If ever totoo to, for sure madami naka relate kasi ako na realize ko to matagal na like into altcoins ako dati until na realize ko na instead mag altcoins, what if Bitcoin na lang, iba talaga lalo if you are into investment talaga, jan mo ma rerealize. Saka overall talaga, madami nawalan ng pera at gana sa cryptocurrency dahil sa altcoins na pwede naman mag stay lang sila sa Bitcoin.
Yun nga eh ang hirap kasi sa mga altcoin ay sumusunod lang sila sa galaw ng Bitcoin, kaya instead of holding other altcoin ay mainam talaga na Bitcoin nalang ang e hold dahil ganun parin naman ang kahihinatnat at tingin ko sa sulit ang pag hold for long term dahil mas malaki ang galaw ng Bitcoin if we talk about long term growth.
Kasi decentralized talaga si bitcoin and yung iba di mo makitaan ng sincerity sa aspetong ito ng cyptocurrency. Well iba na kasi ngayon kadalasan may mga hawak na ang mga team ng tokens and cinoconsidered nila as investment unlike sa bitcoin na ang purity ng objective ng founder eh for peer to peer and use it. Yun lang talagang naiba na since sumikat na siya naging major asset na siya for economic baseline.
Siyempre yung nga founder ng mga sikat na coins and tokens sure ako may mga btc holdings din sila.
Kaya naman sila andyan dahil nagustuhan nila ang ideya ng Bitcoin at nagka ideya na gumawa narin ng sa kanila. Pero lahat ng mga yan ay may hawak na Bitcoin. Intriguing lang yung balitang yan dahil mismo yung ex CTO ng XRP ay nag doubt sa coin nila at mas pinili pang e hold ang Bitcoin kaysa sa sarili nilang nilikha. Kaya masasabi natin na pati talaga sila ay mas may tiwala pa kay Bitcoin kaya dun sa ginawa nilang coin.
Maliit lang ang trx fees in XRP. Magandang option lalong-lalong na kapag mataas ang trx fees ni Bitcoin. Pero kung ang pag-uusapan ay tungkol sa investment, wala talagang tatalo kay Bitcoin. Kaya kahit anong paninira kay Bitcoin, hindi pa rin mawawala ang tiwala ng mga tao. Iba talaga ang potential ni Bitcoin kaysa altcoins at alam yan nga mga altcoins creator.
Pero sa ginawa ni Mr. Schwartz, malamang may hindi magandang nangyari sa loob ng kanilang kumpanya. Of course, isa siyang creator. Talagang may tiwala siya sa kanyang ginawa kaysa doon sa iba at hindi niya kayang sirain ang reputation ng XRP. Ang pahayag niyang ito ay talagang magbibigay ng malaking negatibong epekto sa XRP.
Ang kasunod na posibleng mangyari ay ang kumalas sa grupo.
Yung XRP ay gamit ko lang talaga sya for transactions dahil di natin maipagkakaila na mas mura talaga ang fee's nya at ang bilis pa. Pero di ko naisip na mag hold nito at kadalasan pag nakatanggap ako nito ay benta din talaga agad.
Dahil diyan ito ang isang indikasyon na mas malakas talaga ang paniniwala nila na mas maganda mag hold ng Bitcoin kahit dun pa sa sariling coin na gawa nila.
Kahit yung ibang mga developers, mas madami ding hinohold na Bitcoin. Katulad ni CZ, Justin Sun at iba pa. Kaya kapag may mga founders tayong makikita, panigurado yan na may mga part yan ng Bitcoin sa portfolio nila kahit gaano pa kasuccessful yung mga projects nila.
May hawak din kasi na exchange si CZ kaya expected na may multiple coins holding sya. At nasabi din dito na
https://www.thecoinrepublic.com/2025/02/24/binances-changpeng-zhao-unveils-holdings-bnb-dominates-btc-just-1-3/ mas lamang din talaga ang BNB holdings nya which is not surprising compare sa BTC na meron sya.