Ang issue na ito na nagbabala sa mga consumer na huwag gumamit ng Exchange na walang VASP license ay matagal ng issue at babala ng BSP
sa mga babala ng BSP ay ang mga sumusunod:
- Pagkawala ng pera or pondo Dahil sa panloloko
- Issue sa Pagpapatakbo ng Exchange at Hacks
- Pagkalugi
Sinasabi din na Maaring hindi mo maaccess na ang iyong pondo dahil sa pagkablock neto, Nakikipag-ugnayan ang BSP sa SEC at iba pang ahensya ng gobyerno
para mapigilan na hindi makagamit ang mga pilipino sa Exchange na walang license.
Katanungan, bakit hindi nalang magoffer ang BSP sa mga exchange na magbibigay sila ng license basta mameet ang standard or requirement, at the same time
ang pagkakaalam ko tinigil nila ang pagiisue ng VASP, papanu makakaapply kung ayaw mo bigyan ng license?
talaga bang ang issue dito ay about sa VASP or may mas malaking bagay pa na nasalikod nito, kasi napakadali lang ng problema, pero parang pinapahirap pa
Kung talagang customer ang pinapangalagaan nila, bakit kapag tumaas ang mga token or value ng Crypto sa exchange ng mga local bigla magmamaintenance?
Hindi ba dapat silipin nila ito at dapat nilang aksiyunan, pero sa kanila parang hindi naman issue ang ganun,
Anung masasabi ninyo, dapat din ba tignan ni SEC, BSP , at ibang Ahensya ang nangyayare sa local exchanges, or alam talaga nila pero sasabihin hindi nila ito sakop?
Narito ang balita ukol dito:
https://bitpinas.com/regulation/bsp-issues-warning-anew/