Base sa tweet, it is shared publicly at hindi ipinagbibili. Ano kaya ang intention ng mga nang-hack kung hindi naman profit? Malamang, para ipahiya ang kahinaan ng IT security department ng mga agency na ito.
Malaking concern dito ang mga empleyado ng mga agency na ito kasi walang tao na gusto na magamit ang kanilang mga info sa masama o ma access ng iba.
Nakakapagtaka lang, malalaki ang budget ng mga agency na ito, lalo na ang IT security departments, pero hindi sila nag-a-allocate ng mataas na budget para maging maayos ang security nila.
Unfortunately, yung ganitong balita ay hindi na talaga bago. It's been years na laging na-hhack yung iba't ibang government agency dito sa Pilipinas. Naalala ko there was a time na may na-hack na local government/barangay page tapos ang pinopost puro kabastusan.
Again, this should definitely be a call for improvements and security dito sa ating bansa. If ang ating gobyerno mismo ang mandatory kinukuha data natin for any kind of transaction, nasa kanila din dapat ang obligasyon na ayusin ang kanilang security sa ating data. Basically, give-and-take lang ito given that they have the fiduciary duty in keeping our data as their utmost priority.
Pero OP, medyo nakaka alarma din yung ginawa ng hackers. Given that they did not sell the data, siguro it's more of a cry for help and to expose the weakness ng ating government securities. Hopefully this would be a lesson na hindi na maulit yung ganitong massive leak kasi tayo talaga ang ultimate na maapektuhan dito.