Sa ngayon, kahit may mga balita na parang may chance na makabalik ang Binance sa Pilipinas, wala pa rin akong nakikitang malinaw na official statement na hindi na siya banned dito. Kaya ayoko muna mag-speculate masyado tungkol doon. Ang mas gusto ko sanang itanong is about sa P2P side.
Marami pa rin kasi gumagamit ng Binance P2P dahil convenient siya. Pwede bumili or magbenta ng crypto gamit GCash, Maya, or bank transfer. Madali siya gamitin lalo na kung sanay ka na, and minsan mas okay pa ang rate compared sa ibang local platforms. Pero sa tingin niyo ba, may possible risk ito in the future?
Hindi ko naman sinasabi na illegal agad lahat ng P2P trades. Pero paano kung someday ma-question tayo ng bank, payment app, or government kung saan galing yung mga funds? Lalo na kung maraming pumapasok at lumalabas na pera from different people, tapos crypto-related pa.
Possible din kasi na may ma-receive kang pera from third party account, flagged account, or galing sa suspicious transaction kahit hindi mo alam. Then ikaw pa yung maipit dahil account mo yung ginamit sa receiving side.
Overthinking lang ba ako dito, or may totoong risk talaga sa paggamit ng P2P habang hindi pa clear ang status ng Binance sa Pilipinas?
For PH users na gumagamit pa rin ng P2P, sa tingin niyo safe pa rin ba siya long-term, or mas okay na lumipat na lang sa licensed local platforms kahit mas mataas ang fees?
Parang gumagana panaman ata iyong p2p dun sa old binance account ang pagkakaalam ko, wagmo lang uninstall ung old binance app mo, waglang din siguro malaki ang pera na ilalabas mo para hindi ka maflag duon kasi nagkakatalo sa laki siguro ng ilalabas pagsobra, saktuhan lang at emonthly mo wag isang bultuhan.
Pero kung nagdadalawang isip ka pwede ka anamn siguro gumamit ng local exchange ng pinas na may vasp, hindi ko lang din sure if okay hindi na kasi ako nagamit ng mga local exchange eh sobrang talaga na, nakakagamit naman ako ng p2p sa mga naban na sa pinas, wala naman nagiging issue.