Kahit hindi nya sigruo sabihin bibili siguro ako dahil sa nangyayari sa mundo natin, hindi natin masasabi pero ang daming nangyayari na ngayon sa mundo kagaya ng krisis sa krudo, giyera sa Middle East, etc. at panigurado magkakaroon ng inflation at bababa ang purchasing power ng pera natin, kaya mas maigi na bumili or maginvest ng Stocks, Crypto, Real Estate at Gold dahil ito yung mga bagay na may potensyal mag hold o mag grow ang value habang humihina ang value ng pera.
Matic na yan pag Bitcoin user na dahil matagal na nating alam kung gaano kalaki ang potensyal ni Bitcoin na tumaas pa. Tsaka tingin ko mas mainam na maging careful tayo sa mga sinasabi nila dahil malay mo nang hype lang yan at baka sa susunod sila lang din ang dahilan kung bakit babagsak ulit ang presyo ng Bitcoin.
If may puhunan mainam na bilhin yang mga assets na sinabi mo dahil tiyak na tataas ang mga value nyan sa hinaharap.
Nagulat ako na mention niya ang Bitcoin, kasi kung tutuosin talaga panalong panalo stock ng U.S. now kompara sa Pilipinas, most of my PH stocks ay benenta ko na years ago pa at kinonvert to mga U.S stocks, iba talaga ang U.S. market, plus ito ngayon pro Bitcoin na din ang United States, kakaiba talaga.
Dati pa naman talaga na open sa pag supporta si Trump kay Bitcoin kaya di na talaga surprising kung may instances na gaya nyan mang hype na naman sya. Pero careful lang talaga sa mga pinagsasabi nya dahil may mga times na di talaga pwedeng pagkatiwalaan si Trump.
---
Bukambibig lagi ni Trump yang Bitcoin at crypto, pero ang tanong maniniwala ba kayo sa kanya?
Bibili ba kayo dahil sinabi nya o ignore nyo yang calls nya na yan?
Tingnan natin sa susunod na mga araw kung may maganda ba yang dulot yang pinangagawa nya o di kaya gusto nya naman guluhin ang market at manipulahin ito.
Naniniwala lang ako sa sarili kong desisyon at kung bibili man ako ng Bitcoin o kahit anong cryptocurrency, hindi yun dahil sinabi niya. Dahil yun ang desisyon ko.
Kahit masama na ang tingin ng ibang mga loyal supporters ni Trump sa kanya, may mga naniniwala pa rin sa kanyang mga sinasabi at sa sinabi niyang ito, may chansa na may mga naniwala at bumili nga sila ng Bitcoin, altcoins at kahit sa stock market. Historically speaking, maganda naman ang performance ng Stock Market (US Indices) at Bitcoin, so walang masama sa sinabi niyang ito. Kung sinabi siguro ni Trump na mag invest kayo sa $TRUMP at $WLFI then doon magkakaroon ng problema.

Walang epekto tong sinabi niya na ito sa market. Yun ang tingin ko at kung magpupump man ang market sa mga susunod na araw, may ibang rason at hindi dahil sinabi ni Trump.
Ganun ang tamang attitude as Bitcoin investor, wag tayo mag papa manipula sa kahit na sino. Pero kahit ganun paman good sign to na may possible pump na mangyayari dahil sa kasalukuyang galawan nila ngayon.
Bibili ba kayo dahil sinabi nya o ignore nyo yang calls nya na yan?
Tingnan natin sa susunod na mga araw kung may maganda ba yang dulot yang pinangagawa nya o di kaya gusto nya naman guluhin ang market at manipulahin ito.
Ako bibili pero hindi dahil sinabi niya na bumili. Kasi aligned ako sa crypto eh and active ako sa altcoin degen or trading so kahit walang advise ni Trump eh if I think na goods bumili ng particular token or coin eh bibili ako kasi nag reresearch naman ako anong goods at sa tingin ko profitable for me eh.
Masarap iexplore ang crypto pero always remember na madaming risk factor ito and open minded ako sa mga risk na yun. Minsan simpleng mind analysis lang and without looking sa chart I can assume if goods ito based lang sa narrative ng isang project.
Ako nga rin bumibili ng paunti unti at nag save for future kahit noon pa. Pero maganda din na nagsalita si Trump ng ganyan dahil pamatay sunog sa nangyaring bear market. Baka makita natin in next following months na baka tumuntong ulit sa $90k si Bitcoin

Diba nag tatag na sya ng Bitcoin Strategic Reserve ng US? Ngunit sa iba kasi ang akala eh bibili sila, yun pala yung mga na kumpiska nila ang kanilang iho-hold bilang reserve. Sa isang banda ok na yun. At ang pamilyang Trump as nasa crypto talaga, may mga haka haka nga rin na kumikita sila sa Polymarket.
Yep pero ang downside ng past announcement nilang yan ay yung seize assets or coins lang ang gagamitin nila. Maganda sana talaga kung maglaan sila ng budget pambili dahil yun mas may effect pa yun sa market.