Bitcoin Forum
June 13, 2026, 12:51:44 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Iba't Ibang Consensus Mechanisms: May Mas Higit Pa Ba sa Proof-of-Work?  (Read 13 times)
SatsPH (OP)
Member
**
Offline

Activity: 100
Merit: 51

For JM


View Profile
June 12, 2026, 02:28:33 AM
Merited by cryptoaddictchie (1)
 #1

Ang consensus mechanism ay isang patakaran o protocol na pinapayagan ang mga nodes na magkasundo sa "shared state of a ledger". Ito ang nagpapatunay na ang mga tranksakyon ay lehitimo, walang pandaraya, at iisa ang hawak na record ng bawat kasapi sa network. At dahil kung wala ang consensus mechanism ay posibleng magkaroon ng double spending at maaring magkaroon ng pag atake sa network na makakasira sa integridad ng blockchain.

And habang lumalaki ang paggamit ng blockchain, nagkaroon ng iba't ibang consensus mechanism upang tugunan ang pangangailangan at hamon tulad ng seguridad, decentralization, scalability, at energy consumption. Ngunit ganon pa man, wala naman perpektong solusyon, at bawat consensus mechanism ay may kanyang lakas at kahinaan.

Bakit ba mahalaga ang consensus mechanism?

Katulad ng depinisyon, ang blockchain ay binubuo ng maraming computers sa buong mundo. At sa halimbawa kung tayo ay nagpadala ng crypto natin:

  • Totoo ang transaksyon?
  • Hindi pa nagamit ang parehong pondo sa ibang transaksyon?
  • Pare-pareho ang rekord na nakikita ng lahat?
  • Walang iisang tao o grupo ang may kontrol sa network?

At dito na pumapasok an consensus mechanism na nagsisilbing rule book na sinusunod ng lahat para magkasundo kahit walang central authority.

Napag usapan na natin ang isa dito na ginagamit ng Bitcoin, ang Ano ang Proof-of-Work. Kung hindi pa ay pwedeng niyong balikan yang thread na yan. Salamat.

Ang sa ibaba ay talakayin natin ang iba pang consensus mechanism:



💰 1. Proof of Stake (PoS)

Dito naman ay walang mina na nagaganap. Sa halip ay meron tayong tinatawag na mga "validator". And mga ito nag lo-lock ng kanilang mga coins bilang stake upang magkaroon sila ng pagkakataong makagawa ng bagong block. At kung malaki ang stake mo, mas mataas ang posibilidad na mapili ka na validator.

Ang Advantage:
  • ✅ Mas mababa ang paggamit ng enerhiya
  • ✅ Hindi nangangailangan ng mamahaling mining equipment
  • ✅ Mas mabilis kumpara sa PoW

Ang Disadvantage:
  • ❌ Posibleng mas lumaki ang kapangyarihan ng malalaking coin holders
  • ❌ May mga debate tungkol sa tunay na antas ng decentralization nito

Halimbawa:
  • 📌 Ethereum
  • 📌 Cardano
  • 📌 Polkadot



🤝 2. Delegated Proof of Stake (DPoS)

Ang Delegated Proof of Stake ay isang bersyon ng PoS na kung saan ang mga coin holders ay bumoboto para sa limitadong bilang ng validators o delegates. Ang bilan na to ay depende (kadalasan ay 21 hanggang 101 delegates). At ang mga naihalal na to ay ang may kapangyarihang gumawa ng mga bagong blocks. At ang kapalit nito ay sila ang kikita sa block rewards. At kung may isa man sa kanila ay gumawa ng mali, o palaging offline, pwede silang alisin at palitan.

Ang Advantage:
  • ✅ Napakabilis ng transaksyon
  • ✅ Mataas ang scalability
  • ✅ Angkop para sa mga application na nangangailangan ng mabilis na kumpirmasyon

Ang Disadvantage:
  • ❌ Mas sentralisado kaysa PoW at PoS
  • ❌ Maaaring dominahin ng malalaking stakeholders ang proseso ng pagboto

Halimbawa:
  • 📌 EOS
  • 📌 TRON



🆔 3. Proof of Authority (PoA)

Ang Proof of Authority (PoA) ay kung saan hindi pera o computing power ang puhunan, kundi reputasyon at pagkakakilanlan. Iilan lamang (madalas 5 hanggang 25) ang mga "authorized validators" na siyang nagva-validate ng transactions at gumagawa ng bagong blocks. Karaniwang ginagamit ito sa mga private o enterprise blockchains.

Ang Advantage:
  • ✅ Napakabilis
  • ✅ Mababang operational cost
  • ✅ Madaling i-maintain

Ang Disadvantage:
  • ❌ Mababang decentralization
  • ❌ Nangangailangan ng tiwala sa mga validator

📌 Halimbawa:
  • 📌 VeChain (VET) - ginagamit para sa supply chain at logistics
  • 📌 xDAI Chain (Gnosis Chain) - stablecoin-focused blockchain
  • 📌 Microsoft Azure Blockchain- enterprise solution
  • 📌 Polygon (dating Matic) - gumagamit ng PoA para sa kanilang Heimdall layer



💾 4. Proof of Space (PoSpace)

Ang Proof of Space (PoSpace) ay ang storage space ng hard drive ang ipinupuhunan ng mga miner o validator, hindi computing power (PoW) o pera/stake (PoS).

Sa halip na gumamit ng malakas na CPU o GPU para mag-solve ng kumplikadong math problems (tulad ng Bitcoin), ang mga kalahok ay naglaan ng available na disk space sa kanilang computer. Kung mas marami kang libreng hard drive space, mas mataas ang tsansa mong manalo ng block reward.

Ang Advantage:
  • ✅ Mas mababa ang energy consumption
  • ✅ Hindi gaanong nangangailangan ng malakas na processor

Ang Disadvantage:
  • ❌ Nangangailangan ng malaking storage capacity
  • ❌ Maaaring magdulot ng kakulangan sa storage devices sa merkado

Mga Halimbawa:
  • 📌 Chia (XCH) - ang pinakasikat na halimbawa, gamit ang "Proof of Space and Time" (PoST)
  • 📌 Burstcoin (BURST) - isa sa mga naunang nagpatupad ng PoSpace
  • 📌 SpaceMint - academic proposal para sa proof-of-space-based cryptocurrency



🕒 5. Proof of History (PoH)

Ang Proof of History ay isang mekanismo na lumilikha ng cryptographic record ng oras upang mapatunayan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa network. Sa ganitong paraan, hindi na kailangang maghintayan ang mga nodes upang malaman kung kailan naganap ang isang transaksyon.

Ang Advantage:
✅ Napakataas ng transaction throughput
✅ Mabilis ang block production
✅ Angkop para sa mga application na nangangailangan ng mataas na performance

Ang Disadvantage:
  • ❌ Mas kumplikado ang disenyo
  • ❌ Mas mataas ang hardware requirements

Halimbawa:
  • 📌 Solana



🔍 6. Konklusyon:

Bagama't madalas na nakatuon ang mga tao sa presyo ng cryptocurrency, ang tunay na pundasyon ng bawat blockchain ay ang consensus mechanism na ginagamit nito. Ito ang mekanismong nagpapanatili ng seguridad, integridad, at pagiging desentralisado ng network. Sa kasalukuyan, wala pang consensus mechanism na maituturing na perpekto. Ang bawat isa ay may sariling kompromiso sa pagitan ng seguridad, decentralization, scalability, at kahusayan sa paggamit ng resources. At marami pang ibang consensus mechanism na gaya ng Proof of Burn (PoB), Proof of Capacity (PoC), Proof of Elapsed Time (PoET), at Hybrid PoW/PoS pero hindi siya karaniwang ginagamit.

At sa aking tingin ay ang pinakamahalaga ay ang Proof-of-Work pagdating sa seguridad at censorship resistance. Ngunit ang isa lang laging binabato ng mga kritiko dito ay hindi ito energy efficient hindi katulad ng ibang consensus mechanism.



📚 7. Mga Sources:

    Proof of Work (PoW)

    Proof of Stake (PoS)

    Delegated Proof of Stake (DPoS)

    Proof of Authority (PoA)

    Proof of Space (PoSpace)

    Proof of History (PoH)
    Pages: [1]
      Print  
     
    Jump to:  

    Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!