cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
 |
June 12, 2026, 10:56:03 AM |
|
Kumakatok lang ako sa mga Members ng Pilipinas Section kung sino man ang maaaring makatulong sa financial diyan. Di ko talaga ugali gawin ito pero naipit lang sa sitwasyon. Yung tatay ko kasi ay na Hospital at nandito kami sa private hospital. Ngayon yung Dr. Nirecommend siya na mag undergo ng Bypass Heart Surgery CABG nung 8th of June. Ngayon ay nakalabas na siya sa ICU at sa recovery room na. Ayaw talaga namin dito kasi nga mahal at wala kami pera pambayad kasi mas okay sa Public Hospital, pero yung recomendation ng Dr ay kailangan na talaga kesa mahantong sa atake sa puso kasi anytime puwede na daw siya atakahin. May kaunting pera si Papa at kami nagambag ambag na mga anak pero di rin kami mayaman para maglabas ng malakihan pera. Package ng Hospital  
As of today, ito na yung running bill namin di pa kasama yung professional fee sa package na P460k. Nabayaran na namin yung hospital bill sa package na 650k kasi required talaga bago ang operation, pero diyan palang nadurog na agad kami. Kasalukuyan nagpproseso kami ng GL or ( Guarantee letter) sa PCSO at Office of the President kasi yun lang daw ang tinatanggap ng Hospital sana malaki bigay nila at maaproved.  Ngayon nakakafrustrate kasi nagtext pa yung hospital na need ng partial payment ayun bayad nanaman. Eh kakatransfer niya lang from ICU to recovery room. Sa ganyan bill tapos running pa eh di namin alam kung gaano kalaki pa ang madadagdag diyan. (Sana naman makalabas na kami at maghilom agad) kasi pag tumagal pa siya hindi na namin alam san kukuha ng pambayad. Kung mayroon kayo maiaambag kahit maliit ay makakatulong na yun samin or kakilala or connection sa government or NGO na makakapag bigay ng agaran tulong pinansyal eh messags mo lang ako at talagang makakatulong yan samin. Solana: 3wWX7ugE3hkN8AxCVPeiQ6nAgWPhrJciBtoWjdVDNfEF Ethereum/base: 0x1c92FaBD63a9095bD98dC13d8C2Ed70314602e97 Bitcoin: bc1q79xea0p2ynj9acxupk7kfvetjagxh0lygz2gxk Kung gcash puwede rin via DM. Salamat mga kababayan. Sana ay matulungan ninyo ako mga kabayan. Ngayon palang ay nagpapasalamat n ko ng madami! Regards, cryptoaddictchie
|
|
|
|
Cointxz
Copper Member
Legendary

Activity: 3542
Merit: 1313
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
|
 |
June 12, 2026, 01:03:16 PM |
|
Not big pero sana makatulong ito sa hospital bills nyo bro. God will make way. TXID: https://solscan.io/tx/2Jvbe7RgeDcSQNd44J58yfHXnim6v45E7kMZftCdD8MezL9yh77mWcrusfiRpyEdvFhXw6s5ixiVGsgxee2eBiJqPraying for speedy recovery!
|
| ..Stake.com.. | | | ▄████████████████████████████████████▄ ██ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██ ▄████▄ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ██████ ██ ██████████ ██ ██ ██████████ ██ ▀██▀ ██ ██ ██ ██████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██████ ██ █████ ███ ██████ ██ ████▄ ██ ██ █████ ███ ████ ████ █████ ███ ████████ ██ ████ ████ ██████████ ████ ████ ████▀ ██ ██████████ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████ ██ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ▀█████████▀ ▄████████████▄ ▀█████████▀ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄███ ██ ██ ███▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████████████████████████████████████ | | | | | | ▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄ █ ▄▀▄ █▀▀█▀▄▄ █ █▀█ █ ▐ ▐▌ █ ▄██▄ █ ▌ █ █ ▄██████▄ █ ▌ ▐▌ █ ██████████ █ ▐ █ █ ▐██████████▌ █ ▐ ▐▌ █ ▀▀██████▀▀ █ ▌ █ █ ▄▄▄██▄▄▄ █ ▌▐▌ █ █▐ █ █ █▐▐▌ █ █▐█ ▀▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▀█ | | | | | | ▄▄█████████▄▄ ▄██▀▀▀▀█████▀▀▀▀██▄ ▄█▀ ▐█▌ ▀█▄ ██ ▐█▌ ██ ████▄ ▄█████▄ ▄████ ████████▄███████████▄████████ ███▀ █████████████ ▀███ ██ ███████████ ██ ▀█▄ █████████ ▄█▀ ▀█▄ ▄██▀▀▀▀▀▀▀██▄ ▄▄▄█▀ ▀███████ ███████▀ ▀█████▄ ▄█████▀ ▀▀▀███▄▄▄███▀▀▀ | | | ..PLAY NOW.. |
|
|
|
cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
 |
June 12, 2026, 01:56:48 PM |
|
Thank you so much boss malaking tulong na ito. Alam ko may awa ang Diyos at malalagpasan din namin ito. Ang pray ko na lang na makalabas na kami kasi sa totoo lang bwisit na bwisit na kami sa mga hospital coordinator sa mga sagot nila sa amin pag nagiinquire kami tungkol sa billing bakit ganito lumolobo ng ganun ganun na lang. Ang hirap intimdihin dahil di ko rin naman maintindihan mga medical terms sa itemized billing. Salamat boss ng marami.
|
|
|
|
fighter2627
Member

Activity: 120
Merit: 52
|
 |
June 13, 2026, 09:25:26 AM |
|
kinalulungkot ko yung pinagdadaanan ng pamilya mo ngayon sir, gustuhin ko man makatulong sir wala po akong maiaabot na tulong pinansyal, pero sa aming intercessory prayer isasama po namin kayo sa prayer request po Sir na tulungan kayo ng Dios na malampasan at mapagaling ang inyong ama sa pamamagitan po ng panalangin para sa pamilya nyo po.
Ito lamang po ang tanging magagawa ko sa inyo, God has a big purpose kung bakit nyo po pinagdadaanan yan alam kung pagsubok lang po yan sa inyong pamilya at alam kung walang pagsubok na hindi nyo po kaya. Pero susubukan ko pong magraise ng fund sa mga member ng simbahan namin sa kaya nilang maibigay po sir na tulong sa inyong ama, pero hindi po ako nangangako na malaking amount siguro may maibigay po sila at ipadala ko agad sa inyo once na makagather na ako ng fund po, Sanay maging maayos at okay na ang lahat sa pinagdadaanan mo ngaun po.
|
|
|
|
cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
 |
June 13, 2026, 12:12:59 PM |

Hello kabayan, thanks sa pag pray malaking tulong na din yun. Sa oras na ganito isa yan sa pinaka effective na paraan para solusyunan ang mga bagay bagay. Nasa pananampalataya na nating mga pilipino ang pagdadasal and I am doing it everyday. For some di ito effective pero sa mga katulad natin na naniniwala sa Diyos eh gumagana ito. Salamat din sa paglapit mo sa inyong simbahan. Kahit magkano ay syempre makakatulong pero if wala talaga kabayan ayos lang yung iyong pagdarasal eh laking tulong na.
|
|
|
|
|
blockman
|
 |
June 13, 2026, 10:44:52 PM |
|
Kabayan pa PM sa akin ng gcash number mo, dito o kaya sa TG. Gusto ko makatulong kahit sa maliit na halaga, wala kasi ako crypto funds lately kaya through e-wallet nalang. Praying na malagpasan niyo itong pagsubok sa inyong buhay. Yung malasakit center ba merong matutulong yun? madami lang kasi akong nababasa sa FB na madami daw natutulungan yung ganun. Di ko maimagine yung effort na ginagawa niyo para makakalap ng funds, kaya kung kaya din magpahinga, pahinga din kahit papano ha.
|
|
|
|
cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
 |
June 14, 2026, 02:16:33 AM |

Salamat ng marami boss. Dm kita sa telegram boss. Boss tinanong na namin yun sa malasakit hindi kasi siya puwede dun sa Hospital na inadmitaan ni Papa eh, kung tutuusin gusto namin sa public hospital pero yung Dr kasi niya nagdeclare na need na yung operation and urgent by it sound. Parang any seconds matitigok or aatakihin na si Papa kapag di pa inoperahan so ayun parang we got pinned by situatiin kasi alam namin na mangangain ng bills un kasi Private siya eh pero nakakatakot yung assesment niya. Oo nakakapagod boss di ko alam kung saan pa kukuha ng panggastos dito kung puwede nga lang may trabaho na macho dancer isang gabi tapos 100k ang kita baka patusin ko na eh. Kasi ang hirap 
|
|
|
|
arwin100
Legendary

Activity: 3486
Merit: 1089
Jack of all trades 💯
|
 |
June 14, 2026, 07:12:16 AM |
|
Kabayan pa PM sa akin ng gcash number mo, dito o kaya sa TG. Gusto ko makatulong kahit sa maliit na halaga, wala kasi ako crypto funds lately kaya through e-wallet nalang. Praying na malagpasan niyo itong pagsubok sa inyong buhay. Yung malasakit center ba merong matutulong yun? madami lang kasi akong nababasa sa FB na madami daw natutulungan yung ganun. Di ko maimagine yung effort na ginagawa niyo para makakalap ng funds, kaya kung kaya din magpahinga, pahinga din kahit papano ha.
Salamat ng marami boss. Dm kita sa telegram boss. Boss tinanong na namin yun sa malasakit hindi kasi siya puwede dun sa Hospital na inadmitaan ni Papa eh, kung tutuusin gusto namin sa public hospital pero yung Dr kasi niya nagdeclare na need na yung operation and urgent by it sound. Parang any seconds matitigok or aatakihin na si Papa kapag di pa inoperahan so ayun parang we got pinned by situatiin kasi alam namin na mangangain ng bills un kasi Private siya eh pero nakakatakot yung assesment niya. Oo nakakapagod boss di ko alam kung saan pa kukuha ng panggastos dito kung puwede nga lang may trabaho na macho dancer isang gabi tapos 100k ang kita baka patusin ko na eh. Kasi ang hirap  Medyo kapos ako ngayon kabayan dahil daming gastusin renovation o maintenance sa bahay kaya sad na hindi ako makakapag ambag sa case nato. Tanging magagawa ko lang ay magdasal na malampasan mo ang challenges nato at maging totally ok na yung papa mo dahil yun talaga ang mas important dito. Tsaka mag comment narin ako para mag up tong thread mo at maging visible sa mga kababayan nating medyo naka luwag luwag sa panahong to.
|
|
|
|
SFR10
Legendary

Activity: 3752
Merit: 4102
|
 |
June 14, 2026, 01:24:51 PM |
|
Kung mayroon kayo maiaambag kahit maliit ay makakatulong na yun samin
Nahihiya ako na kaunti lang ang maitutulong ko sayo ngayon [naka lock kasi funds ko sa ibang mga bagay], pero susubukan ko ulit magdagdag in the future [kung kailangan mo pa by that time]: Transaction link- Best wishes for a full and swift recovery 
|
|
|
|
|
qwertyup23
|
 |
June 14, 2026, 03:24:03 PM Last edit: June 14, 2026, 04:30:18 PM by qwertyup23 |
|
Kabayan, isa ka sa mga malaking influence dito sa Pilipinas Board Section and napakalaki din ng impact mo when it comes to helping newbies.
I think it is also about time na ibalik din yung tulong na ito sa iyo. Please message me your GCash No. and I will donate at least a relatively small amount within my means. Not only would this help your father pero this is also a thank you sign sa pagiging active and helpful mo dito sa boards.
Mahirap itong sitwasyon mo ngayon pero I believe na malalampasan mo din ito. Madaming dasal and tiwala sa Diyos in order to guide and put your heart at peace!
God bless sa iyo, Kabayan!
@cryptoaddictchie, please PM me your GCash number!
EDIT: Sent na brother! God bless!
|
RAZED | | | 100% | WELCOME BONUS | │ | █████████████████████ █████████████████████████ ████████████▀░░░░▀███████ ██████████▀░░▄▀▀▄░░▀█████ ██████████▄▄██▄▄██▄░▀████ █████▀░░░░░░░▀██░░█░░████ ████░░████▀▀█░░██▀░░▄████ ████░░████▄▄█░░█░░▄██████ ████░░█▀▀████░░██████████ ████░░█▄▄███▀░░██████████ █████▄░░░░░░░▄███████████ █████████████████████████ █████████████████████ | █████████████████████ █████████████████████████ ██████████▀▀░░░░░▀▀██████ ████████▀░░▄▄█░░▀▄░░█████ ██████▀░░▄█████▄░░▀░░████ █████░░▄████▄▀░░█▄▄░░████ ████░░▄███▄▀░░▄▀██▀░░████ ████░░▀▀██░░▄▀███▀░░█████ ████░░▄░░▀█████▀░░▄██████ █████░░▀▄░░█▀▀░░▄████████ ██████▄▄░░░░░▄▄██████████ █████████████████████████ █████████████████████ | | |
NO KYC | | | RAZE THE LIMITS ► PLAY NOW |
|
|
|
cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
 |
June 14, 2026, 04:09:54 PM |
|
Kung mayroon kayo maiaambag kahit maliit ay makakatulong na yun samin
Nahihiya ako na kaunti lang ang maitutulong ko sayo ngayon [naka lock kasi funds ko sa ibang mga bagay], pero susubukan ko ulit magdagdag in the future [kung kailangan mo pa by that time]: Transaction link- Best wishes for a full and swift recovery  Salamat ng marami bossing. Kahit magkano pa yan eh makakatulong yan samin boss. Sana hindi ko na kailanganin magsabi sa future boss kasi kahit ako sukang suka sa sitwasyon na meron ako ngayon. Salamat ng madami. Kabayan, isa ka sa mga malaking influence dito sa Pilipinas Board Section and napakalaki din ng impact mo when it comes to helping newbies.
I think it is also about time na ibalik din yung tulong na ito sa iyo. Please message me your GCash No. and I will donate at least a relatively small amount within my means. Not only would this help your father pero this is also a thank you sign sa pagiging active and helpful mo dito sa boards.
Mahirap itong sitwasyon mo ngayon pero I believe na malalampasan mo din ito. Madaming dasal and tiwala sa Diyos in order to guide and put your heart at peace!
God bless sa iyo, Kabayan!
@cryptoaddictchie, please PM me your GCash number!
Maraming salamat boss wala lang kasi ako iba malapitan bukod dito sa forum parang family ko na din ito eh. Saka lumapit din ako sa iba kamaganak namin yung iba nagbigay yung iba seen zone pa nga. Kakainis lang kasi pag sila ang may kailangan ang bibilis. Thank you boss sige dm ko sayo salamat ng madami boss.
|
|
|
|
|
bhadz
|
 |
June 16, 2026, 01:33:11 PM |
|
Hello @cryptoaddictchie, nag PM ako sayo. Gustuhin ko man na medyo malaki laki sana para sa akin ang maitulong ko kaso nagsabay sabay din ang mga bills ko. Umaasa ako na magiging maayos ang kalagayan ng papa mo. Ayaw ko sana mamulitika pero nakakainis yung healthcare system sa atin lalo na yung isa ding nagtrending tungkol sa Philhealth. Mapapa hay nalang talaga, virtual hugs sayo kabayan at nakikiisa ako kay fighter sa prayer na ambag niya, He will hear our prayers.
|
|
|
|
cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
 |
June 16, 2026, 03:27:49 PM |

Salamat kabayan sa tulong na iyong binahagi malaking tulong din to for us. Yan din yung isa na kinaiinisan ko, disqualified yung father ko sa Pholhealth Z Benefit for CABG operation dahil urgent daw ang need na operation. Sa totoo lang kasi yung paliwanag samin kung bakit ganun na di kami puwede icater eh parehas lang naman na ooperahan. I know na meron criteria pero bakit kailangan mamili eh ooperahan din naman. Nanghihinyang din kami kasi laking pera sana maitutulong. Almost half million sana yun.
|
|
|
|
|
gunhell16
|
 |
June 16, 2026, 03:51:27 PM |
|
Sana nga maging maayos na lahat brother sa papa mo, at nakikiisa din ako sa prayer ng bawat isa dito sa kanya, kung maging maayos at maganda ang profit result ko this week sa trading bro up to next week mag-aabot din ako ng tulong sa erpat mo. I feel you bro, sa tingin ko naman hindi pa time ng papa mo pagsubok lang yan God will still extend his life more. kapit lang brother, at sama-sama tayong mga kababayan mo dito sa panalangin na kagalingan para sa erpat mo, Magpakatatag ka lang at tiwala sa maykapal God bless you, saka wag muna ako batuhan ng merit sayang lang, ibigay muna sa iba bro. 
|
|
|
|
|
cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
UPDATE: Nakalabas na kami guys ng Hospital, currently nagpapahinga si Papa dito sa Place ko kasi bawal pa umuwi ng probinsiya. Honestly napaka hirap netong past few weeks but still kinaya. Sana naman ay gumaling na siya at bumalik ang lakas agad agad. Gusto kong magpasalamat sa mga tumulong at nagdasal para sa kanya.
Di ko malilimutan itong tulong at suporta ninyo. Tech3038, Peanutwear, Cointxz, crwth, Blockman, SFR10, awrin100, qwertyup23, bhadz, robelneo, gunhell16 at sa mga members sa Local TG na nagdasal at nagbigay ng support.
Makati yung mga utang na need tapusin pero wala eh ganun talaga. Isang big lesson learned to for me. Iwasan ang private hospital nangangain ng pera they are concern more sa potential kikitain ng hospital.
|
|
|
|
arwin100
Legendary

Activity: 3486
Merit: 1089
Jack of all trades 💯
|
 |
Today at 10:56:44 AM |
|
UPDATE: Nakalabas na kami guys ng Hospital, currently nagpapahinga si Papa dito sa Place ko kasi bawal pa umuwi ng probinsiya. Honestly napaka hirap netong past few weeks but still kinaya. Sana naman ay gumaling na siya at bumalik ang lakas agad agad. Gusto kong magpasalamat sa mga tumulong at nagdasal para sa kanya.
Di ko malilimutan itong tulong at suporta ninyo. Tech3038, Peanutwear, Cointxz, crwth, Blockman, SFR10, awrin100, qwertyup23, bhadz, robelneo, gunhell16 at sa mga members sa Local TG na nagdasal at nagbigay ng support.
Makati yung mga utang na need tapusin pero wala eh ganun talaga. Isang big lesson learned to for me. Iwasan ang private hospital nangangain ng pera they are concern more sa potential kikitain ng hospital.
Buti naman at nakalabas na ang tatay mo kabayan. Tsaka pahinga na muna talaga ang kailangan dyan dahil mahirap na at baka mabinat, baka maisipan pa ng papa mo na magtrabaho kung nasa probinsya sya. Hirap talaga sa private hospital dahil sobrang mahal dyan, nakakaubos di lang ng pera pati narin enerhiya. Medyo ok lang yung utang makakapag grind pa naman ang mahalaga naka out na at in recovery na erpats mo.
|
|
|
|
Cointxz
Copper Member
Legendary

Activity: 3542
Merit: 1313
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
|
 |
Today at 12:26:51 PM |
|
-snip-
Masaya ako na makatulong kahit pa sa maliit na halaga since buhay ng tao ang pinaguusapan dito. Sana magtuloy tuloy lang pagrecover ng papa mo bro. Yung pero kikitain naman ntin yan at madami pang opportunity na papaldo tayo basta positive mindset lang. Dito makikita kung gaano ka solid ang community natin. Godbless bro.
|
| ..Stake.com.. | | | ▄████████████████████████████████████▄ ██ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██ ▄████▄ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ██████ ██ ██████████ ██ ██ ██████████ ██ ▀██▀ ██ ██ ██ ██████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██████ ██ █████ ███ ██████ ██ ████▄ ██ ██ █████ ███ ████ ████ █████ ███ ████████ ██ ████ ████ ██████████ ████ ████ ████▀ ██ ██████████ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████ ██ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ▀█████████▀ ▄████████████▄ ▀█████████▀ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄███ ██ ██ ███▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████████████████████████████████████ | | | | | | ▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄ █ ▄▀▄ █▀▀█▀▄▄ █ █▀█ █ ▐ ▐▌ █ ▄██▄ █ ▌ █ █ ▄██████▄ █ ▌ ▐▌ █ ██████████ █ ▐ █ █ ▐██████████▌ █ ▐ ▐▌ █ ▀▀██████▀▀ █ ▌ █ █ ▄▄▄██▄▄▄ █ ▌▐▌ █ █▐ █ █ █▐▐▌ █ █▐█ ▀▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▀█ | | | | | | ▄▄█████████▄▄ ▄██▀▀▀▀█████▀▀▀▀██▄ ▄█▀ ▐█▌ ▀█▄ ██ ▐█▌ ██ ████▄ ▄█████▄ ▄████ ████████▄███████████▄████████ ███▀ █████████████ ▀███ ██ ███████████ ██ ▀█▄ █████████ ▄█▀ ▀█▄ ▄██▀▀▀▀▀▀▀██▄ ▄▄▄█▀ ▀███████ ███████▀ ▀█████▄ ▄█████▀ ▀▀▀███▄▄▄███▀▀▀ | | | ..PLAY NOW.. |
|
|
|
cryptoaddictchie (OP)
Legendary

Activity: 2842
Merit: 1589
|
 |
Today at 03:16:09 PM |
|
Buti naman at nakalabas na ang tatay mo kabayan. Tsaka pahinga na muna talaga ang kailangan dyan dahil mahirap na at baka mabinat, baka maisipan pa ng papa mo na magtrabaho kung nasa probinsya sya.
Hirap talaga sa private hospital dahil sobrang mahal dyan, nakakaubos di lang ng pera pati narin enerhiya.
Medyo ok lang yung utang makakapag grind pa naman ang mahalaga naka out na at in recovery na erpats mo.
Ayun inip na inip na nga siya eh. Syempre sanay siya sa probinsya at dun talaga sanay sa buhay dun at di sanay ng parati lang nakahiga at pahinga. Oo bro private hospitals are worse unless mayaman ka and kaya mo sustain ang mga bills na darating. Yes sa totoo lang kakayanin pero yung time na andun ka di mo alam talaga ano ano na lang basta makalikom ng pambayad sa lintek na hospital na yan. Masaya ako na makatulong kahit pa sa maliit na halaga since buhay ng tao ang pinaguusapan dito. Sana magtuloy tuloy lang pagrecover ng papa mo bro.
Yung pero kikitain naman ntin yan at madami pang opportunity na papaldo tayo basta positive mindset lang.
Dito makikita kung gaano ka solid ang community natin. Godbless bro.
Salamat bro napakalaki talagang help yun sinend mo. Almost iang week wala din ako sa wisyo kahit yung mga normal routine ko sa web3 napalitan eh and nawala. Kailangan bumangon muli boss. Nakaka amazed yung local natin.
|
|
|
|
Asuspawer09
Sr. Member
  
Activity: 2268
Merit: 458
Track any Bitcoin address, No Logs
|
 |
Today at 05:13:55 PM |
|
Kabayan medjo late ko na nabasa pero PM mo na ang Gcash mo saken, maliit lang ito pero tulong na rin para sa papa mo.
Similar din sa nangyare last month sa mommy ng aking partner, but sadly hindi na kinaya, sa experience namen sa hospital parang pineperahan talaga nung private ospitals and patong patong ang bills, ang masama pa nun parang walang recovery, hindi nila alam ang gagawin, sa friend ko naman na nurse narinig ko na masokey daw talaga ang mga doctors sa mga public hospitals dahil sila yung marami ng experience at magagaling yung mga nasa private mga fresh graduate parang tulad din sa mga teachers. At proven and tested since parang ganun din ang nangyare samen hindi namen nakikita ang recovery dun sa private hospitals parang hindi nila alam ang ginagawa nila. Also I have a friend pa na similar din sa erpat niya ang condition from private din and nahirapan din sila sa private, buti nalang nilipat na nila sa heart center, nilakad lang nila ang papers and i think around 1M ang bill and nacover lahat yun after ng heart surgery, subukan mo rin baka malakad mo itong bills nyo.
Tuloy lang kabayan kahit mahirap, kahit ganyan mas plano si Lord always so trust pa rin, Praying sa full recovery ng papa mo Godbless!
|
|
|
|
|
blockman
|
 |
Today at 09:41:46 PM |
|
Walang anuman yun chie. God bless sa inyo. UPDATE: Nakalabas na kami guys ng Hospital, currently nagpapahinga si Papa dito sa Place ko kasi bawal pa umuwi ng probinsiya. Honestly napaka hirap netong past few weeks but still kinaya. Sana naman ay gumaling na siya at bumalik ang lakas agad agad. Gusto kong magpasalamat sa mga tumulong at nagdasal para sa kanya.
Gagaling si papa mo at nairaos mo yung nangyari at nakalabas na kayo sa hospital. Patuloy niyo lang siyang alagaan, at saka nga pala happy fathers day sa kaniya at sa lahat ng mga tatay din dito sa forum. Makati yung mga utang na need tapusin pero wala eh ganun talaga. Isang big lesson learned to for me. Iwasan ang private hospital nangangain ng pera they are concern more sa potential kikitain ng hospital.
Masakit man at magastos pero mas mabuti yun kasi kung sa public hospital yan baka hindi siya naasikaso ng maayos.
|
|
|
|
|