Bitcoin Forum
May 17, 2026, 09:17:41 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ano nga ba ang mga blockchain layers?  (Read 32 times)
Furball808 (OP)
Member
**
Offline

Activity: 210
Merit: 26


View Profile
May 13, 2026, 12:45:36 PM
Merited by julerz12 (1), cryptoaddictchie (1), fullfitlarry (1)
 #1

Ano ang blockchain layers?


Sa konteksto ng crypto, ang isang blockchain ay binubuo ng iba't ibang lebel. Bawat lebel o layer ay may sari-sariling task o tungkulin. Bawat lebel ay konektado at nakapatong sa naunang lebel para makabuo ng isang epektibong infrastruktura. Ano ba ang silbi ng mga layers? Nakakatulong sila masolusyunan ang mga issues patungkol sa scalability, gastos, bilis, at privacy.

Layer 0: Ito ang pundasyon ng isang blockchain. Ito ang nag-coconnect at sumusuporta sa iba't ibang networks na mabubuo sa ibabaw nito. Madalas ay nakalilimutan itong layer na ito ng karamihan.

Layer 1: Ito ang base layer ng isang blockchain. Ito ang layer na nagmamaintain ng network at responsibilidad nitong layer na ito ang mga transactions sa blockchain. Kaya lang, ang layer na ito ay madalas may scalability issues. Sa paglaki ng network, nagiging congested ito kaya nagdadagdag pa ng ibang layers para makatulong.

Layer 2: Ang layer na ito ay binuo upang makatulong sa scalability issues ng Layer 1. Kumbaga sa kalsada, para mabawasan ang traffic ay nagdagdag sila ng skyway. Sa bitcoin, ito ay tinatawag na Lightning Network.

Mayroong iba't ibang uri ng layer 2 solutions ang Bitcoin.

Sidechain: Ito ay independent at nakahiwalay na network ngunit konektado parin sa main blockchain.
Statechannel: Ginagamit upang makagawa ng transaction outside the main chain at tutulong na mabawasan ang costs at mapabilis ang transaksyon.
Rollup: Pinagsasama-sama nito ang mga transactions off-chain para ipasa sa main chain.

Layer 3: Ito naman ay ang layer na nagiinteract sa mga applications sa labas ng blockchain. Dito matatagpuan ang dApps o Decentralized Applications. Halimbawa nito ay mga NFTs o DeFi.

Ang mga layers ay nakatutulong sa isang blockchain. Hindi lang Bitcoin ang gumagamit ng iba't ibang layers maliban sa una na base layer na ito. Maaaring madagdagan pa ang mga layers depende sa mga issues na kailangan pang solusyunan.

Reference:
Layers explained

https://www.fintechweekly.com/magazine/articles/understanding-crypto-layers-blockchain-building-blocks

https://github.com/bitcoin-layers/layered-bitcoin
https://cryptowords.github.io/the-bitcoin-second-layer
julerz12
Legendary
*
Offline

Activity: 3066
Merit: 1560


Looking for Campaign Manager? PM Me TG: @julerz12


View Profile WWW
Today at 01:25:39 AM
 #2

Good topic, OP.
Dagdag ko nalang din. Ang most popular example nito is Ethereum.
Ethereum is the base layer. While ang layer 2 ng Ethereum ay 'yung mga separate blockchain na binuo within Ethereum's base layer. Ito ang known  types ng Layer 2 sa Ethereum, ang Optimistic Rollups (Arbitrum, Optimism, Base, etc.) at ang Zero-Knowledge (ZK) Rollups (zkSync Era, Starknet, etc.) Kung gusto mong malaman ang pinagkaiba ng dalawang ito, visit here: https://ethereum.org/layer-2/learn/
Layer 3 naman ng Ethereum is yung mga blockchains na tailored for specific apps, halimbawa: Xai - build on top of Arbitrum for Web3 gaming, at Degen Chain build on top of Base for micro transactions, pagbibigay ng tips, dex social networks.

Sa Bitcoin naman ang pinaka popular na layer 2 is the Lightning network -  built for instant, high-volume, and low-fee microtransactions. Then, Taproot Assets kilala dati as Taro, gumagana naman mismo sa Lightning Network, so it's considered layer 3. Learn more about Ligtning network at Taproot assets here: https://docs.lightning.engineering/the-lightning-network/taproot-assets

▄▄███████████████████▄▄
▄███████████████████████▄
████████████████████████
█████████████████████████
████████████████████████
████████████▀██████▀████
████████████████████████
█████████▄▄▄▄███████████
██████████▄▄▄████████████
████████████████████████
████████████████▀▀███████
▀███████████████████████▀
▀▀███████████████████▀▀
 
 EARNBET 
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
███████▄▄███████████
████▄██████████████████
██▀▀███████████████▀▀███
▄████████████████████████
▄▄████████▀▀▀▀▀████████▄▄██
███████████████████████████
█████████▌██▀████████████
███████████████████████████
▀▀███████▄▄▄▄▄█████████▀▀██
▀█████████████████████▀██
██▄▄███████████████▄▄███
████▀██████████████████
███████▀▀███████████
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██


▄▄▄
▄▄▄███████▐███▌███████▄▄▄
█████████████████████████
▀████▄▄▄███████▄▄▄████▀
█████████████████████
▐███████████████████▌
███████████████████
███████████████████
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

 King of The Castle 
 $200,000 in prizes
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██
██

 62.5% 

 
RAKEBACK
BONUS
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!