Update ko lng itong thread.
Nagtake over na ang Binance by Blockshoal sa Binance.com.ph website kaya accessible na ulit ang website kahit walang VPN or bypass trick.
Natry ko na dn mag trade at smooth naman. Good news din since no need na mag register ulit ng panibagong account since gumagana yung mga dating account ntin.

Na log in ko na yung account pero kapag sa mga specific sim cards ang gagamitin parang may iba pa ring nakablock pa rin yung domain ni Binance. Pero sa ISP ko naman, smooth at wala ng problema kaya sana tuloy tuloy na ito at masetup na ng maayos at matapos na din yung testing para magamit na nating lahat at magkaroon na tayo ng better choice kumpara sa mga local exchanges na nilimitahan lang yung choices natin.
Yung mga telcom yata hindi pa naaalis yung ISP ban pero nung unang try ko buksan gamit converge ay naka ISP ban pa dn. Bale nag refresh lng ako ng website then gumana na sa akin.
Medyo naninibago lng ako sa website interface since hindi na ako sanay sa web bersion dahil mas madali yung mobile app version ng binance na sa ngayon ay hindi pa dn available sa appstore.
Ang ironic lang dahil saka palang naremove sa mga appstore yung app while babalik na pala ang Binance. Ngayon problema naman nila pagbabalik ulit at paglift ng ISP ban.