Kung makikita nyo lang ang iba sa mga posts ko, sinabi ko na noon na malaki ang chance na bumagsak pa tayo. Well habang ang karamihan ay ang tingin ay nasa bull market na naman tayo, ako ay tamang benta lang ng BTC sa itaas dahil expected ko ng babagsak ang market sa mga susunod na linggo at nangyari nga. Hindi ko lang inexpect na ganito kabilis.
Imagine nasa $74,000 pa ang BTC pagpasok ng June tapos after 4 days nasa $64,000 na.

Disappointed? Siguro yung mga baguhan sa pag-invest sa Bitcoin na bumili malapit sa $100,000 price area or yung mga bumili dun sa pinaka-peak price ng Bitcoin. Sila ang sigurong mga disappointed pero kapag matagal ka nang nasa crypto space, alam mong normal na ito na galaw ng Bitcoin at ng buong crypto market kaya hindi na ito nakakapanibago at para sa akin, wala akong nakikitang dahilan para mag-panic or madisappoint.
Madisappoint ka sa sarili mo kapag hindi mo grinab itong opportunity na bumili at mag-imbak ng Bitcoin. Madisappoint ka sa sarili mo kapag ginaya mo ang ginagawa ng karamihan na nagpapanic selling.
