Bitcoin Forum
May 18, 2026, 11:39:29 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Statistiskal Analysis ng Rainbet Signature Campaign  (Read 58 times)
SatsPH (OP)
Member
**
Offline

Activity: 82
Merit: 30

For JM


View Profile
Today at 08:22:40 AM
 #1

Naging curious lang ako at pinag-aralan ko ang pinakamalaking Signature campaign sa forum na Rainbet at tiningnan ko kung may mga Filipino dito.

1. 🔬 Methodology

  • 🔍 Iniisa-isa ko ang mga miyembro at tiningnan ko sa https://bitlist.co/ (medyo matagal) kung nag po-post ba sila sa isang particular na local board
  • 📂 Pinag-grupo ko sila base sa kanilang local board o bansa. Mayroon ding ilan kasali na walang post sa kahit ano mang local board
  • 🔢 Binilang ko kung ilang beses lumitaw ang bawat bansa/local board sa dataset
  • 📊 Ikinumpara ko ang dami ng users bawat local board upang makita kung alin ang pinaka-dominant o pinaka-active sa sample dataset



2. ⭐ Full Members

  • 📊 38 out of 54 participants ay mula sa Nigeria, at nasa 📈70.37% ng buong dataset
  • 🌍 Karamihan ng ibang local boards ay mayroon lamang 1 hanggang 4 na users
  • Isa lamang na Filipino ang nakasama sa Full Member at ito ay si 📉coinrifft, 1.85% lamang ito sa kabuuan




3.🔥 Senior Members

  • 📊 Halos kaparehas lang din sa Full Member, 39 out of 60 participants, na lumalabas na 📈 65% ay galing sa Nigeria
  • 🌍 Susunod ang Indonesia na may 5, Italy 4, at Pakistan 3
  • At isa lamang ang Filipino, kundi si fullfitlarry, kaya 1 out of 60 ay 📉 1.67% lang sa kabuuan




4. 👑 Hero at Legendary Members

  • 📊Dito naman ay parehas ang Turkey at Nigeria, na may 12 miyembro out of 60 participants. Sinundan ito ng ng Pakistan na may 8 at Indonesia na may 6
  • Meron naman tayong 2 Filipino dito, si arwin100 at Finestream. Kaya 2 out of 60 📉 3.33%




5.🛡️ Posibleng dahilan ng mataas na partisipasyon ng Nigerian community

  • ✅ Mas aktibong local community
  • ✅ Mataas na interes sa signature campaigns
  • ✅ Mas maraming applicants mula sa Nigerian board
  • ✅ Malakas na forum engagement at activity at palitan ng merit sa loob ng local board



6. 📌 Konklusyon

Batay sa statistical analysis, talagang malinaw na ang Nigerian local board ang may pinakamalaking representasyon sa Rainbet signature campaign dataset. Habang ang karamihan kasama na ang Filipino at kakaunti lamang. May mga kasali din na hindi ko ma identify kung anong local board, pero hindi ito makaka apekto sa statistics dahil konti lamang din sila. Siguro maganda ring tingnan ito ng ating kababayan, at kailangan talaga nating maging aktibo dito sa forum at kailangan nating dumami pa. Although kung titingnan mo rin ang populasyon ng Nigeria ay humigit-kumulang 242 million, samantalang tayo ay humigit-kumulang 118 million lamang.

Kahit ang mga miyembro ng walang local boards katulad ng Pakistan at Bangladesh ay mas marami sa atin kasali sa campaign. Mabuti na lang at nauna rin tayo dito sa community. At ang masasabi ko rin talaga eh kailangan talaga nating magtulungan para maraming makasali sa signature campaigns. At sa pinakamalaking campaign na to, 4 lang ang mga Filipino na nakasali.  Huh
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!