Yung mga telcom yata hindi pa naaalis yung ISP ban pero nung unang try ko buksan gamit converge ay naka ISP ban pa dn. Bale nag refresh lng ako ng website then gumana na sa akin.
Medyo naninibago lng ako sa website interface since hindi na ako sanay sa web bersion dahil mas madali yung mobile app version ng binance na sa ngayon ay hindi pa dn available sa appstore.
Ang ironic lang dahil saka palang naremove sa mga appstore yung app while babalik na pala ang Binance. Ngayon problema naman nila pagbabalik ulit at paglift ng ISP ban.
Haha, oo nga kakaalis lang nila sa playstore tapos ibabalik na din nila soon. Yung sa app version ni binance, rekta na ako nakapagdownload sa website nila at nagtry lang ako ng ibang network/isp.
Tama diba sa website pa din sila tapos wala pa din access sa applications kasi as per checking sa Apple store is wala pa din yung binance eh so pero yung website meron na or accesible naman ito sa android havent check pa kasi eh.
Pero legit pag naka data ako sa simcard is naka block pa din yung binance sa akin. Kaya waiting na lang ako official announce so tamang abang ng fully functional nila.
Sa ibang network at ISP, accessible naman pero kung gusto magbypass, mag DNS change nalang at download nalang din mismo sa official website para sa mga naka android. At para naman sa mga naka desktop lang madalas, katulad ng sabi ni cointxz, wait nalang malift yung ban or yun nga dns lang katapat para maging accessible na ulit kung hindi makapaghintay.
Baka hindi pa nga updated sa lahat pero kung sa mga ISP eh accessible na hindi na rin magtatagal yan na magiging normal na ulit ang seerbisyo ng Binance dito sa bansa, kahit papano hindi na kakaba kaba na baka maipitan ng pera gawa ng legal na ulit ang serbisyo nila, alam naman natin na madami talagang kababayan natin ang gumagamit kahit pa nun na ban sila marami pa rin ang nag take ng risk at patuloy na gumamit ng binance.
Tama, madaming binance users sa bansa pero parang iba yung pagkakaintindi ko tungkol sa maipitan ng pera baka mag hold ka kay binance ng madami dami.