Isa na sa mga napapansin ko mga kabayan sa panahon natin ngayon ay ang tinatawag ko na quick money era, sa pag-aaral ko ng financial dahil gusto kung makaipon gusto kung makamit ang aking financial freedom marami akong natutunan sa investing, savings etc. Sa experience ko dahil noon ako ay bago pa lang at estudjante pa lamang ay sa crypto agad ako namulat kung saan madalas mabilis ang kita ng pera sa investing lalo na mabilis ang times sa mga investment like meme tokens, altcoins, at syempre ang trading. Nasanay ako sa ganitong mindset kung saan mabilis ang pasok ng pera, vise versa dahil mabilis din itong mawala kung talo ka, pero sa pagreresearch ko at investing na rin ng maraming taon marami akong natutunan at namulat na rin ako sa tunay at safe na investing. Maraming mga youtube videos na maaari mong matutunan kung paano ang totoong investing at nirerecommend ko rin ito sa mga kababayan dito sa lokal kung interesado kayo na ma-achieve ang inyong financial freedom.

[AI-generated image]
Kung uulitin ko sa simula ang aking investing, isa sa mga natutunan ko ay dapat ang investment mo ay in-order isa ito sa mga babaguhin ko, dahil noon namulat ako sa crypto, lahat ng pera ko ay nasa crypto lamang dahil alam ko na masmalaki ang pera masmalaki rin ang posibleng kikitain ko, pero hindi ko narealize ang long tern at alam ko alam naten ang hype lalo na kapag bull season, malaki tayong kumita and madaling maginvest lalo na kung nakikita mo ang tuloy tuloy na pagtaas ng market at iyong mga investment, pero hindi naten naiisip ang long tern. Madalas na nangyayare kapag bear season na wala na tayong liquidity at dahil naging greedy tayo noong bull season hindi tayo nagtake profit, sobrang laki ng pera na natalo naten.
Isa sa mga nakakalimutan ng mga investors ay ang investment ay boring, matagal, 5years or more madalas bago ka kumita. Madalas ngayon halos lahat ng mga investors naten future trading, meme tokens, gambling etc. Dahil mabilis kumita pero hindi na nakikita ang totoong investment na safe, low risk. Ito ang tunay na investing, bago ka magrisk sa mga malalaking investment or mga risky investment, mahalaga na nasaorder ang financial foundation mo, make sure na mayroon ka ng safety net, may liquidity, may emergency funds, may health, insurance etc. Dahil ito ang magiging pinakafoundation mo, isa rin ito sa magpapatibay ng investment mo dahil kung nagiinvest ka sa mga risky assets lang wala kang safety net, malamang sa malamang yung pera mo sa investment ginagastos mo rin or tinatanggal mo napipilitan kang magbenta dahil wala kang safety net incase of emergency. Para sakin isa itong sa mga dapat marealize ng mga investors ngayon hindi lahat ay quick money, hindi safe ang ganyang investments, sinulan mong buuin ang iyong financial foundation.