May Bitcoin ka ba sa Coins.ph? Gcash? Maya? PDAX? Binance? Bybit?
Kung nasa exchange pa rin ang lahat ng coins Bitcoin mo, hindi mo pa talaga sila pag-aari!
Hindi ako anti-exchange ha. Gamit ko rin sila pambili ng Bitcoin. Pero parang palengke lang yan: bumili ka, tapos iuwi mo.
Issue ngayon ay:Madami mga hacks na nangyayari ngayon, kahit malalaking exchanges ay posible parin, hacks or nagsasara gaya ng FTX Exchange dati. Or Bybit nakaraan nakaranas ng hack!
Plus ngayon sa Pilipinas pansin niyo yung related sa SEC Philippines na madaming mga foreign exchanges na start binablock ng Pilipinas or hindi inaackdownledge as legit sa bansa natin? Para sakin mas safe talaga na ilabas mga Bitcoin natin sa mga exchangesn a ito, pwede ito gamitin sila para bumili lang pero dapat ilabas natin to papunta sa non custodial wallet natin so kahit ano mangyari sa mga exchanges na ito safe Bitcoin natin.
Ano ang "keys" na sinasabi ko?Sanay tayo sa setup ng Coins.ph for example: email address at password lang. Pag nakalimutan mo ang password, may "forgot password" at support na magre-reset para sa iyo, kasi may direct access sila mismo sa account mo at sa mga Bitcoin mo.
Iba pag gumawa ka ng sariling wallet. Sa unang setup pa lang, bibigyan ka agad ng seed phrase: 12 o 24 random words (BIP-39 ang tawag sa standard). Yang mga words na yan ang pinagmumulan ng private keys mo, Walang email. Walang password reset. Walang support hotline.
Pero good side? Ikaw lang may access ng Bitcoin mo.
Advice ko ay:1. Mag-install ng non-custodial wallet. Blockstream wallet sa phone for example or hardware wallets, ito mga gamit ko, madaming choices dito:
https://bitcoin.org/en/choose-your-wallet2. Isulat ang seed phrase sa papel. Hindi screenshot, hindi notes app, wag na wag ilagay online.
3. Mag-test send muna ng kunting Bitcoin, if plan mo malaking Bitcoin e store mo.
4. Optional ay multiple offline backups in multiple places, or basically mas gawing secure yung mga seed phrases/private keys ng Bitcoin wallet mo, like prone sa sunog or baha or ma access ng ibang tao.