Ang Konsepto ng Timelock sa Bitcoin
Sa mundo ng Bitcoin, may isang kasangkapan na pwede natin kontrolin ang oras mismo ito ang tinatawag na Time Lock. Maari na hindi natin ito masyadong naririnig kaya ng pagpapadala o pag tanggap ng Bitcoin. Pero napakahalaga rin nito dahil ang Bitcoin pala ay pwedeng maging isang "smart contract" sa Bitcoin, na nagbubukas ng pinto sa mga konsepto tulad ng inheritance, savings accounts, at mas sopistikadong financial instruments.
I. Ano ang Timelock sa Bitcoin?At sa madaling salita, Time Lock ay isang "lock" na iyong ilalagay sa iyong Bitcoin. Tinitiyak nito ang ang iyong Bitcoin ay hindi basta basta magagastos o malilipat hanggang sa maabot ang isang tiyak na oras o bilang ng block sa blockchain.
2. Dalawang uri ng Timelock:2.1. Absolute Timelock - Ito ang pinaka simple sa dalawa. Dahil nakabase ito sa specific date/time, o block height. Kaya kahit gusto mo i-send agad, hindi ito magiging valid dahil nga aantayin pa nya ang specific date/time, o block height.
Isang halimbawa: gumawa ka ng isang transaksyon ng magiging balido naman sa Enero 1, 2027, o pagkatapos ng block 900,000
At ito ay magagamit mo sa pamamagitan ng
nLockTime (para sa buong transaksyon) at sa opcode na
OP_CHECKLOCKTIMEVERIFY (CLTV) para sa mga indibidwal na pondo (UTXOs)
2.2 Relative Timelock - ang konsepto naman nito ay countdown mula sa sandaling ma-confirm ang isang transaksyon.
Isang halimbawa: Ang Bitcoin ay pwede lamang magastos pagkatapos ng 30 na araw matapos mo itong matanggap.
At ito naman ay magagamit sa pamamagitan ng
nSequence at opcode na
OP_CHECKSEQUENCEVERIFY (CSV).
3. Paano at saan ba ito ginagamit- Security - proteksyon laban sa mabilisang pagnanakaw. May waiting period bago mailipat ang funds
- Lightning Network - ginagamit ito sa payment disputes, at safe off-chain payments
- Inheritance/Savings - Pwedeng gamitin bilang future savings, trust funds o inheritance wallets
4. Pros at Cons4.1 Pros- Full control - ikaw ang may control ng lahat
- Native Bitcoin features - ginagamit mo ang mga features ng Bitcoin
- Full node security - hawak mo ang seguridad
4.2 Cons- Masyadong teknical - para sa advance users lamang
- Command line / console heavy - pag hindi mo alam to mahihirapan kang i execute ang command.
5. Mga wallet na sumusuporta sa Timelock| Wallet | Timelock Support | Para sa | Difficulty |
| _____________ | ______________________________________________ | _________________________ | _____________ |
| Bitcoin Core | nLockTime / CLTV/ CSV / Raw Transactions | Advanced users / Developers | High |
| Electrum | Timelocks/ Custom Scripts/ Multisig | Beginners to Intermediate Users | Medium |
| Sparrow Wallet | Miniscript/Timelocks/Advanced UTXO Management | Power User | Medium-High |
| LND | Lightning Timelocks (HTLCs) | Lightning Node Operators | High |
| Specter | Desktop Advanced Transaction Controls/Multisig | Advanced Users | Medium-High |
6. Demo
7. Sources at References:BIP 65 - OP_CHECKLOCKTIMEVERIFY (CLTV)BIP 112 - OP_CHECKSEQUENCEVERIFY (CSV)BIP 68 - Relative lock-time gamit ang nSequenceElectrum - Timelock Recovery PluginSparrow Wallet - GitHub RepositorySpecter Desktop - GitHub Repository
Paalala: Dapat tayong mapanuri at wag basta basta gumamit ng mg tools nang hindi na beripika. Huwag maglagay ng napakalaking halaga, mas mainam kung maliit muna para masubok natin ang lahat. Hindi ako nag e-endorso ng anumang produkto dito. Ang layunin ko lang naman ay magbigay-kaalaman sa ating lahat.