Ang Unang Mining Pool sa Bitcoin
🔍PanimulaSa mga unang taon ng Bitcoin, madali pa lamang ang pagmimina o mining dahil kakaunti pa lamang ang mga miners sa network. At sa aking pagbasa, pwede ka ngang magmina gamit lang ang iyong ordinaryong CPU. Ngunit napa-bilis ng paglaki ng Bitcoin at nang network nito na sa sumunod na taon ay hindi na pwede basta CPU lang at ang iba ay gumamit ng mas malalakas na computer gamit at GPU. Ngunit hindi parin sapat dahil nga mahal na rin ang mga GPU at pahirap na ng pahirap ang paghahanap ng block ng mag-isa. At dahil dito, ipinanganak ang konsepto ng mining pool.
⛏️ Ano ang Mining Pool?Ang tinatawag na mining pool ay isang sistema na kung saan ay pinagsasama-sama ng maraming miners ang kanilang computing o hash power. Upang magkaroon ng mas mataas na posibilidad na makahanap ng block kumpara sa pagiging solo miner. Dahil nga pag solo miner ka nakapahirap at kailangan mo rin ng swerte. At pag ikaw ay minalas, wala kang makikitang block sa mahabang panahon. Kaya sa sistema ng mining pool, kapag nakakita ng bagong block, hahatiin ang reward base sa amba ng bawat miner mula sa kabuuang has power ng pool.
⛏️👥 Ang Kauna-unahang Mining Pool sa BitcoinAt dito na nga pumasok sa kasaysayan ng Bitcoin ang
Slush Pool, na itinatag noong taong 2010. Ito ay ginawa ni Marek Palatinus, na mas kilala sa pangalang
slush.
Ang Slush Pool ang kauna unahang pagpakilala ng konsepto ng pooled mining sa Bitcoin ecosystem. At dahil dito, ang mga maliliit na miners ay makatanggap ng mas consistent na rewards kahit hindi sila makahanap ng block nang mag-isa. At dahil nga noong panahon na yon at tumataas na akong mining difficulty ng Bitcoin, kaya napakahirap sa solo miners ang makahapan ng block. Ngunit sa pamamagitan ng Slush Pool, sila ay nabigyan pagkakataong pagsamahin ang kanilang lakas upang makasabay sa lumalaking network.
👥 Sino si Slush?Si Marek Palatinus ay isang programmer mula sa Czech Republic na naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bitcoin mining. Bukod sa paggawa ng unang mining pool, naging kilala rin siya sa iba pang Bitcoin-related innovations.
At ang kanyang mining pool ay naging malaking impluwensya sa paglabas ng mga moderning pagmimina ng bItcoin. At hanggang sa ngayon, isa siya sa kinikilala na pioneeer sa industriya ng cryptocurrency mining.
⚒️🌐 Paano Gumagana ang Mining PoolSa konsepto ng mining pool, ang bawat miner ay nagbibigay ng bahagi ng kanilang computing power sa pool server. At dahil nga sila ay nagtutulungan, tumataas ang tsansa ng pool na makahanap ng valid block.
At kapag matagumpay na nakahapa ng isang block ang pool, ang block reward hinahati-hati sa mga miyembro depende sa kanilang contribution. Ang sistemang ito ay mas praktikal kumpara sa solo mining dahil nagbibigay ito ng mas regular na payout.
Isa sa mga naging mahalagang feature ng Slush Pool ay ang “score-based reward system.” Ginawa ito upang maiwasan ang tinatawag na “pool hopping,” kung saan may mga miners na lumilipat-lipat lamang ng pool upang samantalahin ang payout system.
🤝⛏️ Kahalagahan ng Slush Pool sa Kasaysayan ng BitcoinAng naging ambag ng Slush Pool at napalagi sa pagtulong at paglago ng Bitcoin network. Isipin mo kung walang pooled mining at lahat ay naging solo, mahirap makahanap ng block. At dahil nga naimbento niya ang mining pool, naging accessible ang pagmimina ng maraming tao. Tumaas nga ang hardware pero hindi naging kasing lakas kung walang mining pool. At ang pinaka maganda ay nabigyan ang mga miners ng pagkakataon paring kumita kahit paano.
Ang ang modelo nya ay pwede nating tawagin na "Gold Standard", dahil ang mga sumunod na mining pools ay ginaya ang kanyang mga konsepto. At magpasa hanggang ngayon, halos lahat ng Bitcoin mining ay ginagawa na sa pamamagitan ng mga mining pools dahil napakataas na ng mining difficulty.
At kalaunan, ang Slush Pool ay naging bahagi ng Braiins, isang kumpanyang patuloy na gumagawa ng mga mining technologies para sa Bitcoin ecosystem.
⚙️ Pagbabago sa Mundo ng Bitcoin MiningNagsimula lamang sa simple CPU mining noong 2009, pero nakapa bilis ng pag evolved ng mining sa Bitcoin. Sumunod ang GPU mining, FPGA mining, at kalaunan ay ASIC miners na ginagamit pa rin hanggang ngayon.
Kasabay din ng paglakas ng hardware, naging mas mahalaga rin ang papel ng mining pools. Kung wala ang konsepto ng pooled mining, posibleng iilan lamang ang may kakayahang magmina ng Bitcoin ngayon.
📌 KonklusyonKaya ang pagkakatatag ng unang mining pool ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bitcoin. Sa pamamagitan ng Slush Pool, nabigyan ng pagkakataon ang maliliit na miners na manatiling bahagi ng Bitcoin network kahit patuloy na tumataas ang mining difficulty.
Ipinakita rin nito kung paano nagtutulungan ang komunidad upang mapanatili ang decentralization ng Bitcoin. Hanggang ngayon, ang konsepto ng mining pools ay nananatiling mahalagang bahagi ng buong cryptocurrency ecosystem.
📊 Sanggunian