Tayo lang naman ata ang nagsasabi na nanghihinayang sila. May sinabi ba silang nanghihinayang sila? As far as ay know is natutuwa sila na nangyari yung ganito na nagkaroon ng deal na ganito. Kasi tingnan nyo kung hindi nangyari yan may cenecelebrate ba tayong Pizza day dito sa bitcointalk or like mga discussion na ganito. Tsaka madaming possibleng mangyari imagine kung hanggang ngayon naka hold yang 10K BTC magiging same pa rin kayo presyo? Syempre may magbabago sa takbo ng presyo ng bitcoin.
Hmmm, yes sinasabi natin na nanghihinayang siya, at sa isang interview, sinabi rin niya na hindi siya nanghihinayang pero masaya siya sa transaction na ginawa niya pero imposible naman ata na at one point eh hindi siya nakaramdam ng panghihinayang. Para sa akin eh sumagi sa isip niya yung panghihinayang at naisip na rin niya ang tanong na "Paano kaya kung di ko yun ginawa? Baka iba na ang buhay ko ngayon."
Well, wala na rin naman tayong magagawa kundi icelebrate natin yun at tama ka nga naman na hindi niya ineexpect na magiging ganito ang presyo ng Bitcoin ngayon. Saka wala na rin naman siyang magagawa dahil nangyari na rin.
Sa totoo lang, parang parehas kami ng experience dahil bumili akong aking personal computer gamit ang Bitcoin noong 2019. Hanggang ngayon eh napapaisip pa rin ako na "What if, hindi ko ginamit yung BTC ko noon para bumili ng computer? Baka iba na rin ang buhay ko ngayon kung hinold ko lang yung Bitcoin ko nung mga oras na yun."