https://trezor.io/resellers
Up dito OP. Nilagay na ni Peanutswar yung image, pero mas maganda kung bisitahin mo na rin mismo yung website para kampante ka. Search mo lang Philippines para lumabas yung mga shop.
Tanong ko lang kung meron bang mga physical store na nagbebenta ng hardware wallet sa atin? Natatakot kasi ako bumili sa mga online at baka peke o sira yung dumating. Kapag doon naman sa mismong website ng manufacturer mahal yata ang shipping tapos baka may bayad pa sa customs. Yung pinaka murang trezor lang muna sana ang bibilhin ko kasi unang beses ko palang naman sumubok ng hardware wallet. Baka po meron sa inyo may experience sa pagbili.
Sa cryptobilis ako bumili dati. As far as I know, wala silang physical store dito, although meron yata silang office sa QC
(not sure). Karamihan kasi talaga online stores lang, legit naman yan basta i-check mo muna sa official website yung mga authorized reseller. Ok na rin yung nagtanong ka muna bago bumili para sigurado, lalo na kung first time mo bumili.