Bitcoin Forum
May 13, 2026, 11:47:50 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ano nga ba ang mga blockchain layers?  (Read 9 times)
Furball808 (OP)
Member
**
Offline

Activity: 210
Merit: 23


View Profile
Today at 12:45:36 PM
 #1

Ano ang blockchain layers?


Sa konteksto ng crypto, ang isang blockchain ay binubuo ng iba't ibang lebel. Bawat lebel o layer ay may sari-sariling task o tungkulin. Bawat lebel ay konektado at nakapatong sa naunang lebel para makabuo ng isang epektibong infrastruktura. Ano ba ang silbi ng mga layers? Nakakatulong sila masolusyunan ang mga issues patungkol sa scalability, gastos, bilis, at privacy.

Layer 0: Ito ang pundasyon ng isang blockchain. Ito ang nag-coconnect at sumusuporta sa iba't ibang networks na mabubuo sa ibabaw nito. Madalas ay nakalilimutan itong layer na ito ng karamihan.

Layer 1: Ito ang base layer ng isang blockchain. Ito ang layer na nagmamaintain ng network at responsibilidad nitong layer na ito ang mga transactions sa blockchain. Kaya lang, ang layer na ito ay madalas may scalability issues. Sa paglaki ng network, nagiging congested ito kaya nagdadagdag pa ng ibang layers para makatulong.

Layer 2: Ang layer na ito ay binuo upang makatulong sa scalability issues ng Layer 1. Kumbaga sa kalsada, para mabawasan ang traffic ay nagdagdag sila ng skyway. Sa bitcoin, ito ay tinatawag na Lightning Network.

Mayroong iba't ibang uri ng layer 2 solutions ang Bitcoin.

Sidechain: Ito ay independent at nakahiwalay na network ngunit konektado parin sa main blockchain.
Statechannel: Ginagamit upang makagawa ng transaction outside the main chain at tutulong na mabawasan ang costs at mapabilis ang transaksyon.
Rollup: Pinagsasama-sama nito ang mga transactions off-chain para ipasa sa main chain.

Layer 3: Ito naman ay ang layer na nagiinteract sa mga applications sa labas ng blockchain. Dito matatagpuan ang dApps o Decentralized Applications. Halimbawa nito ay mga NFTs o DeFi.

Ang mga layers ay nakatutulong sa isang blockchain. Hindi lang Bitcoin ang gumagamit ng iba't ibang layers maliban sa una na base layer na ito. Maaaring madagdagan pa ang mga layers depende sa mga issues na kailangan pang solusyunan.

Reference:
Layers explained

https://www.fintechweekly.com/magazine/articles/understanding-crypto-layers-blockchain-building-blocks

https://github.com/bitcoin-layers/layered-bitcoin
https://cryptowords.github.io/the-bitcoin-second-layer
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!