
coin-investor
|
 |
May 11, 2026, 02:53:37 PM |
|
Parang ang sakit lang na makita iyong mga taong naghihirap para kumita pagkatapos isang iglap lang magiinvest sila kasi akala nila goods na iyong investment nila, minsan buong pamilya mahahakot nila pagkatapos ayun biglang malalaman nalang nila na wala na pala ang pera na pinasok nila.
May kilala akong ganyan na kapamilya at mga kaibigan ang mga naging downline niya, at noong biglang nagsara ang company, siya ang sinisisi at sinisingil sa kanilang investment. Kaya sa kahit anong investment, ipaliwanag mo ang mga risk, hindi lang yung profit na makukuha nila sa project, at sabihin mo rin na hindi mo ginagarantiya ang kita. Marami kasi sa mga nag-i-invite ay greedy; iniiisip agad ang kikitain nila sa referrals at downline nila kapag nag-invest sila.
|
| ..Stake.com.. | | | ▄████████████████████████████████████▄ ██ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██ ▄████▄ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ██████ ██ ██████████ ██ ██ ██████████ ██ ▀██▀ ██ ██ ██ ██████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██████ ██ █████ ███ ██████ ██ ████▄ ██ ██ █████ ███ ████ ████ █████ ███ ████████ ██ ████ ████ ██████████ ████ ████ ████▀ ██ ██████████ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████ ██ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ▀█████████▀ ▄████████████▄ ▀█████████▀ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄███ ██ ██ ███▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████████████████████████████████████ | | | | | | ▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄ █ ▄▀▄ █▀▀█▀▄▄ █ █▀█ █ ▐ ▐▌ █ ▄██▄ █ ▌ █ █ ▄██████▄ █ ▌ ▐▌ █ ██████████ █ ▐ █ █ ▐██████████▌ █ ▐ ▐▌ █ ▀▀██████▀▀ █ ▌ █ █ ▄▄▄██▄▄▄ █ ▌▐▌ █ █▐ █ █ █▐▐▌ █ █▐█ ▀▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▀█ | | | | | | ▄▄█████████▄▄ ▄██▀▀▀▀█████▀▀▀▀██▄ ▄█▀ ▐█▌ ▀█▄ ██ ▐█▌ ██ ████▄ ▄█████▄ ▄████ ████████▄███████████▄████████ ███▀ █████████████ ▀███ ██ ███████████ ██ ▀█▄ █████████ ▄█▀ ▀█▄ ▄██▀▀▀▀▀▀▀██▄ ▄▄▄█▀ ▀███████ ███████▀ ▀█████▄ ▄█████▀ ▀▀▀███▄▄▄███▀▀▀ | | | ..PLAY NOW.. |
|
|
|
|
Oasisman
|
 |
May 18, 2026, 06:38:33 PM |
|
MARAMING NALOLOKO DAHIL MARAMI ANG GUSTONG MAGPALOKO. No cap! kabayan! Parang iisa lang yung BG at Riscoin eh, sabay nag exit, lol. Tapos yung mga tao nag papauto parin. Kasi may problema daw sa mga duplicate account kaya kailangan ng mala-KYC verification, tapos naka-hold ng ilang linggo ang normal payouts nila. Tapos, ang matindi, kelangan daw ng $200 deposit for verification purposes. Ang malala, ang daming naniwala at pumikit na sana hindi daw scam, sa kabila ng lahat ng mga nababasa nila sa BG, na una nang sumakabilang buhay, lol. Ito pa ang matindi mga kabayan. I don't know if coming from the legit founder/scammer ba yung mensahe, pero sabi dun sa post nya na baka mag exit na daw sila for now, kasi hinold na ni SEC yung transaction nila at may mga legal obligations silang kelangan asikasuhin tapos bibigyan nalang daw muna ng partial withdrawal ang mga members. Ang tatalino talaga ng mga scammers ngayon no? Gusto nila yung sisihin ng mga tao ay yung gobyerno, lol! Tapos yung mga naniniwala kadalasan mga teachers. Kelangan na talaga magkaroon ng seryosong edukasyon about crypto dito sa Pilipinas, pati na rin financial literacy in general. Masyadong nagiging bobo mga pinoy pag pinakita ng too good to be true na returns eh.
|
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary

Activity: 2282
Merit: 1922
Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL
|
 |
Today at 12:19:45 AM |
|
Problema kasi sa pinoy is mahilig sila pag dating sa investment pero tamad sila pag dating sa pag research if legit ba ito or hindi madali kasi sila maaikit sa mga sabi sabi. Tulad ng "Uy si ano kumita dito ang laki daw, sali tayo" madalas crab mentality at inggit kasi ang sakit ng mga pinoy eh kaya ginagawa pasok lang sila ng pasok sa investment without understanding how it works. Di mo din naman sila masisi ang ilan gusto lang din kumita ng extra pera. Ito madalas na reason bakit naaikit sila sa mga ganitong investment. - Fix return percentage earning
- Guaranteed return in a week
- Safe and investment
- Instant double the capital
- Instant payout
Marami pang iba pero madalas ito dito sila aakit sa mga ganitong investment.
|
|
|
|
|