Mali talaga ang pamamalakad ng gobyerno natin sa aspeto na ito tungkol sa pagsusugal. Habang ang ibang bansa, pinagkakakitaan ang gambling sa mga foreigners at turista nila, dito sa atin naging focus na business customers ay yung mga kapwa natin. Sobrang dami din kasi ng populasyon natin kaya hindi nila pwedeng itanggi na madaming pera ang pwede nilang kitain sa mga pinoy. Dapat rin talaga magkaroon ng mga paalala lagi sa mga nagsusugal na hinay hinay lang at magkaroon palagi ng control pero malabong gawin yan ng mga casinos sa atin kasi yun nga ang pinagkakakitaan nila.
Sa Australia ganun ih banned sa mga local ang gambling not sure about online casino. Mga tourist lang nila allowed mag physical casino sa kanila. Pero for sure yung mga local nila pag gusto talaga mag sugal yan gagawa at gagawa ng paraan yan para makapag sugal.
May mga South East Asian countries na ganyan din ginagawa. Binaban nila yung mga locals na pumasok sa mga physical casinos at magregister sa mga online casinos na dapat lang sa mga turista nila. Kaya nagkakaroon nalang sila ng mga underground casinos pero para lang yan sa mga may pera talaga at hindi doon sa kung sino sino lang na pwede maka-access.
Iniisip kasi ng gobyerno natin kapag binanned itong online casino satin sayang yung kita. Yung kikitain naman daw nila ay sya rin naman pagbibigay sa mga serbisyo sa taong bayan. Parang ang labas hayaan mong malulong mga kababayan mo pero mas madami naman ang mga ngingi nabang dahil sa kita ng gobyerno. Okay sana kung ganun kaso kukurakutin lang ng mga buwaya. Wala din lol
Pagkakaalala ko ay nagkaroon ng time na binan yan sa administrasyon natin ngayon pero parang binalik lang din. Hindi nga lang sugal ang tawag kung hindi ay online gaming. Parang nirebrand lang pero ganun pa rin naman ang nangyayari at totoo yang sayang ang kita nila diyan. Dati kasi itong mga POGO parang mga chinese lang ang customers tapos ngayon inalis sila para masolo ang market dito sa bansa at ang target naman na ay kapwa natin pinoy.