Sa Pilipinas, regulated na ang maraming online casinos. Pero minsan iniisip ko, dahil ba sa regulation na ito, mas naging normal at mas madaling ma-access ang pagsusugal?
Dati kailangan mo pang pumunta sa casino o betting shop. Ngayon, cellphone lang at e-wallet, puwede ka nang magsugal kahit saan at kahit anong oras.
Ang mas nakakalungkot, madalas mahihirap ang mas naaapektuhan. May iba na hindi na nagsusugal para malibang, kundi umaasang baka ito ang sagot sa problema nila sa pera. Pero kadalasan, mas lalo lang silang nababaon.
Kaya ang tanong, pinoprotektahan ba talaga tayo ng regulation, o mas lalo lang nitong pinalaganap ang online casinos sa bansa?
Para sa inyo, nakakatulong ba ang regulated online casinos, o mas pinapahirapan lang nito ang mga taong hirap na nga sa buhay?
In a way, it makes it easier para sa mga kababayan natin na ma-access ang mga ganitong platform, compared noong panahon na mga land-based casino pa 'lang ang meron.
May cellphone at data ka 'lang maa-access mo na 'tong sandamak-mak na mga online casinos. And what's worse is they are advertised practically everywhere online; sa social media, e-wallets, even on random pages.
Pero with that being said, regulation has nothing to do with the massive success of online casinos nowadays. Andyan 'yan to protect the consumers/users. Hindi na nila (regulatory commission) saklaw ang pagkaka-adik ng mga Pinoy dito. Kasi kahit pa walang mga online casinos, 'yung mga sugarol maghahanap ng paraan 'yan para makapag-sugal, through sabong, tong-its at kahit pa nga gagamba.

Ika nga, nature na ng ibang mga kababayan natin ang magsugal. It only becomes obvious since ngayon online na lahat ng transaction; lantaran na lahat.
BTW, I was in Davao City recently, and I walked past a land-based casino; dati (way back in college days) tuwing dumadaan ako sa lugar na 'yun, napaka daming tao sa casino na 'to, maraming magagarang sasakyan nakaparada sa labas, ngayon aakalain mo na sarado na ito, tahimik and even the main door is closed.

Mukhang affected ng sudden popularity ng mga online casino ang mga land-based casinos.